Maulan at malamig na umaga ang sumalubong sa kakabalik lang na si Bong from Canada. He stayed muna sa condo ni Ana, also to catch up with his bruh. Marami-rami na rin siyang na miss out from his vacation.
"Nako, nako! Alam mo na Ma, kausap na naman ni bruh si Jose." Bong said, nang makita si Ana na nagfe-facetime.
"Itanong mo nga diyan sa kapatid mo kung ano na sila nung Jose?" pag-reply naman ng nanay na kausap niya sa telepono.
He put the phone on speaker para iparinig ang conversation nila kay Ana, "Katrabaho namin sa show, 'best friend niya daw'"
"Bestfriend naman talaga ah!" Sigaw ng kapatid na nakikisakay sa kalokohan ng pamilya.
"Nako, bantayan mo yang kapatid mo. Alam mo naman yan kung ma-fall!" their mother joked, and left Bong laughing. Ana turned with a glare and smirk on her face.
"I can hear you!"
"Sige na Ma, kausapin ko nalang 'tong si kulot." natatawang sabi ni Bong habang ine-end ang call. Nang makakalma ay nilapitan niya ang kapatid na itinapos na ang facetime nila ni Jose. Umupo siya sa armrest ng sofa, leaned and tried to get Ana's attention. Kunwarian naman ini-ignore ng huli ang kapatid, and focused on her ice cream.
He then reserted to poking his sister's tummy, and finally she looked at him. "Tapatin mo nga ako. Jowa mo ba yung Jose?"
"Why do you always ask me that?" she replied, "And no, hindi ko siya jowa."
He wasn't convinced. "Talaga?"
Then he heard Ana groan, at alam niyang gumana ang pang-aasar niya dito.
"Eh, nawala lang ako saglit, may 'best friend' ka na bigla?" pagpatuloy ni Bong, "Eh, sabi nga ni Annie, lagi raw kayong magkasama. Na-iingit nga siya eh."
"Busy naman siya everytime I ask her out though." Ana replied.
"Tapos, ikaw yung nag-hire sa kanya as MUA sa show."
"I didn't hire him, Direk did. And hindi lang naman siya yung na-hire."
"Tapos, tapos!" panggatong naman ni Bong, "Nag-invest ka sa coffee shop niya!"
"Paano mo nalaman yun?"
"And hindi ka na napunta sa lounge kapag commercial break. Balita ko lagi kang nasa dressing room ni Anne, nakikipagchikahan sa mga MUA."
She sighed, "Can't I mingle with others? Tsaka minsan lang naman eh."
"Tapos hindi ka rin maaya ng ibang cast kasi may lakad kayo ni Pogi." he revealed. His fellow castmates have texted him photos and videos of the two when they're in the set. Napaghahalataan niya talaga yung dalawa, pero ayaw naman niyang mag-assume. But after hearing Annie's story about them, parang maniniwala na siya na may something.
"Porke't magkasama lagi, magjowa na kaagad?" she asked sa sceptical na kuya.
"Eh, kayo ba, hindi?"
"Ugh, ewan ko sayo, bruh!"
"Yieeee, kinikilig si bruh!" pang-aasar naman ni Bong, habang pino-poke ang pisngi ng kapatid.
"Bruh we're friends, okay." Ana assured her brother. "And besides, he's really fun to be with. Mag-bonding kaya kayo?"
"Yoko. Baka magselos ka pa." he joked, when Ana started to tickle him hanggang sa magtabi na sila sa sofa. After that, Ana took her pint of ice cream and smudged it on Bong's face.
They were laughing their butts off, nang mag-ring ang phone ng dalaga. It was Jose.
Uunahan sana niya si Ana sa pagsagot, subalit sadyang mabilis ang kapatid.
"Hey, Jose!" she answered."Nasa bahay ka na ha."
Tumitig lamang si Bong sa kapatid, at napansin ang hindi maalis na ngiti sa mukha ng kapatid. Only then he understood why.
"Jose, I'd like you meet my bruh!" sabi ni Ana, at tumabi sa kay Bong.
"Hi Bong!"
---