Isang linggo na mula nung gabi na hinayaan ni Jade ang sarili na mapapayag ni Althea na matulog sa naturang kwarto nito.
Isang linggo na rin ang nakakalipas mula ng makita niya ang dalaga.
Isang linggo na rin siyang parang baliw sa kakaisip dito.
At isang linggo niya na rin paulit-ulit tinatanong ang sarili kung bakit nakakaramdam siya ganito sa dalaga..
Bakit parang nami-miss niya ito.
Kagat labing bigla siyang napabuntong hininga.
"Well ako yung ikakasal dito pero bakit parang ikaw yata ang stress sa ating dalawa Jade. Ang lalim nun ah?" Tukoy ni Sally sa malalim niyang pag hinga. Muntikan niya ng nakalimutan na kasama niya pala ito at pinaplano nilang gumimick kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.
Nilingon niya ang kaibigan saka tinitigan ng malalim. You should tell her Jade. Pukaw ng isip niya. No! Tatawanan lang siya nito pag sinabi niya ang kakaibang nararamdaman niya para kay Althea. Napailing siya.
"Okay Jade. Kinakabahan na ako sayo. May sasabihin ka ba? You know you can trust me right?" Nag aalalang tanong ni Sally sa kanya.
Muli ay tinitigan niya lang ito. "I know I can trust you Sal..." Bulong niya pero sapat na para marinig nito.
"So... ano nga bumabagabag sayo? Is it About David?" Hula nito.
Bigla siyang napatayo. "Oh c'mon Sal.. Please don't mention that name again. It's not about him." Sagot niya.
"Sorry naman. Wala kasi akong nakikitang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ngayon."
Muli ay napabuntong hininga siya. "It's not about him... because it's all about her.." muli ay bulong niya sabay upo ulit.
Napa kunot noo si Sally. "Excuse me Jade? Pero tama ba yung narinig ko.. her?"
Dahan dahan siyang tumango.
"O..kay? Sinong her ba to? Ginugulo ka ba niya?"
Tumango lang siya ulit. Kung alam mo lang Sal. Kung paano ginugulo ni Althea ang isipan niya.
Tinaasan siya nito ng kilay. "Alam mo kasi Jade ang usapan hindi nabubuo kung panay tango ka lang. Linawin mo kaya para maintindihan ko kung bakit ginugulo ka ng babaeng ito. At sino ba siya ha? Do I know her?"
Parang bata na tumango ulit siya. At agad naman siya tinaasan ulit ng kilay ng kaibigan. "Sal.. hindi kasi ganon kadali. Kasi kahit ako nalilito rin kung bakit ako nakakaramadam ng ganito sa kanya."
"Alam mo Jade. Nalilito na rin ako sayo. Kaya kailangan talaga natin lumabas ngayon.. okay?"
Napakagat labi siya. "Sal, I think...." Kaya mo yan Jade. "I Think... I might like Her."
Napatitig sa kanya ang kaibigan. Matagal bago ito nagsalita. "Jade...?" Kunway naiiyak ito bigla. "Nagkukulang na ba ako? Hindi na ba ako sapat para maging best friend mo at may nagustuhan ka ng iba?" Madramang turan nito.
"Sal naman!" Muli ay napatayo siya. Sabay kagat sa daliri niya. " I think I might like this girl. I mean... like, like Her." Tinitigan niya ang kaibigan. "Gusto ko na yata talaga siya."
Gulat ang itsura na tumayo nadin si Sally. "Oh my God Jade. May babae kang nagugustuhan?"
Babae.. Tumango siya. "Masama ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/145433808-288-k922016.jpg)
YOU ARE READING
C H F I L W Y (JaThea)
Fanfiction"Simplehan lang natin...." Althea to Jade. "Ang alin?" Jade to Althea. Ngumiti lang si Althea sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Jade.