"Jade!" masayang bati ni Paul sabay yakap ng mahigpit sa kapatid. "I miss you Shobe."
"I miss you too Paul." niyakap niya din ito ng mahigpit.
"Lily lang pala makakapag palabas saiyo sa lungga mo eh." nakangiting wika ni Sally.
"Sally!" niyakap niya din ito ng mahigpit.
"Whoah Jade! Parang kaka kita lang natin last week ah. Kung makayakap ka naman parang ilang taon tayong di nagkita." tumatawang wika nito.
"I'm just..." napakagat labi siya. "Just so lucky to have you in my life Sal as my best friend. I couldn't thank you enough. Lagi kang nandyan para damayan ako. Lalo na nung mga nakaraang araw. Hindi ka nag sawang pakinggan ako at saluhin lahat ng mga tantrums ko." paliwanag niya.
"Sus, mag drama ba naman. Actually ako nga dapat mag thank you eh. Kung di dahil sa iyo di ko makikilala itong gwapong lalaking ito." nakangiting tugon nito sabay pisil sa mga pisngi ni Paul.
Napakunot noo naman ang binata. "Anong meron sa inyong dalawa at nag dadrama kayo ngayon?" nakangising sabat nito sabay agbay nito kay Sally. "And Jade hindi lang ikaw ang maswerte." pahabol nito sabay halik kay Sally sa pisngi.
"See?" nakangiting tugon niya.
"Ewan ko sa inyong dalawa. Tara na nga."
Masaya nilang nilisan ang naturang lugar.
***
"Where are we going?" tanong ni Jade habang nasa backseat siya at nasa frontseat naman si Sally at si Paul ang nag da-drive.
"Dadaan lang muna tayo sa isang flower shop. I feel like choosing my flowers today for the wedding." nakangiting sagot ni Sally.
"Ah okay. Nice." nakangiti niya ring tugon.
"Actually malapit lang to sa hotel kung saan ka naka check in Jade. At kung maaalala mo yung fifty Lilies na pina deliver ko para sayo---"
Napangiti siya. "How can I forgot that day..." wala sa sariling halos pabulong niyang tugon. At di niya na nga mapigilan ang sariling muling lakbayin at isipin ang araw na iyon na hinding hindi niya makakalimutan. Hindi lang dahil sa mga Lilies, kundi dahil sa isang particular na tao.
Althea...
"---Dun din kasi ako kukuha ng bulaklak para sa wedding."
Bigla siyang natigilan. "A-ano Sal?" Ano nga pinag uusapan nila?
"Ang sabi ko, kung saan ko inorder yung mga Lilies, dun din ako kukuha ng mga bulaklak para sa wedding namin ni Paul. I think maganda mga bulaklak nila."
Tumango tango siya. May chance na mag kita ulit sila ni Althea. Di niya maintindihan kung bakit na e-excite siya. Hindi. Marahil kasi naging bastos siya nung nag deliver ito ng bulaklak sa unit niya. Nakipag kamay ito pero di niya tinanggap. Yeah dapat lang bumawi siya. Lalo pa ngat muntikan niya na itong masagasaan. Naisip niya.
"Shobe okay ka lang?" nag aalalang tanong ni Paul sa kanya maya maya.
"H-Ha?" napabaling siya sa kapatid niya at kay Sally na mababanaag sa mga mukha ng mga ito ang pag aalala. Nakahinto na pala sila.
"Bigla ka nalang kasi natahimik dyan eh. Are you okay Jade?" nag aalala ding tanong ni Sally
Bigla siyang napangiti. "I'm okay. I'm sorry may iniisip lang ako."
"Ano naman?" tanong ulit ni Sally.
Napangisi siya. "Hindi ano Sal. Sino."
"Alright? Sino?"

YOU ARE READING
C H F I L W Y (JaThea)
Fanfic"Simplehan lang natin...." Althea to Jade. "Ang alin?" Jade to Althea. Ngumiti lang si Althea sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Jade.