"Ano sa tingin mo pupunta kaya siya?"
Napalingon si Althea sa gawi ni Kathleen, bago itinuon muli nito ang attention sa hawak hawak na gitara. "Umaasa ako Kath. Sana pumunta siya." Sagot niya sabay pitik sa mga kwerdas ng gitara. At inumpisahan ang isang malamyos na tugtog.
"Pustahan tayo."
Muli ay napalingon siya kay Kathleen.
"Pag nagpunta si Jade sa mini concert niyo, sagot ko lahat ng iinumin natin sa mamayang gabi." Nakangising wika nito.
Napakunot noo siya bago napahinto. "At pag hindi?"
"Ako ang sasagutin mo Althea." Bigla ay sumeryuso ito at tinitigan siya.
Natigilan siya bigla. "Kath--"
"Oh c'mon Althea wag kang KJ.. isa pa wala ka bang tiwala kay Jade? Hindi mo ba nakita yung mga tingin niya sa atin mula nung makita niya tayong magkasama na pumasok sa shop mo? Kulang nalang sakmalin niya ako nung mga oras na yun eh." Mahabang sabi nito.
Muli ay itinuon niya ang attention niya sa gitara na hawak niya. "Wala siyang sinabi na pupunta siya. Wala akong pinanghahawakan Kath... kaya hindi ako pupusta. " deretsya niyang tugon.
"Para mo naring sinabi na hindi mo nga ako sasagutin." Malungkot na wika nito bagamat nakangiti ito ng bahagya.
"Kath..."
"Althea ano ka ba. It's okay. I'm just joking." Kunway wika nito. "Teka nga paano mo ba kasi niyaya si Jade?" Pagkuway tanong nito.
Tinitigan niya na muna ito bago sumagot. "Na sana pumunta siya. Na ipapakilala ko sa kanya yung babaeng nagugustuhan ko."
Gulat na tinitigan din siya nito. "Althea seryuso ka? Parang sinabi mo na din kay Jade na sana wag na siyang pumunta." Pagkuway react nito.
Kunot noong nilingon niya ito. "Bakit naman?"
"Hindi paman kayo ni Jade, pero nasaktan mo na siya." Umiiling na wika nito.
"Sandali nga Kath. Niyaya ko lang naman siya ah. Anong makakasakit sa kanya dun?" Naguguluhan na siya sa mga sinasabi nito.
"Ang yayain siya na pumunta, okay. Pero ang sabihin mo sa kanya na ipapakilala mo yung babaeng nagugustuhan mo, sa tingin mo ano mararamdaman ni Jade ha? Sa akin palang selos na selos na siya Althea. Paano pa kaya dun sa sinabi mong may nagugustuhan kang iba." Mahabang paliwanag nito.
Natigilan siya bigla. Pero si Jade naman ang tinutukoy niyang babaeng nagugustuhan niya eh. "Si Jade ang tinutukoy kong nagugustuhan ko Kath. At wala ng iba."
"Pero sa pagkaka intindi niya may iba kang nagugustuhan na babae at handa mo pang ipakilala sa kanya." Muli ay napailing ito. Bago tumayo. "Wrong moved Althea. Pero tuloy parin ang pustahan natin okay?"
"Wala akong sinasang-ayunan Kath."
"Ugh.. di ba pwedeng umo-o ka nalang."
Umiling lang siya.
Napailing nalang din ito bago ito lumapit sa kanya at hinalikan siya sa pisnge. "See you later Alt. Magiging akin ka pa naman ngayong gabi." Wika nito sabay kindat.
"Ganon ka kasigurado na hindi talaga pupunta si Jade?"
Ngumiti lang ito ng matamis bago ito tumalikod at tuluyan ng umalis.
Siya na muling itinuon ang attention sa gitara at muling tinugtog ang malamyos na kanta na alay niya kay Jade.
Sana nga pumunta ang dalaga...
![](https://img.wattpad.com/cover/145433808-288-k922016.jpg)
YOU ARE READING
C H F I L W Y (JaThea)
Fanfiction"Simplehan lang natin...." Althea to Jade. "Ang alin?" Jade to Althea. Ngumiti lang si Althea sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Jade.