Panyo
"Thankyou." Sambit ko habang nararamdaman ang sobrang pagiinit ang pisngi ko.
"You're welcome." Ngiting ngiti ni Jarrick at tuluyang ibinigay sa akin ang isang plastic envelope na naglalaman ng pad paper, pencil, crayons, improvised white board at iba pang school supplies.
Yes, grade 3 pa lamang ako nang nagkaroon ako ng crush. Oo, si Jarrick, Isang beses lang kami nagkita, pero, sobra ang pagkahumaling ko sa kaniya.
Dahil ako'y nagaaral sa public school, every year, lahat ng grade 3 students ay nakakatanggap ng school supplies na dinodonate ng Xavier School, isang eskwelahan na eksklusibo sa mga lalaki, kabilang si Jarrick doon. At ngayong taon na ito, ang batch naman namin ang maswerteng nabigyan.
Nang matanggap naming lahat ang regalo ng mga kapwa namin bata, biglang nagsalita ang teacher namin.
"Oh students, anong sasabihin niyo sa kanila?" Anito.
"Maraming salamat po!" Nakisabay ako sa pagsigaw habang pasimpleng sumulyap kay Jarrick na nakita kong nakatitig at nakangiti sa akin.
Mas lalong namula ang pisngi ko sa nangyari. Sobra akong kinakabahan ngunit kasabay nito ang hindi ko mapigilang pag ngiti ng palihim.
Agad nagsimula ang munting programa na inihanda para sa amin at para sa mga batang bisita. Syempre, dahil partner ko si Jarrick, siya ang katabi ko.
Nagsalita ang guest speaker matapos magbigay ng opening remarks ang isa sa mga mataas na panauhin ng aming paaralan.
"Through the years, Xavier School is....." Isa isang pinakita sa aming harapan ang mga litrato ng mga nagdaang panahon na ginagawa ng Xavier School ang ganitong paraan ng pagtulong at donasyon para sa aming paaralan.
Kinalabit ako bigla ni Jarrick kaya napatingin ako sa kanya na tinatakpan ang bibig at mukhang humihikab.
"Hmm?" Bulong ko ng napatingin ako sa kaniya.
"Aren't you sleepy?" Aniya at nakita ko ang mata niyang halos pumikit na sa sobrang kaantukan.
"Hindi. Uminom ka ng tubig para mahimasmasan ka" Bulong kong muli sa kaniya na sinunod niya naman.True enough, medyo nahimasmasan siya ng konti habang nakikinig sa speaker na patapos na yata ang sinasabi pero muli siyang humikab sa pangalawang pagkakataon. Natawa ako at napailing.
Pagkatapos noon ay nagsimula na ang pinaka inaabangang parte ng programa, iyon ay ang mga palaro.
Sumali kami ni Jarrick sa ibang mga palaro, at isang beses kami nanalo. Sobrang tuwang tuwa kaming dalawa habang tinatanggap namin ang premyo.
"Omygosh ang ganda!" Halos mapasigaw na ako sa natanggap naming premyo.
"Bagay yan sayo, pink. Ito, bagay ba sakin?" Tanong niya na hindi ko masyadong narining sapagkat kinakabit ko sa palapulsuhan ko ang bracelet kaso hindi ko magawa. "Ako na." kinuha ni Jarrick sa akin ang bracelet at isunuot ito sa akin.
Nang matapos niyang ikabit ang sa akin ay bigla nya namang itinapat ang kamay nya at ipinakita sa akin ang bracelet nya. "Pakikabit din, please?" Nakangiti niyang pakiusap na hindi ko na natanggihan.
"Oh ano, bagay ba sa akin?" Tanong niya ng nakangiti.
"Oo, bagay sayo." Nakangiti din ako habang ikinakabit ko sa kanyang palapulsuhan ang bracelet na kulay asul na may halong kulay abo sa beads nito.
"Picturan ko kayo dali!" Sabi ng teacher namin kaya sabay kaming napatingin sa kaniya.
