Chance
"Okay so ididivide natin yung irereport natin para mabilis tayong matapos, okay?" Ani Lauren na hindi ko naman naintindihan dahil sa malalim na iniisip ko.
Patuloy siya sa pagdidiscuss kung ano ang dapat naming gawin sa reporting sa makalawa. Siya ang leader namin kaya siya nadin ang naghati ng mga sub-topics na gagawin namin.
"Hey! Tine! What do you think?" Si Chrissle. "Ano? Sa iyo na yung sa Covalent and Ionic Bonding. Okay lang ba sayo?"
Patuloy ang pagiisip ko ng malalim hanggang sa "HUY!" mahinang paggulat niya sa akin.
"Hm?" Sagot ko naman. "Ano? Sabi ko okay kung okay ba sayo na yung Covalent at Ionic Bonding ang part mo para sa irereport?" Mataray na tanong niya.
"Oo. Sige okay na iyon." Simpleng sagot ko.
"Oh basta ah, isend nyo sa akin yan hanggang bukas lang hapon tapos irehearse nyo na din yung lines nyo sa pagrereport. Para di tayo magkagulo sa thursday. Okay?" Si Lauren.
"Okay na ba? Pwede na kami umalis? Nagugutom na kasi kami." Si Krisha na sabay lingon din kay Sheryl mukhang gutom na nga.
"Okay sige yun lang. You may now go." Dali dali kong inayos ang mga gamit ko para makalabas na sa classroom. Gosh! Hindi ako makapag concentrate ng maayos dahil sa mga iniisip ko.
Halos pitong taon nadin ang nakalipas simula nung nakilala ko siya. Ngayon ay Grade 10 na ako. Wala ni isang anino ni Jarrick ang nagpakita sa akin sa loob ng pitong taon.
Well yes, I admit, we're now living in a technology-based world. There are tons of different social networking sites. Kaso, paano ko mahahanap ang isang tao na ang alam ko lang naman ay ang first name? Hindi lang naman siya ang may pangalan na ganoon.
Lunch break na. Pero dito ako dumeretso sa malawak na field ng aming paaralan. Nanuot sa aking balat ang lamig na dala ng malakas na hangin kahit sobrang taas ng araw. Naalala ko, ganitong mga panahon yun, noong una kaming nagkakilala.
Inalis ko sa isip ko ang aking naalala ngunit hindi ko mapigilang itanong sa aking sarili kung kamusta na kaya siya? He's probably a Grade 12 student now. Kilala niya pa kaya ako?
But who am I kidding? Ilang taon na ang nakalipas. Hindi naman lahat ng tao, naaalala lahat ng nakakasalamuha nila. Lalo na't isang beses lang naman namin nakita ang isa't isa.
Naupo ako sa ilalim ng isang puno upang makasilong at makapagpatuloy sa aking mga iniisip.
Sa gitna ng aking pag iisip ay may naaninag akong nakatayo sa aking gilid.
"Tine." Napatingala ako sa nagsalita. Si Harry!
"H-harry." Nauutal kong sagot. "Iniiwasan mo ba ako?" Malungkot niyang sambit.
Si Harry ay isa sa mga unang naging kaibigan ko sa Western High School simula noong nag Junior High ako, bukod kay Chrissle.
"N-No, Harry. It's just that-" pinutol niya ang aking pagsasalita.
"I know. I told you, maghihintay ako. Pero sana wag mo naman akong iwasan. Gusto kita, pero hindi naman kita pinipilit na ibalik mo iyon agad sa akin. Manliligaw ako sayo, pero hindi kita minamadali. Please, wag mo akong iwasan. I just want my chance, to prove to you that I am not as fucktard as your ex." Nagsusumamo niyang sambit.
"Harry, you don't understand. Hindi pa ako ulit handang pumasok sa mga ganiyang relasyon. Please. I don't want to be unfair to you."
"I know. Please..." nakita kong napalunok siya na parang hirap na hirap sa nangyayari. "Kahit wag mo nalang akong iwasan. I still want to be your friend. Please."
Napailing nalang ako sakaniya na may halong pagka awa. He's been a good friend to me since time immemorial. I never knew na may mabubuo siya na pagtingin sa akin, kahit alam niya kung gaano katayog ang pedestal na aking itinayo para sa aking sarili dahil sa nangyari noon.
"Hey. Please, look at me." Inangat niya ang aking baba ngunit ang mata ko'y nanatiling nakatitig sa lapag, hindi makatingin sa kaniya ng deretso.
"We've been friends, good friends actually. And I'm sorry that I fell. Hindi ko sinasadya. I confessed to you, not knowing na pati ako, hindi mo pinapayagang umakyat sa pedestal na itinayo mo. And now na alam mo na ang nararamdaman ko, na mukhang hindi mo ako kayang harapin, alright. I will leave. I won't bother you anymore. I love you but if you want me gone, then I will be."
Mabilis akong tumingin sa kaniya at umiling sa sinasabi niya. No! No! Harry!
"W-What do you mean?" Nanginginig sa sambit ko.
"My titos and titas wants me to continue studying at New York. I declined because I wanted to stay here, but now, I think I don't have any reason anymore. You want me gone." Pumiyok sya sa huling parte ng kanyang sinabi at may luhang tumakas sa kaniyang mga mata.
Namilog ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. "No! No! You can't just leave us here! Si Chrissle? Si Eric? Ako? No. Please don't leave."
"I have to. I can't stay here dahil iniiwasan mo ako. Hindi mo man diretsong sabihin sa akin ay alam ko iyon. Ramdam ko." Muling tumakas ang mga luha sa kaniyang mga mata.
Napailing muli ako sa kanina. "No. Hindi na kita iiwasan. Ano pang gusto mong gawin ko? Please. Just don't leave us? Hm?"
"I want my damn chance, Tine. Just my damn chance. God I can't believe I am this crazy!" Mahina niyang sinambit ang huling linya kaya hindi ko masyadong naintindihan.
"Please. Give me my chance. I know you don't want our friendship to be ruined, but hell I can't stand seeing you here na hindi kita naaangkin. Na parang walang nagmamay ari sa'yo, please. Celestine. Just my chance, like what you gave to your ex. Then I won't leave."
I can't believe he is saying all of these now! What should I do? Should I give him a chance? What? I don't want him to leave, for this sake! But I don't want to be unfair to him either. Naguguluhan na ako.

BINABASA MO ANG
Escape
RomanceDifficulties in life are bound to happen. But, does escaping these challenges would be enough to make your life be at peace? Or would it only make your life more complicated?