Chapter 11

620 53 3
                                    


Dream

Napa-hinga ako ng malalim, at saka mabilis siyang itinulak palayo sa akin, bago napa-hawak sa dibdib ko.

Ang lakas ng kabog nito.

Napa-pikit ako, at saka muling huminga ng malalim, bago muling nag-mulat ng mga mata, at saka siya tinitigan.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Kunot noo kong sigaw sa kanya. Bigla naman siyang pumikit, at saka umigting ang kanyang panga.

"Nevermind." Kalmado nitong sabi, at saka tumalikod at nag-simulang mag-lakad.

Inis ko namang hinubad ang sapatos ko, at saka siya binato habang nag-lalakad ito palayo mula sa kinaroroonan ko.

Napa-hinto naman sandali si Law nung tumama ang sapatos ko sa may likod niya.

"Ang ayaw ko sa lahat ay tinitira ako ng patalikod." Seryosong sabi nito, at saka humarap sa akin, at saka nag-lakad muli palapit sa akin.

"Kung ayaw mong tirahin rin kita ng patalikod, h'wag mo akong unahan." Pabulong nitong sabi. Agad namang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, habang siya naman ay biglang ngumisi.

"B-bastos!" Namumula ang mukha kong sigaw.

"Oh, really?" Husky nitong sabi. Teka! Inaakit ba ako nito?

"Mas gwapo ba si Ace kesa sa akin? Mas hot ba si Wade kesa sa akin? Mas masarap ba si Azi kesa sa akin?" Bigla namang napa-taas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Teka! Kilala mo sila? 'Yong mga asawa ko?" Gulat kong tanong.

"Of course. Binasa ko ang story nila, dahil lagi mo silang nababanggit." Biglang sabi niya. Mas lalo namang umarko ang kilay ko.

"Oh, ano naman sa'yo?" Bigla namang kumunot ang noo nito, at saka namulsa.

"Nevermind. Umuwi ka na." Muling sabi nito, at saka tuluyan ng tumalikod. Inis naman akong tumalikod, at saka binuksan ang pintuan bago lumabas bago padabog na ibinagsak ang pintuan.

"Nakaka-inis siya! Ano bang problema niya, ha?" Inis kong sabi, habang nag-lalakad pauwi. Madilim na rin, at walang masyadong poste at bahay rito sa bahaging 'to.

Napa-buntong hininga na lang ako. Ewan ko ba, pero kinakabahan ako.

Pakiramdam ko, mayroong mangyayaring masama ngayon.

Madilim pa naman at walang katao-tao.

Mahigpit ang hawak ko sa damit ko, habang nag-lalakad. Nakuha ko na nga rin pala ang sapatos ko kanina.

Mayanmaya lang, habang nag-lalakad ako ay naka-rinig ako ng mga tawanan. Napa-hinto ako, at saka sandaling napa-hawak sa dibdib ko, nang biglang mapa-tingin 'yong lalaking kasing-edad ko, at saka ngumisi bago tumayo. Umiinom kasi sila ngayon ng beer, at malamang ay lasing na.

Mabilis akong napa-atras at saka tumakbo pabalik sa bahay ni Law, habang sila naman ay hinahabol ako.

Halos madapa-dapa ako kakatakbo, at ramdam ko na rin ang hapdi sa iilang parte ng katawan ko na mayroon ng mga gasgas.

Malakas akong sumisigaw, habang tumatakbo. Malapit na rin ako sa bahay ni Law.

"Huli ka!" Nagulat naman ako nung biglang may humawak sa akin sa braso. Agad naman akong nanginig, at saka siya sinipa sa down there at saka nag-patuloy sa pag-takbo hanggang sa makarating na ako sa harapan ng bahay ni Law.

Mabilis kong pinihit ang pintuan, at saka pumasok bago 'yon ini-lock.

Napa-sandal ako sa pintuan, at saka napa-hawak sa dibdib ko, bago napa-upo at saka umiyak.

Ang Babaeng WattpaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon