Chapter 3

8 1 0
                                    

Crush

Nang matapos ang araw na iyon ay sinundo ako ng aking mommy. Panay ang bato niya sa akin ng mga katanungan habang kami ay naglalakad pauwi sa aming bahay.

"Kamusta anak? Nag enjoy ka ba?" Si mommy.
"Opo ma." Simpleng sagot ko.

"Anong kinain niyo kanina? Nabusog kaba? Gusto mo ba kumain muna tayo bago umuwi?"
"May spaghetti at chicken po mommy. Nabusog naman po ako. Hindi na po." Sagot ko habang nakapokus ang aking mga mata sa daanang tinatahak namin.

"Napagod kaba anak? Ano bang ginawa niyo ngayong araw?" Tanong niyang muli na aking sinagot. "Opo ma. Madami po. Naglaro, nagbigayan ng gifts, ayun po."

Mukhang napansin ni mommy na wala ako sa mood sumagot ng mga tanong kaya natigil siya sa pagtatanong. Mabuti at medyo malapit nadin naman kami sa bahay.

Nang makauwi kami ay agad akong nagpunta sa aking kwarto at nagbihis ng pambahay. Naglagay ako ng pulbo sa aking leeg at likod pagkatapos ay naupo na ako sa aking kama.

Naalala ko ang ibinigay ni Jarrick na bracelet sa akin na nasa bulsa ng aking palda kaya agad ko itong kinuha at dinukot mula doon.

Napaupo akong muli sa aking kama habang dinadama ko ang lamig sa paghawak ko sa metallic bracelet sa aking mga palad. Minimalistic ang disenyo nito. Simple ngunit may dating. Malalaman mo agad na lalaki ang may ari dahil sa tamang kapal nito.

Habang nililibot ng aking mata ang disenyo ng porselas ay nakita kong may bahagyang kuminang sa bracelet nang natamaan ito ng ilaw. Iniikot kong muli sa aking kamay ang porselas at nang nakita kong kuminang ito ay tumambad sa aking mata ang nagiisang diamond na nakadisenyo dito. Kung kanina ay inakala ko lang na ito'y mamahalin, ngayon ay nasisiguro ko na mamahalin talaga ito!

Sinubukan kong isuot ito sa aking palapulsuhan ngunit agad ko ding tinanggal nang may kumatok sa aking silid.

"Anak, akin na ang uniform mo. Lalabhan na ni mommy." Ani mommy kaya binuksan ko ang pintuan at inabot ko sakanya ang basket na naglalaman ng aking uniporme. "Thankyou po." Sambit ko na ikinangiti ni mommy.

Isinarado kong muli ang pintuan nang nakaalis na si mommy. Gosh! Kinabahan ako dun!

Lumapit akong muli sa aking kama at kinuha ang bracelet. Naghanap ako sa aking damitan kung mayroon pa bang bakanteng box na pwede kong paglagyan ng nitong alaalang ibinigay sa akin ni Jarrick.

Kalaunan ay wala akong nahanap na pwede kong paglagyan nito sa aking damitan.

"Ay oo nga pala!" Napasapo ako sa noo ko nang maalala ko na nasa tukador ko nga pala nilagay ang isang box na maari kong paglagyan ng porselas na ito.

Binuksan ko ang drawer sa may tukador at nakita ko ang box na kulay asul. Tamang tama. Panlalaking kulay.

Binuksan ko ang kahon at dahan-dahang inilagay ang bracelet ni Jarrick dito. Tamang tama lang ang lalagyan na ito para sa bracelet na para bang ito ang karapat dapat na nakalagay dito.

Ibinalik ko nang muli ang kahon sa drawer ng aking tukador at nahiga na sa aking kama.

Napangiti ako ng maalala ko lahat ng nangyari ngayong araw. Mula sa unang pagkikita namin, sa pagkakalilala, sa paglalaro, sa pagtatawanan, sa lahat. Napangiti akong muli ngunit nangilid ang mumunting luha sa aking mata.

