Epilogue

738 63 3
                                    

E P I L O G U E

Time of death ; 9:00PM
Date ; May 01, 2018

'Yan ang eksaktong oras at araw ng kanyang kamatayan nang dahil sa hindi inaasahang trahedya. 'Yan ang eksakotong oras at kamatayan ng kanyang pinakamamahal. Si Law Ferrell. ang nag-iisang Law.

Pinunasan niya ang mga butil ng luhang tumulo mula sa kanyang mga mata, at saka hinawakan ang naka-ukit sa puno. Nasa harap siya ngayon ng simbahan, kung saan naka-tayo ang puno na isa sa naging saksi ng kanilang pag-mamahalan, kung saan sila nag-bitaw ng isang pangakong agad rin namang napako.

Ngumiti siya, at saka umupo sa tabi nito, dala ang teddy bear na ibinigay sa kanya ni Law noon. Isang taon na rin ang naka-lipas. Isang taon na, ngunit bakit napaka-sakit pa rin?

'Yong tipong, kada gabi'y lagi siyang binabangungot ng dahil sa trahedyang 'yon.

Pakiramdam niya'y mababaliw na siya.

At oo nga pala. Ito ang first death anniversary ni Law.

Ito rin ang first anniversary ng pag-sagot niya sa kanya.

Ang saklap, eh, no?

At oo nga pala. Namatay rin si Chase, dahil masyado siyang napuruhan, dahil na rin sa sumalpok ang kotse niya sa isang puno.

Oo. Si Chase ang naka-banggaan nila. Ang hating kapatid ni Law sa ina.

Habang si Aina at Art nama'y nagka-tuluyan na, six months ago.

Napa-buntong hininga na lamang siya.

Oo nga pala. Tumakas lamang siya sa mental hospital, dahil na rin sa nasiraan na siya ng bait, isang buwan matapos mamatay si Law.

Lagi niyang kausap ang sarili niya. Hindi na rin siya naliligo't kumakain ng maayos. Kaya napag-pasyahan na ng kanyang mga magulang na dalhin siya sa mental hospital, kahit mahirap at masakit para sa kanila.

Naroon lamang siya buong mag-damag, naka-upo sa tabi ng puno, habang yakap at kausap ang sarili, hanggang sa sumapit ang alas otso trenta o 8:30 ng gabi.

Hinawakan niya ang kanyang teddy bear, at saka ngumiti't niyakap 'yon.

"I love you, Law."

Mabilis siyang nag-ayos at umakyat sa puno, at saka ikinabit ang dalang lubid sa isang matibay na sanga, bago inilagay 'yon sa kanyang leeg.

"Sorry, ma, pa. Sorry, Art at Aina. Hindi ko na talaga kaya... nais ko na siyang makasama." 8:59. 'Yon ang huling sinabi niya, bago siya tuluyang tumalon at nag-bigti.

Time of death ; 9:00PM
Date ; March 01, 2019

-- Wakas --

Tahimik lamang ako ngayong naka-titig sa bilog at maliwanag na buwan.

Napaka-sakit. 'Yong akala mong fairytale na, mauuwi pala sa ganoong trahedya.

At oo, namatay si Law Ferrell. Ang lalaking pinakamamahal ko.

Agad akong napa-pikit, at saka pinunasan ang luha ko, habang hawak ang cellphone ko.

Bakit ganon? Feel na feel ko na, eh, pero namatay pa!

Napa-iling na lamang ako, at saka napa-pikit, kasabay ng pag-pihit ng malakas na hangin. Napa-yakap naman ako sa sarili ko.

Like, WTF! Wala talagang forever sa mundo. Hay, nako. Kaya ayaw na ayaw kong mahulog, eh!

Napa-buntong hininga na lamang ako, at saka in-off ang hawak kong cellphone, at saka inilagay sa bulsa ko.

Bakit kasi ganon 'yong ending ng binabasa kong Wattpad story! At, oo. Umiyak pa talaga ako ng dahil lang sa binabasa kong storya sa Wattpad.

Eh sa na-fall na ako kay Law, eh. Pero, walang hiya! Bakit siya pinatay ni Ms. Author? Huhuhu. Bakit ganon?

"Serenity Riego, nagce-cellphone ka na naman ba?!" Nagulat naman ako nang biglang sumigaw si mommy, kaya agad-agad akong lumundag sa kama, at saka humilata at nag-kunwaring tulog, kasabay ng pag-bukas at pag-sara ng pintuan.

Napa-hinga naman ako ng maluwag. Mabuti na lang at hindi ako nahuli ni mommy.

Dahan-dahan akong nag-mulat ng mata, ngunit agad ring napa-pikit dahil nakita ko lang naman si mommy na naka-taas ang kilay, habang sinasamaan ako ng tingin.

Bigla naman ako nitong piningot sa tenga ng mahina.

"Ikaw talagang bata ka! Matulog ka na nga't maaga ka pa bukas!" Sigaw nito sa akin. Napa-nguso naman ako, at 'yon na nga. Natulog na ako. Maga-alas dos na rin kasi ng umaga, eh. At saka may pasok pa ako bukas, no. Siguradong mukha na naman akong panda nito.

Hanggang sa hindi ko namalayang naka-tulog na pala ako. Kinabukasan ay maaga akong nagising, at nakapag-ayos.

Sumakay na ako sa kotse, at saka nag-tungo sa school. College na ako, ngunit umiiyak pa rin ako dahil lang sa pag-babasa. Hindi ko kasi mapigilan! At saka, ang sakit sa dibdib, no! Kesa naman sa kimkimin ko lang. Hays.

'Yong tipong napaka-saya sa una, tapos biglang gano'n na lang sa huli. Why, author, why?!

At saka, hindi naman talaga lahat ng story, mayroong happy ending, at 'yon ang reyalidad.

Napa-pikit na lamang ako, habang nasa loob ng sasakyan.

Hindi pa rin kasi ako maka-move on sa storyang 'yon eh.

Ang...

Ang Babaeng Wattpader

Ang Babaeng WattpaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon