Ilang araw na lumilipas pero hindi parin maalis sa magandang mukha ni Jade ang mga magagandang ngiti niya. Everytime na-aalala niya yung kiss na ginawa niya kay Althea. Di niya mapigilan ang kilig na nararamdaman. At ang sarap sa pakiramdam lalo nat inamin niya na sa sarili na gusto na nga niya ang dalaga. Eh ano kung babae ang nagugustuhan niya? Who cares?
"Alam mo ilang araw ko ng napapansin yang ngiti mo." Wika ni Sally habang daretsyo ang tingin.
Nilingon niya ito. "Bakit anong meron sa ngiti ko?"
Nilingon siya nito saglit. "May nangyari ba sa bar ng di ko alam?" Pagkuway tanong nito. Habang focus sa pagda-drive.
"Well aside sa nalasing ka lang naman at sumayaw sa ibabaw ng table.... Hmm wala ng ibang nangyari." Tugon niya. Sabay palihim siyang ngumiti.
"Really? Parang di ako naniniwala." Tugon ng kaibigan niya.
Nilingon niya ito. "Hindi ka naniniwala na nalasing ka at sumayaw sa ibawbaw ng table?Really Sal? Galit na galit nga si Paul sa akin dahil sa kagagahang ginawa mo. Didn't I tell you not to drink too much?" Kastigo niya dito.
"Nope. You didn't tell me Jade. Isa pa ilang araw na ang nakakalipas. Naka moved on na ako so you should also. Okay?" Tugon nito.
Napailing na lang siya sabay tingin sa labas. "Saan nga ulit tayo pupunta?" Pagkuway tanong niya.
"Sa Flower Puff Gurls..."
Biglang napalingon siya sa kaibigan.
Nilingon din siya nito saglit. "Batchi texted me yesterday. Dumating na daw yung mga sample ng flowers na napili ko for the wedding. And I'm so excited so.. here we are." Nakangiting tugon nito.
Muli ay napalingon siya sa labas ng bintana ng sasakyan. May chance na magkikita ulit sila ni Althea. Lihim siyang napangiti.
"Yan na naman, yung ngiting yan eh."
Muli ay napalingon siya sa kaibgan. "Anong ngiti ba pinagsasabi mo Sal?" Kunway tanong niya.
Nilingon siya nito saglit. "Alam kong may nangyari nung gabing yun sa Bar Jade. At ayaw mo lang sabihin sa akin but it's okay. At syanga pala ayoko sanang mawala sa maganda mong mukha iyang napakagandang ngiti na iyan. But I'm sorry to disapoint you bestie. Before tayo umalis, I called Batchi and asked her if Althea was there. And she said wala. May event daw kasi itong pupuntahan."
"Oh.. okay. After all hindi naman si Althea yung sadya natin.." muli ay napalingon siya sa labas. Aaminin niyang nadismaya siya sa sinabi ng kaibigan. Gusto niya kasi talaga makita ang dalaga. Napabuntong hininga siya.
***
"Hello welcome to Flower Puff Gurls!" Masayang bati ni Batchi habang nasa likod ito ng counter.
"Hello.." nakangiti ding bati ni Wila habang nag a-arranged ng mga bulaklak.
"Hi sa inyong dalawa." Masaya din namang bati ni Sally.
"Hi.." nakangiti ding bati ni Jade habang lumalapit sila ni Sally sa may counter.
"We're here for the flowers for the wedding. May sample kana right?" Tanong ni Sally kay Batchi.
Ngumiti ito ng malawak. "May taxi bang nag aantay? Parang nagmamadali kayo ah." Pagkuway tugon ni Batchi.
Tumawa naman ng mahina si Sally. "Wala naman. I'm sorry. Excited lang talaga ako."
"Okay.. kunin ko lang saglit." Paalam ni Batchi sabay punta sa may likod ng shop.
Habang nag aantay si Sally sa counter ay hinayaan naman ni Jade ang sariling libutin ang loob ng shop. Hindi naman ganun kalaki ang loob nun pero sapat na para may malibot siya kahit papaano. Hindi niya maiwasang mamangha dahil sa sari-saring bulaklak na naka display. Maya maya ay narinig niyang nag salita si Batchi.
![](https://img.wattpad.com/cover/145433808-288-k922016.jpg)
YOU ARE READING
C H F I L W Y (JaThea)
Fiksi Penggemar"Simplehan lang natin...." Althea to Jade. "Ang alin?" Jade to Althea. Ngumiti lang si Althea sabay hawak ng mahigpit sa kamay ni Jade.