DreamIlang araw na rin simula noong lumabas kami ni Law, at nag-simula siyang manligaw sa akin.
Lagi rin niya akong dinadalaw, at dinadalhan ng pagkain, lalo na ang street foods! Hindi naman kasi ako mapili sa pagkain. Food is life, no!
At saka, lagi rin siyang namimitas ng bulaklak sa kapit bahay upang ibigay sa akin. Hehehe. Hindi ko alam, ngunit sa tingin ko, napaka-sweet nito.
Si Aina naman? Ayun! Petchay quarrel pa rin sila ni Art. Pfft. Pareho kasing sira-ulo. May sira sa utak, ganern.
'Yong teddy bear nga pala na napanalunan sa baril-barilan, pinangalanan ko 'yong Law. Wala lang. Trip ko lang rin, pake nkyo? Charot.
Nang matapos na ako sa pag-aayos sa sarili ko ay agad akong humarap sa salamin, at oo. May lakad na na naman kami ni Law. Hindi ba siya napapagod? Haru-jusko marimar!
Naka-suot lang ako ngayon ng isang gray v-neck t-shirt, hindi dalawa at saka black ripped jeans tapos vans na sapatos.
Nang masigurado ko na maayos na ang hitsura ko, ay agad akong bumaba mula sa second floor kung nasaan ang aking kuwarto.
Naabutan ko naman roon si mama na nanonood ng TV. Agad akong lumapit, at saka tumabi sa kanya. Bigla naman siyang napa-tingin sa akin, at saka ako tinitigan mula ulo hanggang paa, tagos sa kaluluwa. Charot.
Bigla namang itinaas ni mama ang kilay niya. "Aalis ka na naman?" Tanong nito sa akin. Napa-kamot naman ako sa noo ko.
"Si Law kasi, ma, eh." Awkward kong sabi, kasabay ng pag-bukas ng pintuan, at pag-pasok ni Law.
Agad naman akong napa-tayo, at saka lumapit sa kanya.
"Ang aga mo naman ata?" Kunot noo kong tanong, bago sumulyap kay mama. Ngumiti naman siya bigla sa kay mama, bago hinapit ang baywang ko.
"Siyempre. Ayaw kitang pinaghi-hintay. By the way, tita. Hihiramin ko lang ho sandali si Dream. Babalik kami kaagad!" Paalam pa nito kay mama, at saka ako tuluyang hinila palabas ng bahay. Napa-simangot naman ako at saka napa-buntong hininga, bago sumakay sa motor niya.
"H'wag mong bilisan ang pagpapa-takbo, ha! Masasapak talaga kita, o 'di kaya nama'y babasted-in kita." Sabay ngisi ko sa kanya.
In-abot niya sa akin ang helmet, at saka ako nilingon. "As you wish, madame." Sabay ngisi nito sa akin. Napa-irap na lang ako sa kawalan.
"Che! As you wish mo mukha mo. Mukha kang tikbalang." At saka ako umirap. Umismid naman siya sa akin, bago binuhay ang makinarya ng motor niya, at saka pinalarga ng tama lang. Galways
Habang lumalarga kami, ay napa-tingin ako sa kawalan, at saka napa-hawak sa dibdib ko. Kinakabahan kasi ako. Pakiramdam ko, may kung anong mangyayari ngayong araw.
Napa-iling na lang ako, at saka yumakap sa likuran ni Law, hanggang sa makarating kami sa harap ng isang simbahan.
"Teka! Anong gahawin natin dito?" Takang tanong ko, at saka hinubad ang suot kong helmet.
Nang makababa kami, ay agad siyang namulsa. "Magda-dasal." Naka-ngiti niyang sabi.
"Wow! Nagda-dasal ka pala?" Mangha kong tanong. Umismid naman siya, at saka hinawakan ang kamay ko't ininterwine ang kamay namin.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Wattpader
Humor[C O M P L E T E D] Naniniwala si Dream sa tadhana, ngunit mayroon siyang mataas na standards sa lalaki. Naniniwala siyang, kung kayo ay kayo talaga. Hindi siya 'yong tipo ng babaeng pumapatol agad. Hanggang sa isang araw ay nag-tungo sila sa probin...