Familiar feeling
I gave Harry his chance. I must say na hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko. I'm happy to let myself happy.
"Hey love, lunch?" Nakangiting tanong sa akin ni Harry nang nakalapit siya sa akin. Kanina pa siya naghihintay sa akin na matapos ang class ko kay Prof. Castro.
"Sure! Ibabalik ko lang 'to sa library." Sabay turo ko sa tatlong librong dala ko. Nanghiram kasi ako ng libro para sa homework na pinasa namin kanina.
"Alright. Let's go?" kinuha niya sa akin ang librong dala dala ko. Binawi ko naman agad. Sumimangot naman siya bigla. "Love, ako na." Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at nagpigil ng tawa habang tinahak na ang daan papuntang Library kasama siya. Ang cute niya talaga lalo na kapag sumisimangot siya.
It's been three years, simula noong pormal na nanligaw siya sa akin. And sinagot ko siya matapos ang halos walong buwan niyang panliligaw. I know it is bad to compare but, Harry is really different from Tristan. Kay Tristan, masaya ka pero nakakaramdam ka ng pangamba, ngunit kay Harry, masaya ka at mararamdaman mo talaga yung assurance na ikaw lang talaga, na hinding hindi ka makakaranas ng sakit, o kung makaramdam ka man, hinding hindi ka pa din mabibigo.
Pagkapasok namin sa library ay inilapag ko kaagad ang librong hiniram ko sa counter at ang library card ko.
"ID po, Miss?" Tanong ng Student Assistant sa akin. "Oh.. Here." Inabot ko sa kaniya ang ID ko. "Celestine Anneliesse R. Ramos? A-ne-lis?" Kunot noong tanong niya. "A-ne-leys" si Harry ang sumagot at kumindat pa talaga ang loko.
Napataas ako ng kilay dahil parang binudburan ng asin yung nag aassist dahil sa pagkindat ng kasama ko. Matalim kong binalingan si Harry na nakatingin pala sa akin.
"Where do you want, love?" Tinutukoy niya ang paglalunch namin. Nagbago na ang ekspresyon ko. Dahil alam ko na gugustuhin na naman ulit nitong kumain kami sa mamahaling restaurant.
"Sa canteen na lang tayo? Palagi na lang kasi tayong sa labas kumakain. Not that I don't like it but, syempre, I don't want you to just burn your cash whenever you're with me." Mahinang sambit ko sa kaniya.
Ngumuso siya bago nagsalita. "I will burn my cash for you. I don't care. I want you to feel na lahat ng pag aari ko, ay pag aari mo rin. And also, I want you to feel na mahal na mahal kita, through this."
Natahimik ako. I can't believe it! Well, mayaman naman kasi siya. Si Seth Harry R. del Rosario, ang natatanging tagapagmana ng isa sa pinakatanyag na chains of hotels sa buong asya. Kaya kung makapagsalita, walang duda, talagang may ipagmamalaki.
"Here, Miss Ramos." Tinignan muna ng Student Assistant Ang ID ko bago niya inabot sa akin ito. "Thank you." Sagot ko naman at lumabas na sa library habang nakabuntot sa akin si Harry.
"Harry, yes, I know, you have the money, but I want you to know na hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan mong gastusin yan para sa mga ganitong bagay. I don't want you to think na iyan lang ang habol ko sayo. I love you, alright. You love me, too. But not spending too much of your money for me doesn't mean na hindi mo ako mahal. Hindi iyon sukatan, Harry."
Tinaas niya ang dalawa niyang kamay na tila sumusuko sa argumento namin.
"Alright. Alright. Let's eat somewhere here." Natatawa niyang sambit kaya nasuntok ko na. "Aray!" Nagtinginan ang mga tao sa amin sa pagsigaw niya kaya mas lalo siyang tumawa na ikinainit ng pisngi ko.
"Kainis ka! Bakit ka tumatawa? Ha!" Kinurot kurot ko siya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Kainis 'to! Nanghahakot pa ng atensyon, e!
"Aray! Masakit na. Tama na Love." Mahina ngunit natatawa padin niyang sambit. Binaba ko na ang kamay ko at nagsimula nang maglakad ngunit bigla biyang kinuha ang kamay ko at pinagsiklop niya ang mga daliri namin.
"Let's go? Saan tayo kakain?" He said with no traces of humor. I smiled. He really respects my decisions, kahit minsan ay ayaw niya ng mga gusto ko.
"Tignan natin sa canteen kung anong nakahanda. Hindi mo pa natatry pagkain doon, hindi ba?" Nagsimula na akong maglakad habang magkahawak kamay kami.
"Alright, love." Kinurot niya ang pisngi ko. "I really can't wait for us to get married. You know, lalo na tuwing nagsasalita ka na parang kasal na tayo. Well, sa isip ko naman, we're already married. Papel, singsing at ceremony nalang ang kulang." Sambit niyang ikinatigil ko sa paglalakad. Napangiti ako. I never thought this guy would imagine these things.
Lumingon siya sa akin dahil sa pagkakatigil ko. Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pabalik. "Let's go love. I'm hungry." Mas lalong humigpit ang pagkakasiklop ng mga daliri namin.
Nakarating kami ng canteen na tahimik pa rin ako. Hindi ko alam pero, na speechless talaga ako sa sinabi ni Harry sa akin. I'm happy that he loves me this much, and I hope, his love for me won't fade away as time passes by.
Napatingin tingin ako sa paligid para makahanap ng mapupwestuhan namin. Madami nang tao kasi syempre, lunch na. Buti na lang at may vacant pa doon malapit sa nagtataasang glass walls.
Binitiwan ni Harry ang kamay ko at nakatayong pumwesto sa likod ng aking upuan para igiya akong umupo. His simple gestures makes me fall inlove with him once again. I smiled.
"Kanina ka pa tahimik at pangiti ngiti diyan. What do you want? I'll order." Umupo siya sa gilid ko nang nakangiti. Damn this man. Bakit ang gwapo mo? Nagiwas ako ng tingin sa kaniya at itinuon na ang pansin sa menu na nasa may counter.
"Ikaw kasi. Kung ano ano na naiisip mo. Hmm. Gusto ko ng bulalo. And Iced tea."
Kinuha ko ang wallet ko sa loob ng bag ko at ipapadala ko sana sa kaniya kaso inurong niya ang kamay ko pabalik sa bag ko. "You always hurt my ego, bigtime." Hinawakan niya ang kamay ko. "Hangga't nabubuhay pa ako, hinding hindi ko hahayaang gumastos ka ni isang kusing kapag kasama mo ako." Dagdag niya.
Yabang! Inirapan ko na. "Fine fine. Sige na. Humahaba na ang pila oh." Nginuso ko ang banda sa counter na ikinasulyap din niya. "Alright. Stay here. I'll buy our food." Sabay halik niya sa noo ko.
Tinignan ko siya habang papalayo siya sa akin. I suddenly felt a familiar feeling. Something that I felt years ago. Umiling iling na lang ako sa aking naiisip. Ngunit kasabay ng aking pag iling ay ang pagkalabog ng aking puso. Tila ba kagagaling ko lang sa malayong pagtakbo para bumilis at lumakas ito ng ganito.
Napahawak ako sa dibdib ko at unti unti naman itong bumagal. What was that?

BINABASA MO ANG
Escape
RomanceDifficulties in life are bound to happen. But, does escaping these challenges would be enough to make your life be at peace? Or would it only make your life more complicated?