Chapter 5

1 1 0
                                    

Sana

It's been a year since my first heartbreak. I got played, dumped, and worst, I got cheated on.

Tristan was my first boyfriend. He's a playboy. Lahat ng babae napapasagot niya agad. Walang panliligaw na nagaganap. No sweat. Kaya naman ng una nya akong inaya na magdate ay hindi ko agad natanggap. Knowing his past relationships, pagkatapos ng tatlong araw hanggang isang linggo ay nakikipagbreak siya sa mga ito, at umuuwing luhaan ang mga babaeng ito. I promised myself na hindi ako magpapaloko sa kaniya. Na hindi ako magpapauto sa kaniya. Na hindi ako uuwing luhaan gaya ng mga babae niya. Na hinding hindi niya ako masasaktan.

Ngunit nang manligaw ito sa akin ay tila nagpagulat akin. Inisip ko na baka nagbago siya dahil sa akin. Super persistent sya, mula sa panliligaw niya na tumagal ng ilang months, hanggang sa naging kami, na tumagal lamang ng isang linggo at tatlong araw.

I've been very loyal and faithful to him, kahit halos dalawang linggo lang ang itinagal ng opisyal naming relasyon. Kaya noong bigla siyang nakipag break sa akin makalipas ang isang linggong pagsagot ko sa kaniya, ay nakapagpatakha at nakapagpakaba ng sobra sa akin.

"Why? Anong nagawa ko, Tris? Bakit ka bigla biglang nagdedesisyon? M-Maayos naman tayo ah? May pagkukulang ba ako? May h-hindi kaba gusto sa akin? Ano, Tris? H-Ha?" Nanginginig na ang boses ko habang hinahawakan ko ang kamay niya.

"Tine. Wala. I just wanted to have some time and space!" Naiiritang sambit niya sa akin.

"Okay. I.. I will give you the time and space you needed. P-Pero please wag namang ganito. Hindi t-tayo magbbreak! Please Tris. I love you. Please?" Hindi na napigilan ng mata ko ang luha ko na tumulo.

Natakot ako nang maalala kung paano ang buhay nya months ago. He's a playboy! Pero diba nagbago na siya? diba? Mahal niya ako, e! Sabi niya! No. No. He's not a playboy anymore. No. He just wanted to have some time and space! Seryoso siya sa akin! Diba? Diba?

"Please Tine. Pakawalan mo na ako. Ayaw ko na." tuluyan niya nang tinanggal amg kamay kong nakakakapit sa kanyang kamay at naglakad na palabas ng locker room.

Napapatingin ako sa paligid ng locker room at napasinghap na walang nakitang ibang tao doon. Pinunasan ko ang pisngi kong may luha ko at kinumbinsi ang sarili na kami pa din ni Tristan. Oo, kami padin. I have a say on this. We won't break up hangga't nakakapit pa ako. And I know hindi niya din ako matitiis.

Tatlong araw mula noong nakiusap at nagmakaawa ako sa kaniya, ay may narinig akong naguusap sa may Auditorium habang naglalakad ako papunta sa classroom ko.

"Bro! Ang galing mo! Ano? Nakipag break ka na ba kay Celestine?" Napatigil ako noong narinig ko ang pangalan ko. Hindi lang naman siguro ako ang may pangalang Celestine diba? "Iba ka talaga, Tristan! Pinagsabay mo sila ni Arra! Buti sport yun! Ganda pa syet!" Namilog ang mga mata ko sa narinig ko kahit hindi ko masyadong maintindihan. Si Tristan? Pinagsabay? Arra?

"Napaka pakipot naman kasi ni Celestine! Isang halik lang, ayaw? Syempre hindi ko kaya! I need someone who can satisfy my needs! And clearly, si Arra yun. Ang ganda na, ang sexy pa!" I heard Tristan chuckled.

Unti unting tumulo ang aking mga luha nang nakumpirma ko na ako ang pinaguusapan nila Tristan at agad kong pinalis iyon. Aalis na sana ako nang narinig ko silang pinagpapatuloy ang usapan.

"Tol, pano yan? Tapos na pustahan? Hulog na hulog na ata sakin si Celestine! Ayaw ngang makipagbreak e! Kaya nairita ako nilayasan ko sya noong nakaraan. Mamaya kakausapin ko ulit siya. Iiwan ko na talaga, baka umasa pa e. Kawawa naman." Narinig kong muli ang tawa ni Tristan. Lalong tumulo ang mga luha ko sa narinig ko. What? Pustahan? Tapos pinagsabay? Iiwan?

"Ano yon, Tristan?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong komprontahin sila. "Paki ulit, Tristan. Ano 'yon?" Ulit ko sa kaniya.

Nakita ko na nagulat ang kanilang mga mukha. Hindi ko kilala ang dalawa niyang kasama ngunit wala akong pakialam.

"Anong sinasabi niyo? Sinong Arra? Pinagsabay? Ha? Sumagot kayo!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Tine, I'm sorry." Nakita ko ang guilt sa mukha ni Tristan. Napailing nalang ako. "Go to hell! I hate you so much!" Sigaw ko sakaniya at nagsimulang malakad patungong Comfort Room at doon umiyak. It fucking hurts! So bad!

Ilang araw pagkatapos nang nangyaring iyon ay nabalitaan kong lumipat si Tristan sa probinsya. At doon ako nagsimulang magtayo ng mataas na pedestal sa aking sarili. Takot na mahulog at masaktang muli.

"Tine, just one chance. Please." Napatalon ako mula sa aking pag iisip nang narinig ko ang tinig ni Harry.

Panahon na ba para magbukas akong muli ng pintuan? Para babaan ang matayog na pedestal na itinatag ko? Panahon na ba para magmahal akong muli? Nakapag move on na ako. Masakit, pero minsan, sa sobrang sakit, mamamanhid ka na lang. At sa pamamanhid na iyon ay natututo tayong tumayong muli mula sa ating pagkakadapa, hanggang sa tayo'y magkaroon ng pakiramdam muli.

Tama lang ba na bigyan ko ng chance si Harry? Sa tagal naming naging magkaibigan, lagi siyang nandyan. Tila hindi ako kayang saktan.

"I promise I won't be like him. Just give me a chance to prove myself, Tine. I love you. Please. Just one chance." Pakiusap muli ni Harry sa akin.

I'm scared, alright. Syempre, ikaw ba naman ang maloko ng ganoon. Iniwan, pinagpustahan at pinagsabay. Sobrang masakit. I know bata pa ako para sa mga relasyon na ganito, kaya nga nahihirapan akong magdesisyon ngayon. I've moved on but the pain inflicted in me caused my heart to have deep rooted scars. Alam kong ang kaakibat ng pag ibig ay ang sakit. Kaya pag magmamahal tayo, imposibleng hindi tayo masasaktan. Ngunit minsan, kapag nasaktan ka na, matatakot ka nang umulit. Pero hanggang kailan ka magiging takot? Hanggang kailan mo pipigilan ang sarili mong sumaya muli? Hanggang kailan mo pipigilan ang sarili mong umibig muli?

Sana, tama ang maging desisyon ko. Sana, hindi ako mag sisi. Sana, hindi niya ako saktan ng gaya ng ginawa ni Tristan. Sana, maging masaya akong muli. At sana, ito na ang huling pag ibig ko.

EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon