Chapter 1

1.7K 98 86
                                    


Dream

Nandito nga pala ako ngayon sa bahay namin, nasa kwarto ko, naka-higa habang hawak ang cellphone ko at nag-babasa.

Nakaka-iyak talaga. Bakit ganon ang naging story ni Carmela at saka Juanito?

Napa-gulong ako sa kama, at saka tinakpan ng unan ang mukha ko, at saka suminghot-singhot pa. Nakaka-iyak talaga! Huhu.

Katatapos ko nga lang palang basahin ang I Love You Since 1892 ni miss UndeniablyGorgeous. Nakaka-lungkot talaga na medyo nakaka-inis.

Mabilis akong tumayo, at saka humiga ulit. Ano pa kayang pwede kong basahing story? Hehe.

Bigla akong napa-lingon sa salamin, at saka napa-titig sa sarili ko.

Maganda naman ako, pero bakit wala akong mala-Jeydon o hindi kaya'y Gatorade, o Juanito na manliligaw o boyfriend? Lahat puros mukhang adik.

Nagulat ako nang biglang kumalabog ang pintuan ng kuwarto ko, at saka pumasok si mama at saka nag-simula na naman si mama sa seremonya niya.

"Talia! Ikaw na bata ka! Lagi ka na lang naka-babad sa cellphone mo! Ano bang ginagawa mo ha? May boypren ka na ba?" Nanlaki naman ang mata ko, at saka napa-isip.

"You'll die if I tell you." Pagbibiro ko pa kay mama. Bigla namang parang umusok ang ilong nito, at saka ako piningot sa tenga.

"Ikaw bata ka! Pinipilosopo mo na ako? Hay jusko! Ano ba 'yang ginagawa mo? Ang tamad-tamad mo na, ha! At saka, ang baho mo nang bata ka. Kahapon ka pa hindi naliligo." Napa-ngiwi naman ako dahil sa sinabi niya.

"Eh, summer naman ma, eh." Pagpapalusot ko pa kay mama. Tinaasan naman ako nito ng kilay.

"Oh, tapos?! Noong kapanahunan namin, kahit summer naman, naliligo kami ah?! Maligo ka na! Kapag pag-balik ko rito, hindi ka pa naliligo, lagot ka sa akin." At saka ito nag-martsa palabas ng kuwarto ko. Napa-nguso na lang ako, at saka mabilis na kumuha ng maong na short shorts at saka white shirt, at siyempre. Undergarments. Hindi naman ako katulad ni Pipay.

Nang pumasok ako sa CR, ay agad akong naligo, habang nag-hahanap ng stories sa wattpad.

Oo, kahit naliligo ako, nagwa-wattpad ako. Total, mayroon naman ako no'ng water proof plastic cover na nabili ko sa may SM no'ng may pasok pa. Narito kase kami ngayon sa probinsya kung saan lumaki si mama, at kung saan sila nag-kita ni papa.

Ang probinsya ng Paradise!

Oo, paradise talaga ang pangalan ng probinsya. At saka, hindi siya tahimik. Kahit gabi na kase, may mga tao pa sa labas. May mga nagvi-videoke pa. Kapag umaga naman, nag-lalaro ang mga bata ng ten-twenty, tagu-taguan, at kung ano pa. At saka, may mga nag-lalako rin ng turon at bananaque.

Habang naliligo ako at nags-scroll sa may Teen Fiction genre ay biglang nag-ring ang cellphone ko.

Aina the bruhilda calling...

Agad ko namang pinindot ang accept button, kasabay ng malakas na pag-tili ni Aina mula sa kabilang linya, kaya agad kong ini-layo ang cellphone sa tenga ko.

"Gaga ka. Maka-sigaw ka para kang nasa sunog." Reklamo ko pa rito. Parang mabibingi ata ako sa kanya, eh.

"Ay sorry na! Maganda lang. Aangal ka? At saka, hoy teka nga. Umuulan ba diyan?" Napa-hagalpak naman ako ng tawa dahil sa sinabi niya.

"Naliligo ako." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Jongina! Naliligo, tapos nagce-cellphone? May sapak ka, may sapak ka?" Sabi pa nito. Napa-irap na lang ako sa kawalan kahit hindi niya ako nakikita.

Ang Babaeng WattpaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon