Bracelet
Nagpatianod ako sa paghila niya sa akin sa gitna ng activity hall. Galing din sa kanila ang mga pagkaing nakahanda para sa amin. Hay, iba talaga pag mayayaman.
"Stay here. Kukuha ako ng pagkain natin, okay?" Tumango nalang ako sa sinabi niya at pinaupo ako sa pang apatan na upuan.
Nakatitig ako sa kaniya habang unti unti siyang lumalayo sa akin para makakuha ng pagkain namin. I wonder how it feels like to be his classmate? I want to know, but it's impossible. Grade 5 na siya, grade 3 pa lamang ako.
Habang malalim ang aking pagiisip ay bigla kong naramdaman na may mga kamay na tumakip sa aking mga mata. Ang pamilyar na matamis na amoy ay nanuot sa aking ilong dahilan ng pagkakatanto ko kung sino itong nasa aking likod.
"Chrissle kilala na kita okay na bitiwan mo na ako" sabi ko sa kaniya na tumatawa habang tinatanggal ko ang kamay niya sa aking mata.
"Hmp! Andaya alam mo kaagad!" Unti unti niya din namang niluwagan ang pagkakatakip niya sa akin.
"Pwede ba kaming makiupo dito?" ani Chrissle sabay tingin sa kanyang partner na halos kasing tangkad lang din ni Jarrick.
"Oh sure sure!" Ngumiti ako sa kanila at inukupahan na ang mga upuang kanina lang ay bakante.
"Sino partner mo, Tine?" Tanong sa akin ni Chrissle habang inaayos ang pagkain niya sa harapan.
"Sus kahit sabihin ko naman di mo naman yun kilala, haha!" sabi ko na halos di niya pansinin dahil busy siya sa pagtitig sa nasa likod ko.
Unti unti akong lumingon at nadatnan ng aking mga mata si Jarrick na pinupunasan ang takas ng spaghetti sauce sa bibig ng nakatayong si Aliyah. Ngumiti si Aliyah at may sinabi kay Jarrick na ikinangiti din nito.
"Ang pogi naman niya. Siya ba ang partner ni Aliyah? Ang swerte naman niya! Naku, magyayabang nanaman yan, panigurado!" Ani Chrissle sa aking tabi na hindi ko nalang pinansin.
Umiwas ako ng tingin sa kanila dahil hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman. Hindi ko na nasaksihan ang huling nangyari at hindi rin naman nagtagal ay nakalapit na si Jarrick sa table namin.
"Here" sabay lagay niya ng mga pagkain namin sa table. Inisa isa niyang buksan ang mga pamilyar na lalagyan ng spaghetti at chicken na mula sa kilalang fastfold chain. "And here." Ibinigay niya rin sa akin ang juice na apple flavored na paborito ko, napangiti ako.
"Thankyou." Sabi ko sa kaniya habang pinagiisipan kung ano ang una kong kakainin.
"Uhm, Tine, sya ba ang partner mo? A-akala ko?" bulong sa akin ni Chrissle ngunit napagtanto din naman yata agad ang pangyayari.
"Sorry, hindi na kita natanong kung anong flavor ng juice mo, I was in a hurry kasi baka gutom kana, kaya I chose what's my favorite instead." ani niya na ikinainit ng pisngi ko. Pareho kami ng favorite!
Sinimulan na naming kumain at pagkatapos ng ilang sandali ay tumingin siya sa buong table namin at ngayon niya lang ata napansin na hindi kami nagiisa. Ngunit kalaunan ay nagpansinan ang partner ni Chrissle at si Jarrick na mukhang magkakilala pala.
"Bro, I thought hindi ka makakasama?" Narinig kong sambit ng partner ni Chrissle habang ginagalaw ang pasta ng spaghetti.
"No, I convinced dad. I wanna go. Besides, wala namang masama. Nag enjoy din naman ako." Sagot naman ni Jarrick"Anyway, Celestine, this is Ethan, my classmate. Ethan, this is Celestine, my partner." Pagpapakilala niya sa amin sabay ngiti.
Ngumiti nalang din ako at ipinakilala din si Chrissle bilang kaibigan ko. Classmates kami noong Grade 1 at Grade 2 ngunit nalipat sya ng ibang section dahil natatakot daw siya sa teacher namin.
Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain at hindi na namalayan ang oras. Malapit na silang umalis. Malapit nang matapos ang pinakamagandang araw sa buong buhay ko.
Pinapila na kami sa harapan at muli ay katabi ko si Jarrick. Ngunit hindi katulad kanina, medyo nalulungkot na ako. Syempre, matatapos na, aalis na sila.
May panibagong panauhin ang nagsalita sa aming harap upang magbigay ng closing remarks. Wala na talaga, tapos na.
"Kids, let's thank them once again." Nakangiting sambit ng panauhin.
"Thankyou so much po! Godbless po!" Sigaw namin sabay sabay na halos hindi maintindihan para sa mga bisitang magbigay sa amin saya at regalo ngayong araw.
Nang sila ay magpaalam, hindi na napigilan ng aking mga mata ang pag luha. Pinaghalong saya, at lungkot. Pwede pala yun? Sabay na mararamdaman sa iisang pagkakataon.
Inilagay ko sa aking mukha ang aking palad sapagkat hindi ko na talaga kaya ang aking paghikbi. Sumabay din ang iba kong kaklase sa pag iyak sa akin, sa hindi ko malaman na dahilan.
Nagulat na lamang ako nang biglang may yumakap sa akin. Nakabaon ang aking mukha sa aking palad na nasa kaniyang dibdib. I feel so secured, and scared, at the same time. Because I know, he will slip away, slip away from me.
"We'll see each other again, okay?" Bulong niyang nakapagpakalma sa paghikbi ko. Unti unti niya ring inilapat ang kanyang mga labi sa aking buhok habang ako'y nasa kaniyang mga bisig.
Napatango ako. Kahit na walang kasiguraduhan, napatango ako. Dahan dahan niyang kinalas ang pagkakayakap sa akin. Tila nagiingat na bumagsak ako kapag hinayaan niya ako basta basta.
Inabot niya ang aking kamay. Kasabay ng pagkakahawak niya sa kamay ko, naramdaman ko sa aking mga palad ang lamig ng metal na iniabot niya sa akin.
Binuksan ko ang aking palad at nagulat ako nang nakita ko ang isang mukhang mamahaling bracelet na suot niya kanina. Ito yung nasa kabilang kamay niya!
"Give this to me when we meet again. Okay? I promise, I'll see you. We'll see each other again. Alright?" Isinarado niya ang aking mga palad at nagpaalam na sa akin.
Tinitigan ko ang hagdang tinatahak nilang lahat, hanggang sa tuluyan na silang naglaho sa aking paningin.
One day, we'll meet again.

BINABASA MO ANG
Escape
RomanceDifficulties in life are bound to happen. But, does escaping these challenges would be enough to make your life be at peace? Or would it only make your life more complicated?