DreamSabado na ngayon, at maaga kaming binulabog ni mama, at saka pinag-linis ng bahay. Naka-sando at short lang ako ngayon, total, nasa bahay lang naman ako, eh. Hehe.
Habang nag-lilinis ako rito sa may bakuran ay napa-punas ako ng noo. Nag-wawalis ako ngayon. Kakatapos ko lang mag-linis sa sala, habang si Aina naman ay nasa ikalawang palapag ngayon at nag-lilinis rin. Wala talaga kaming takas kay mama.
"Sexy natin ah." Nagulat naman ako nang may mag-salita mula sa likod ko, kaya agad akong umayos ng tayo. Medyo naka-tuwad kasi ako kanina.
Agad kong hinarap 'yong nag-salita, at saka nakita roon ang nama-ngising si Law, kaya agad napa-taas ang kilay ko.
"Anong ginagawa mo rito?" Taas kilay kong tanong sa kanya, bago yumuko at saka pinulot 'yong walis sa lupa, habang titig na titig naman siya sa akin.
Umayos ako ng tayo, at saka hinawi ang buhok ko, bago tumingin muli sa kanya na biglang lumunok.
"A-ah may sasabihin lang ako." Sagot nito sa akin, at saka mabigat at malaki ang hakbang na nag-lakad palapit sa direksyon ko.
Nang maka-lapit ito sa akin, ay bigla itong yumuko, at saka inilapit ang mukha sa tenga ko. Rinig na rinig ko ang hininga niya. Ramdam na ramdam ko rin 'to.
"Kulay itim ba ang bra mo? Bakat na bakat, puti pa naman 'yang sando mo." Nanlaki naman bigla ang mata ko dahil sa sinabi niya, at saka siya mabilis na hinampas.
"Gago ka. Lumayas ka!" Pagtataboy ko pa rito, bago nag-simulang mag-walis muli. Nararamdaman ko pa rin ang presensya niya, at ang pag-titig niya. Gosh! Inis ko naman siyang nilingon, at saka ako umayos ng tayo't namaywang.
"Anong tinitingin-tingin mo? Alam kong maganda ako, lalo na't isa akong Wattpader! Layas! Chupi!" Naka-pamaywang kong sabi sa kanya, at saka siya itinaboy na parang aso. Napa-nguso naman ito, at saka mabilis na tumayo't namulsa.
"Fine. Babalik ako." Sabay talikod nito, at saka nag-lakad paalis. Napa-buntong hininga naman ako, at saka nag-patuloy sa pagwawalis.
Nang matapos ako ay agad akong napa-upo sa duyan, bago kinuha ang cellphone ko upang tumingin upang tingnan ang notification ko if may update na sa mga stories na mga inaabangan ko, pero wala eh. Puro song lyrics and poems lang naman ang mayroong update. Napa-simangot na lang ako, at saka in-off ang cellphone ko bago tumayo at saka nag-inat at saka pumasok sa bahay.
Nang maka-pasok ako ay kaagad akong dumiretso sa kuwarto ko at saka naligong muli, at saka nag-bihis ng maong short shorts at saka green oversized v-neck shirt.
Nang matapos akong mag-bihis ay agad akong tumalon sa kama at saka dumapa.
Nakaka-pagod! Grabe naman kase 'to si mama! Umagang-umaga, biglabg manggigising para ipag-general cleaning kami kase napakarumi na ras ng bahay. Lagi na lang raw kaming gumagala ni Aina Love o 'di kaya ay nagce-cellphone at nag-kukulong sa loob ng kuwarto.
Ipinikit ko ang mata ko, at saka inilagay sa may tiyan ang kamay ko, ng marinig kong bumukas ang pintuan.
Hindi ko iminulat ang mata ko. Sa halip ay bumuntong hininga lamang ako, ng bigla siyang mag-salita.
"Be, nabasa mo na 'yong possessive series?" Biglang tanong nito sa akin, with matching mahinang tili.
Agad akong nag-mulat ng mata, at saka siya nilingon. "Oo, pero hindi ko binabasa 'yong mga spg. Kahit naman 21 na ako at graduating na next year, ayaw ko pa ring mag-basa nun, no." Naka-nguso naman siyang tumango, habang naka-tingin sa akin. Napa-irap na lang ako at saka nag-cross arms.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Wattpader
Humor[C O M P L E T E D] Naniniwala si Dream sa tadhana, ngunit mayroon siyang mataas na standards sa lalaki. Naniniwala siyang, kung kayo ay kayo talaga. Hindi siya 'yong tipo ng babaeng pumapatol agad. Hanggang sa isang araw ay nag-tungo sila sa probin...