DreamIlang araw na rin noong mangyari 'yong bangungot na 'yon sa akin. Walang ibang nakaka-alam maliban sa akin, at saka sa kanya. Kami lang ni Law Ferrell.
Napa-hinga ako ng malalim, at saka na-upo sa may dulo ng kama, habang hinihilot ang sentinido ko. Masyado akong stress.
Humiga ako sa kama, at saka kinuha mula sa bulsa ang cellphone ko at saka nag-scroll sa library ko sa Wattpad app ko.
Napa-sapo ako sa noo dahil talagang hindi maganda ang pakiramdam ko. Hinawakan ko ang noo ko, at saka binitawan ang cellphone bago napag-desisyunang lumabas upang bumili ng gamot para sa lagnat.
Wala si mama ngayon dahil namalengke ito, ganun rin si Aina dahil isinama ito ni mama.
Mabigat at parang pagong ako kung mag-lakad palabas ng bahay. Lingo ngayon, kokonto lang ang bukas na tindahan.
Tumungo ako sa kabilang bahay, ngunit sarado 'to. Nag-simba raw ang may-ari roon sa simbahang Katoliko.
Napa-pikit ako, at saka napa-hawak sa may dingding. Pakiramdam ko, matutumba ako. Nanghihina at nahihilo ako.
Naramdaman ko namang may humawak sa balikat ko kaya agad akong napa-mulat, at saka napa-atras. Si Law ang naka-hawak sa akin ngayon, habang nasa likod niya naman si Art na may subong lollipop sa bibig.
"Okay ka lang ba, Dream?" Biglang tanong nito sa akin. Nag-aalala ba siya? Hmm.
"O-okay lang ako." Nauutal kong sagot sa kanya, at saka hinawi ang kamay niya sa balikat ko, bago nag-simulang mag-lakad pauwi sa bahay ng bigla akong mapa-upo.
Nanginginig ang tuhod ko. Nanlalamig ako't nanghihina.
Naramdaman ko namang hinawakan ako nito sa mag-kabilang balikat ko.
"Okay ka lang ba, Dream?!" Pag-uulit nito. Napa-hinga ako ng ilang beses at saka umirap.
"Mukha ba akong okay?" Maldita kong tanong pabalik sa kanya, at saka ibinagsak ang ulo ko sa balikat niya. Narinig ko namang bumuntong hininga siya.
"May sakit na nga, maldita pa rin. Hoy! Art! Bumili ka nga roon ng gamot, tapos dalhin mo sa bahay nitong babaeng 'to." Sabi niya pa, at saka ako binuhat ng parang bagong kasal.
"Aye-aye captain! Basta, bawal galawin, par." Rinig ko namang sabi ni Art.
"Gago!" Sagot naman ni Law. Mayamaya lang ay narinig kong may humarurot na motor. Umalis na siguro si Art upang bumili ng gamot.
Si Law naman ay nag-simula ng mag-lakad pabalik sa bahay habang karga-karga ako. Isiniksik ko naman sa leeg niya ang ulo ko, para hindi makita ng mga kapit-bahay namin na may kumakarga sa akin ngayon. Nakakahiya kaya!
Mayamaya lang ay naramdaman kong huminto kami, kaya agad kong inangat ang ulo ko. Nasa bahay na pala kami.
Binuksan niya ang pinto, at saka kami pumasok, at saka niya ako ini-lapag sa sofa.
"Saan ba ang mama mo at saka si Aina?" Kunot noong tanong niya. Umiling naman ako.
"Namalengke." Sagot ko na lang sa tanong niya.
"Ano bang gagawin ko? W-wala akong alam sa pag-aalaga ng may sakit." Sabi pa nito, at saka namumula ang tengang nag-iwas ng tingin. Napa-ngisi naman ako ng palihim.
"Kumuha ka lang roon ng maligamgam na tubig at saka bimpo." Sagot kong muli sa kanya. Agad naman siyang tumayo, at saka nakapamulsang nag-tungo sa kusina.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Wattpader
Humor[C O M P L E T E D] Naniniwala si Dream sa tadhana, ngunit mayroon siyang mataas na standards sa lalaki. Naniniwala siyang, kung kayo ay kayo talaga. Hindi siya 'yong tipo ng babaeng pumapatol agad. Hanggang sa isang araw ay nag-tungo sila sa probin...