Around 4:00 am ay excited na siyang umuwi pagkatapos ng working shift niya. Medyo inaantok na rin naman siya. Paglabas ng production area ay agad siyang dumiretso sa locker room para kunin and maliit niyang pouch na laman ang cellphone niya at iba pang gamit. Pag-abot niya ng tag number sa security guard na in-charge sa locker ay may bumunggo sa kanyang balikat. Hindi naman masyado malakas ang impact.“Miss, I’m sorry.” Hinging paumanhin ng nakabunggo sa kanya. Matangkad ito kaya napilitan siyang tingalain ito.
“Okay lang…” aniya na medyo nagulat pa nang makita kung sino ang lalaking kaharap.
‘My gosh! Of all people…!’ Sigaw ng isip niya. Ngumiti siya sa lalaki. Ang crush pala niyang Team Leader sa kabilang team na escalation din.
“Okay lang po, boss Van.” Sabi niya uli.“Medyo nagmamadali kasi ako.” Paliwanag naman ito. “From escalations group ka rin?” Tanong nito na makita ang kulay ng cord ng ID niya. Isang tango lang ang sagot niya na may ngiti.
“Oh, I see. See you around then.”anito at nauna ng umalis. Muli naman siyang napangiti.
“Miss, ang bag po ninyo.” Tawag pansin ng security guard habang inaabot na sa kanya ang pouch niya. Halatang kanina pa ito naghihintay na kunin niya ang bag pero di niya magawa dahil kinakausap siya for the first time ng crush niyang TL.
Correction… dating crush pala. She smiled to herself again.
Lumakad na siya palabas ng entrance para mag-antay ng jeep papuntang terminal ng bus going southern part of Negros Occidental. Habang lulan ng jeep ay hindi niya mapigilang mapangiti uli. Alam niyang it was purely coincidence ang nangyari sa locker area. It was just out of the blue.Matagal na niyang crush ito. But time had passed and her feelings were gone as well. Babae siya at siyempre parang nakakahiya naman pag siya ang nagpakita ng motibo. Hindi naman ito gwapo pero maganda ang mga mata nito. Hindi rin niya alam kung may nobya ito or may asawa na. It was a simple admiration. Hindi ka naman mabubuntis or madi-divirginize siguro kung crush mo ang isang tao. Natawa pa siya ng bahagya sa naisip.
At exactly 4:30 am ay umalis na ang isang bus patungong Kabankalan at dahil madadaanan ang Bago ay sumakay nalang siya. Kung kanina inaantok siya ngayon ay gising na gising ang diwa niya. Nilabas na lang niya ang CP at earphones at minabuting makinig ng music. Pagka-on niya ng cellphone ay sunud-sunod na ang datingan ng mga mensahe niya. Una niyang binasa ang text ng bestfriend niyang si Dimples.
Dimples: Megah, hang out on Sat. Bhayk is inviting the rest of our classmates before. We’ll have lunch at the seaside. Same old venue- Shelton.
Medyo nagulat pa siya. Bakit may luncheon date sila? Bakit sa Shelton? Hindi naman kasi malinis ang dagat sa banda roon. Pero dati na silang tumatambay doon. At weekend ay maraming tao. Maraming nagpa-family outing or di kaya’y nagti-team building na mga grupo. Pero maganda naman ang lugar for picnic at may videoke pa. Pwede ring magluto dito kung may baon kang lulutuing grilled foods. Besides Shelton ay maraming pang beach resorts ang nakahilira sa pwesto nito. Meron pa ngang open resort diyan na lagi nilang pinupuntahan ng kababata niyang si Aira at kapatid niyang si Daudine.
Natawa siya nang maalala ng huli silang pumunta doon dahil halos puro lovers ang mga naroroon. One thing she liked there was the view of the sunset.
Nag-reply na siya sa kaibigan na pupunta dahil off naman niya and Saturday at Sunday. She was looking forward of a more fun weekend then.________
Saturday. Around 12 ng tanghali ay narating na niya ang pinag-usapang lugar. Dahil weekend nga ay maraming tao na at karamihan ay kumakain na sa mga occupied na cottages. May nagbi-videoke na rin. Maingay na nga ang paligid.Hinanap ng mga mata niya kung naririto na ang mga kaibigan pero parang nalibot na niya ang resort pero kahit anino ng isa sa mga ito ay wala. Nilakad niya ang maliit na espasyo patungo sa dagat. Kahit katirikan ng araw at mainit ay wala siyang pakialam. Malakas naman ang ihip ng hangin kaya hindi niya alintana ang init. At lalong hindi siya takot umitim dahil matagal na siyang maitim.
BINABASA MO ANG
Falling For Him ☑️
RomanceShe thought she would grow old alone and falling in love wasn't in her list of priorities...until she met HIM! ----------------------------------- This story was made last 2014. I just don't have the time to post it. This is the first time, I'm goin...