Chapter 13

620 47 3
                                    


Dream

Nandito ako ngayon sa bahay, naka-higa sa kama habang nag-babasa ng Wattpad. Back to work. Haha!

Habang nag-babasa ako ay todo kilig to the higher and highest mountain ako. Eh sa kinikilig talaga ako kay Ace Craige eh. Nag-reread kasi ako. Masyado na kasing boring 'yong other stories.

Si Aina Love naman, nasa baba. Ewan kung anong ginagawa non. Bahala siya sa buhay niya. Che!

Dumapa ako sa kama, at saka gumulong-gulong. Ah, my darling. Ang sweet talaga ng endearment nila. Feeling ko tuloy, ako si Zein. Kaso feeling ko lang 'yon. Masyado akong feeling eh.

Eh ano kaya kung gayahin ko 'yong ginawa ni Pipay para maging akin si crush? Kaso wala akong crush eh.

Puwede ko ring gayahin 'yong sa Love At First Read. Gagawa ng nakakatawang diary, kunwari ihuhulog, tapos kapag 'di ko type 'yong naka-pulot, edi siyempre, babawiin!

Puwede ko ring gayahin si Aemie. Magha-hanap ako ng sindikato tapos pakakasalan ko. Hehehe.

Napa-iling na lang ako sa mga na-isip ko, at saka mabilis na idiniin 'yong unan sa mukha ko't impit na napa-tili, bago gumulong na na naman. Para tuloy akong kitikiti. Pfft.

Mayamaya lang ay napa-balikwas ako ng tayo ng marinig kong may kumatok sa pintuan ng maganda kong kuwarto. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos, at saka 'yon binuksan.

Agad ko naman 'yong nai-sara, at saka ako napa-hawak sa dibdib ko habang nanlalaki ang mata. Anong ginagawa ni Law rito?

Napa-talon naman ako nang mag-simula itong kumatok ulit sa pintuan ko. Mabilis akong nag-ayos ng konti, at saka 'yon binuksan habang naka-taas ang isang kilay.

"Anong kailangan mo?" Mataray kong tanong, at saka nag-cross arm's. Tumikhim naman ito, bago nag-salita.

"Bumaba ka na raw, sabi ng mama mo." Sabay lakad nito paalis.

Napa-roll eye's na lang ako, at saka ibinagsak ang pinto. 'Yon nq 'yon? Pagka-tapos niyang guluhin ang reading session ko na nasa nakaka-kilig part na to the higher and highest mountain!

Mabilis na lang akong pumasok sa CR at saka nag-ala the flash sa pag-ligo, bago nag-bihis ng jeans na kulay black, tapos kulay green na v-neck shirt. Nasa labahan na halos lahat ng pajama ko, eh.

Pagkatapos ay agad akong bumaba. Naabutan ko naman si mama, at saka si Law sa may sala na nagkuwe-kuwentuhan.

Nasaan kaya si Aina? At saka si Art?

Nag-kibit balikat na lang ako at saka nag-patuloy sa pag-lalakad patungo sa puwesto ni mama at saka ni Law.

Tawa lang sila ng tawa, at tila hindi napansin ang presensya ko. Napa-roll eye's na lang ako, at saka tumikhim sa may tabi nila, kaya agad silang napa-lingon sa gawi ko. Mabuti naman at napansin rin nila ako. Ha-ha.

"Oh, Dream. Nandiyan ka na pala. May importanteng sasabihin raw si Law." Biglang sabi ni mama. Napa-arko naman ang kilay ko, at saka umupo sa single sofa.

"At ano naman 'yon? Gaano 'yon ka-importante para istorbohin niyo ako sa aking pagbabasa?" Mataray kong tanong. Bigla naman akong pinanlakihan ni mama ng mata, at saka nala-ngiting lumingon kay Law.

Ang Babaeng WattpaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon