Akmang lalabas na ng shop si Althea ng marinig niyang nag ring ang telepono. Si Wila ang sumagot.
"Thank you for calling Flower Puff Gurls, Good morning!" masayang bati nito sa telephone. "Yes maam, we do delivery." narinig niyang banggit nito bago siya lumabas ng shop para kunin ang iba pang bulaklak na dineliver sa kanila.
"Tsong okay ka lang?" tanong ni Batchi sa kanya habang nasa labas sila at dahan dahang nililipat sa loob ng shop ang mga kaka deliver lang din na sari saring bulaklak.
Tumango siya saka ngumiti. Alam niyang nag aalala parin ito sa kanya dahil sa kinwento niyang muntikan na siyang masagasaan. Pero makailang ulit niya na ring sinasabi dito na okay lang siya. Lalo nat ilang araw na rin ang nakalipas.
"Athea--"
"Batch, trust me. Alam ko. Alam kong nag aalala ka lang sa akin. Kayo ni Wila. Pero okay lang ako. Okay?" assurance niya sa kaibigan bago pumasok sa loob at nilapag sa gilid ang mga piraso ng red roses. Kasunod naman niya si Batchi na nilapag din ang bitbit na bulaklak.
"Althea delivery." tawag ni Wila sa kanya.
Lumapit siya sa may counter kung nasaan nakatayo si Wila. "Anong bulaklak? Saan?" Iniabot nito ang isang papel sa kanya. "Regal Hotel?" tanong niya kay Wila. Sabay ngiti. "fifty pieces na Lily?" mas gulat niyang tanong.
"Oo. Nag request din yung nagpapa deliver kung pwedeng ilagay na lang din natin sa vase yung mga Lilies." Sagot ni Wila.
"Well wala namang problema dun. Hanap lang ako saglit ng vase." akmang tatalikod na siya para sana kumuha ng vase pero pinigilan siya ni Batchi.
"Ako na Tsong. Ihanda mo nalang yung mga bulaklak medyo madami dami din yun." pigil ni Batchi sa kanya.
Tumango siya.
Maya maya lang ay nakahanda na ang mga Lily na idedeliver niya. Napaka gandang tignan ng mga ito habang maayos na nakalagay sa vase.
"Ito yung card. Nandyan yung pangalan." Sabi ni Wila sabay abot ng card sa kanya.
"Paano yung bayad?" tanong niya.
"Iiwan nalang daw sa frontdesk or should I say kay Katleen nung nagpa deliver." sagot nito.
Napangiti siya habang tumatango. Kilala niya kasi Kathleen actually kilala nilang tatlo. Frontdesk kasi ito sa Regal Hotel. At sila ang nag dedeliver ng bulaklak sa naturang gusali kaya halos kilala niya lahat ng empleyado doon.. "Okay. Aalis na ako." paalam niya sabay bitbit sa vase. "Thanks Batch." wika niya ng pagbuksan siya nito ng pinto. Hirap siyang buksan ang pinto dahil halos yakap yakap niya na ang naturang vase. At kung di siya mag iingat baka din bumangga siya dahil natatabunan na, ng mga mga Lilies ang mukha niya. Maingat niyang nilapag sa delivery car nila ang bulaklak bago mabilis din na bumalik sa loob ng shop at nagpaling linga. Napangiti siya ng makita ng mga mata niya ang hinahanap. Nilapitan niya ang naturang bulaklak saka kumuha ng isang stem at inamoy.
YOU ARE READING
C H F I L W Y (JaThea)
Fanfiction"Simplehan lang natin...." Althea to Jade. "Ang alin?" Jade to Althea. Ngumiti lang si Althea sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Jade.