Habang inaalala ko ang mga iyon ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lamang ako ng may naramdaman akong humahaplos sa aking buhok.

"Anak, halika na, gabi na. Kakain na tayo." Nakangiting sambit ni mommy.

Sumunod ako sa kaniya sa pagbaba sa aming bahay. Kumain kami ng sabay sabay at di rin nagtagal ay umakyat na akong muli, naligo at nakatulog na buhat na din siguro ng matinding pagod.

Kinabukasan ay pumasok ako sa eskwela. Paparating pa lang ako sa aming classroom ay nakita ko na ang grupo nila Aliyah na nasa hamba ng pintuan na parang may inaabangan.

Nang makalapit ako sa kanila ay nagsalita ako para sana makadaan at makapasok na. "Excuse me." mahinang sambit ko.

"Hello, Best Actress! Haha!" Bati ni Aliyah sa akin na para bang malaking biro ang lahat. "Iyakin! Haha!" Sabay sabay pa silang tumawa ng mga kasama niya.

Hindi ko nalang sana papansinin at disiretso na sana akong pumasok ngunit may humila ng braso ko at tila pinipigilan akong pumasok sa loob.

"Akala mo naman ang ganda mo? Partner mo lang siya kaya ka pinansin! Ako? Nagandahan siya sakin, kaya niya ako pinansin! Hah!" Nagtataas ng kilay si Aliyah sa akin habang hawak niya ang braso ko.

Hindi ko makuha kung ano ang gusto niyang iparating sa akin. Basta ang gusto ko lang, makatakas ako sa pagkakahawak niya sa akin. Madiin ito at tila nagbabaon ang kanyang mga daliri sa aking braso sa sobrang higpit.

Iwinaksi ko ang aking braso sa pagaakalang makakatakas ako ngunit mas lalo lamang nanoot ang sakit ng pagkakahawak niya sa akin.

"Ano ba!" Sigaw ko at nagpupumiglas na dahil pakiramdam ko mababali na ang buto ko sa pagkakahawak niya.

Sa puntong iyon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung iiyak ba ako, tatakbo, sisigaw o ano. I just want to escape. I hate being caged. Gusto kong kumawala, ngunit tila wala akong magawa.

"Nandyan na si ma'am!" Sigaw ng aking kaklase dahilan ng pagkakakalag ng paghawak sa akin ni Aliyah.

"Tandaan mo, ako ang pinaka maganda dito. Ako lang ang papansinin ni Jarrick! Crush ko siya! Crush niya din ako! Kaya akin siya! Naintindihan mo?" Sambit ni Aliyah na ikinatunganga ko.

Tila may parte sa akin ang gumuho sa sinabi niya sa akin. Crush ni Jarrick si Aliyah? Paano? Kahapon ba? Nung pinunasan niya ang gilid ng labi ni Aliyah? Sinabi niya ba? Ayun ba yung pinagtawanan nila?

"Hmp!" Sambit muli ni Aliyah at binunggo ang aking kaliwang balikat habang pumapasok sila ng mga alipores niya sa loob ng classroom. Ilang sandali pa bago ako natauhan at pumasok na rin sa loob ng silid at siya ring pagdating ng aming guro.

Alam kong sobrang bata ko pa. Ngunit di ko maiwasang isipin. Ano yung mga ipinakita niyang kabaitan sa akin kahapon? Dahil ba iyon sa utos sa kanila? Dahil ba iyon sa magpartner kami? Bakit niya ako niyakap? Bakit niya ibinigay yung bracelet? Bakit siya nangakong magkikita kami ulit?

Kung crush niya si Aliyah, crush din siya ni Aliyah. Ibig sabihin ba noon, pwede silang magkatuluyan? Paano ako? Patay. Crush ko na din ata siya. Paano na ito ngayon?

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon