The next day, maagang nagising ang dalawa since may pasok silang pareho.
Jose initiated na magluto ng kanilang breakfast, while Ana was taking a shower. At tutal hindi natuloy ang make up session nila kagabi, ngayon nalang daw nila gagawin.
Mabilis na natapos si Jose sa iniluluto, at kanin na lamang ang inaantay. Napagpasiyahan niya na i-check kung OK na si Ana. At dahil naiwan niya ang phone niya sa room, pinuntahan niya ito para kunin. Sigurado naman siya na hindi pa naman tapos maligo ang dalaga.
Meanwhile, Ana just got out of the shower and was wiping her feet nang sumigaw si Jose from outside.
"Ana! Naghanda na 'ko ng breakfast! Tara let's at kain na tayo!" she heard at parang lumalapit ang tunog ng boses niya. Doon lang nag-sink in na papasok na ang binata. Pero bago siya makagalaw ay biglang tumayo ang binata sa threshold ng kwarto at sumilip.
"By the way, nakita mo ba yung pho-- WAAAAAAH!" sigaw ni Jose, yumuko at tinakpan ang mga mata habang si Ana naman ay dali daling bumalik sa CR.
"I'm so so sorry!" Nahihiyang sinabi ni Jose at nagtago ng husto sa pintuan. "'Di ko alam na tapos ka na!"
"It's okay, Jose." sabi ni Ana habang nakasilip sa maliit na uwang ng pinto."Susunod nalang ako."
Nagbihis naman si Ana at dali daling pumunta sa dining area. Pinagsalinan naman ni Jose ng kanin ang dalaga.
"Pero girl ha! I must say, what a bod!" sabi ni Jose habang nilalagyan ng daing ang plato ni Ana. "Napapansin ko lang everytime pero you're so curvacious!"
Nag-blush naman si Ana. "T-thank you!" kinikilig na sabi ng dalaga.
"I'm so sorry to open up that topic, pero kasi naman girl eh! Workout ba naman ng workout."
"Pero kain nang kain ng kanin."
"Haynako, dream bod ko kaya yan!" Jose sighed, "Kaya bagay sayo almost lahat ng damit eh. So kurbada..."
Bigla siyang napaisip, "Alam ko na! From now on, tatawagin na kitang Kurba!"
And again, kinilig na naman si Ana, "Stahp it!" very light na pagpalo niya sa braso ng binata.
"O siya, bilisan na natin kumain at me-makeup-an pa kita!"
And they ate hanggang mabusog sila. After cleaning and fixing their plates, naghanda naman si Jose para sa makeup session. Nagto-toothbrush naman ang dalaga para daw hindi amoy bawang yung bunganga niya.
---
Jose started applying foundation and concealer, napansin niya na may eyebags ang dalaga. Nagpuyat na naman 'to nako isip isip ng binata.
Habang naglalagay ang binata ng brow pencil, taimtim namang pinagmamasdan ang ginagawa ni Jose.
"You really are a great makeup artist." she said. "Ang serious mo kasi, it seems that you really love what you're doing."
Ngumiti naman si Jose, "It's my passion. Ever since high school palang, ako na nag-mmake up sa mga ate ko."
Natawa naman ang dalaga, "Well, you know a lot. And I don't even know how to apply highlighters!"
"Turuan kita mamaya, but now..." he added some finishing touches before proceeding to the next step.
Nang matapos sa pagko-contour, last step nalang is to apply the lipstick. Gamit ang applicator, Jose let the wand glide through the girl's lower lip because a certain brand's creamy texture ;)
At dahil maraming shades to choose from, they tried some of them. They finally settled sa mauve pink na shade."In fairness ha, bumagay sa'yo lahat ng shades." Jose said habang binabalik sa lalagyan and liquid lipstick.
"Pero I noticed something..." pagiibang naman ng topic ni Ana. "You're really pogi!"
Jose did a double take dahil sa sinabi ng dalaga. "Huh?"
"Seriously! Lalo na kapag malayo." she joked. "Pero swear, you're handsome."
"Hindi naman masyado..." Jose blushed. Hindi siya masyadong nakakatanggap ng ganitong compliment from anyone (aside from his mother and sisters) and he really appreciates that.
"I know na!" Ana exclaimed, "From now on, I'll call you Pogi!"
"Ehhh stahp it!"
And since then, 'yun na ang tawagan nila sa isa't isa. Even their friends are confused.
But they're the only ones who knew of the secret history of Kurba and Pogi.
----
Sorry late, pero ayun busy because of my new work. Pero ayan na yung make out- este makeup session nila.
Watch out for THC Stickers batch ✌️
Tsaka gusto niyo na ng Spicy Edition part ✌️ ?
And thank you so much sa support! Labyu guys!