Agad namang kinuha ni Jarrick ang kamay ko at inilagay iyon sa mga braso niya. Hindi ko maipagkaila ang sobrang pag iinit ng pisngi ko na para akong nilalagnat.
"Namumula ka." Sabi niya sabay tawa.
Mas lalo atang uminit ang pisngi ko!"Oh 1..2..3 Say Cheeze!" Nagulat ako ngunit napangiti naman ako agad. "Isa pa!" Sigaw ng teacher namin.
"You okay?" Tumatawang sambit ng mokong na si Jarrick!
"Game na pose na dali 1..2..3!" Kinuhanan kaming muli ngunit sa pagkakataong ito ay inihilig ni Jarrick ang ulo niya sa ulo ko kaya nagulat ako ng husto!"Hala! Hala! Ampangit ko dun! Hala!" Napatakip na ako ng mukha ko sa kahihiyan habang umiiling.
"It's okay, Celestine, you're always beautiful to me." Ani niya na nakangiti ngunit walang bahid ng biro. "Let's go?" Inilahad niya ng kamay niya na agad ko namang kinuha at sabay kaming pumunta sa gilid ng Activity Hall para makaupo at makapagpahinga.
"Wag na tayo sumali, magpahinga na tayo, kanina pa naman tayo naglalaro." Sabi niya habang pinupunasan ang sariling pawis gamit ang kamay.
Napahawak ako sa panyo na nasa loob ng bulsa ko at agad kong ibinigay sa kaniya ito. "Oh gamitin mo, pawis na pawis kana oh" sabay turo sa mukha niyang puno ng butil ng pawis niya.
"Thanks." Kinuha niya ng panyo sa aking kamay ngunit nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin at sa mukha ko niya ito ipinahid.
"A-anong-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil agad niya itong pinutol.
"Pawis ka din naman." Sabi niya at ipinagpatuloy ang pagpupunas niya sa mukha ko.
Habang pinupunasan niya ako ng pawis ay naramdaman ko talaga kung gaano kami kalapit sa isa't isa. Naaamoy ko na ambango niya. Kahit sobrang pawis ang meron siya. Mabango siya. Bigla akong kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit.
Unti unti ang pagdampi ng aking panyo sa aking mukha gamit ang kaniyang kamay. Marahan at may pag iingat. Tila ba mababasag ako sa oras na madiinan niya ang pagdantay sa mukha ko.
Nang natapos ay kinuha ko naman ang panyo sa kaniyang kamay at itiniklop ito sa kabilang bahagi, kung saan hindi ito basa. "Ikaw naman." Sabi ko na ikinatango lang niya.
Hindi ko maipagkailang gwapo talaga siya, para sa isang bata na tulad niya na mas matanda sa akin ng dalawang taon. Dahil sa sobrang lapit ko sa kaniya ngayon, napansin ko ang kanyang matangos na ilong, his young perfect jaw line na mapapansin mo lalo na pag malapitan, ang kaniyang malalim na tila puno ng misteryo na mga mata, ang kaniyang balat na medyo maputi at mas makinis pa ata sa akin.
Natagalan ata ang aking paninitig sa kaniyang mukha kaya napangisi siya sa akin sabay sabing "Gwapo ko 'no?"
"Kapal mo naman!" Hindi ko na alam kung saan ako kumuha ng lakas para sabihin ang mga salitang ito ng hindi nauutal.
Napasandal ako sa upuang inuupuan ko dahil di ko na talaga mapigilan yung sobrang kaba na nararamdaman ko!
"Kidding." Humalakhak siya sabay kuha ng palapulsuhan ko habang tumatayo.
"Let's go? Lunch break na." Sambit niya na ikinagukat ko naman. Napatingin ako sa paligid at wala nang bakas ng palaro. Gosh! Tapos na pala!

BINABASA MO ANG
Escape
RomanceDifficulties in life are bound to happen. But, does escaping these challenges would be enough to make your life be at peace? Or would it only make your life more complicated?