"So...?
"So..." tinitigan muna ni Althea si Jade bago umayos ng upo at sumandal. "Hindi ko alam na close pala kayo ni Batchi."
Napangiti si Jade. "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong ngayon lang talaga kami nag kausap?" pagkuway sagot niya.
Nagkibit balikat lang ito.
Tumawa siya ng mahina. "Hindi ko kasi talaga alam na closed pala ngayon yung shop niyo. Nawala din sa isipan ko na sunday ngayon, kaya nung pumunta ako dito kanina, swerteng lumabas si Batchi and inaya niya akong pumasok. Hindi ko naman alam na mapapasarap pala usapan namin." paliwanag niya. Sabay simsim sa kape niya.
"Bakit may bibilhin ka ba sanang bulaklak?" tanong nito.
Natigilan siya. "Actually... Wala naman."
Napangiti ito bago nagtanong ulit.. "So bakit ka nag punta dito? I mean, don't get me wrong Jade, flower shop ito, and kung wala ka naman palang planong bumili ng bulaklak..." huminto ito saglit. Bago siya nito tinitigan. "Anong sadya mo dito?"
Lumaban siya ng titig dito. Pero agad din niyang binawi. "Para kausapin si Batchi."
Natigilan ito saglit bago napangisi. "Nice. Nice try Jade."
"Okay..." huminga siya ng malalim bago siya sumagot. "I came, to talk to you. Pero sabi ni Batchi may ka date ka daw. So yun.. She's just so nice enough para papasukin ako dito."
Napakagat labi ito. Kapwa sila natigilan ng ilang minuto.
"Bakit gusto mo akong makausap"?
"Sino yung kadate mo?"Kapwa sila natigilan ng sabay silang magtanong.
Mas lumawak ang pagkakangiti nito. "Hindi ako nakipagdate. May sinamahan lang ako."
Napahiya siya. Bakit kasi natanong niya pa iyon. Ano nalang iisipin nito.
"So... Bakit gusto mo akong makausap?" pagkuway tanong nito.
Bakit nga ba? "Uhm.. Kasi ano.."
"Hmm?"
"Gusto ko lang kasi sanang... Uhm.." Ano Jade?! Anong isasagot mo sa tanong nito?! "Uhm.. Humingi ng sorry. Yeah tama. Nagpunta ako dito para sana humingi ng sorry sayo." mabilis niyang sagot.
Napakunot noo ito. "Sorry para saan?"
"Nakalimutan mo na ba yung araw na kamuntikan ka ng masagasaan?" sagot niya. "Kamuntikan na kitang masagasaan?" paglilinaw niya.
Napangiti ito habang nakatitig sa kape nito. "Paano ko naman makakalimutan yung araw na iyon, gayong ang lakas ng impact nun sa akin." halos pa bulong na tugon nito.
"I'm so sorry Althea. Talagang hindi kita napansin na tumawid ka nung araw na iyon. And...." nag iwas siya ng tingin dito.
"And...? What Jade?"
Lakas loob niya itong tinitigan. "And... And wala ako sa sarili ko."
"Hmm.." tumango ito. "Pansin ko nga."
Napayuko siya. "Nung araw na iyon kung saan kamuntikan na kitang masagasaan... Yun din yung araw na hiniwalayan ako ng boyfriend ko. Ex-boyfriend." ngumiti siya ng mapait.
Hindi ito sumagot. Seryuso lang ito habang titig na titig sa kanya.
"I'm so pathetic right?" mahina niyang tanong pero ganun nalang ang gulat niya ng bigla nalang nito hawakan ang kamay niya na nasa ibabaw ng table. Nang mag angat siya ng tingin dito ay titig na titig ito sa kanya.
YOU ARE READING
C H F I L W Y (JaThea)
Fanfiction"Simplehan lang natin...." Althea to Jade. "Ang alin?" Jade to Althea. Ngumiti lang si Althea sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Jade.