Chapter Two

216 14 0
                                    


Madali siyang naghanda dahil magsisimba sila kasama ang mga neighboring friends niya at kapatid. They used to attend the second mass.
Papunta na sila ng simbahan nang mapansin niyang matamlay ang childhood best friend niyang si Aira.

"Megah, what's wrong?" hindi niya napigilang magtanong.

"I'm kinda confused." anito sa matamlay na tinig.

Narating nila ang simbahan nang mas maaga. Hindi pa tapos ang first mass kaya naisipan nilang maglakad-lakad muna sa Bantayan Park na paharap sa Bago River.

Maraming nag-i-exercise sa park.
"Ano bang problema mo?" tanong ni Daudine habang binabaybay nila ang pathway sa gilid mismo ng ilog. Kasabay nilang naglalakad sina Jenny at Yani narin na nakikinig din sa usapan.

"I have a student sa training center, his name is Ian. Nagpaparamdam na may gusto sa akin." pagsisimula ni Aira at sinundan na iyon ng tuksuhan. Nagtatrabaho ito bilang part time teacher sa isang sangay ng gobyerno sa bayan nila mismo. Karamihan sa mga students nito ay mula sa graduate schools at gusto lang madagdagan ang skills.

"Aha! So a new love interest after Mr. November 5?" nanunudyo niyang tanong sa kaibigan.

Sumimangot ito. "Ayaw ko sa kay Mr. Nov 5. I'm confused about this student. Magka-edad kami at may mukha siyang sabihin sa akin na may feelings siya sakin pero may gf siya." si Aira.

Tumikwas ang kilay niya sa narinig. "May gf na pala siya tapos manliligaw siya sayo? Walang hiyang kumag na yon a!"

"And you are confused or somehow scared you'd fall in love with him, right?" Diretsahang tanong ni Daudine.

"Exactly." sagot nito agad.
"Ate Aira, kung mahal ka niya eh di hiwalayan niya gf niya." komento ni Jenny.

"Di naman madaling gawin iyon, no." Komento naman ni Yani. "What if attraction lang yong nararamdaman niya para sayo.You have to be sure."
Napatawa siya kasabay ni Daudine. Amazed siya sa reasoning ni Yani.

"May pinaghuhugutan ka ba Yani? Kumusta kayo ni Kyro?" Tanong niya.

"Break na kami." diretsang sagot nito na ikinagulat nilang apat. She remembered kasama pa nila ito nung November 4 sa Bantayan Park dahil may event. They even bought a bottle of Maria Clara at ininom. Para nga silang baliw sa kakatawa sa mga walang kwentang usapan nila habang nagpapalipas ng oras.

"Bakit?" halos sabay-sabay nilang tanong.
Yani just shrugged her shoulders. "Wala lang. Cool off muna. Ayaw ko lang ng commitment ngayon." sagot nito.

"So si Jenny nalang pala ang di free. I've heard Bre is coming home this December." Tukoy niya sa bf nito.

"Available na ako ngayon no. Break na kami. Mas type nun ang kabaro niya." natatawang sagot ni Jenny.

"Bakit? Hindi ba pwedeng muling ibalik ang tamis ng pag-ibig?" Hirit ni Daudine na inawit pa ang isang linya ng kanta. Tawanan naman sila.

"Ay naku! Napakabata niyo pa Jenny at Yani. A lot better is in stored for you, guys. Continue your studies." pangaral niya sa mga ito bago magyayang bumalik na sa Saint John The Baptist Parish Church dahil baka nagsisimula na ang misa.

_______
Kasama si Dimples ay tinungo nila ang bayan ng Isabela sa southern part ng Neg. Occ. para sa kasal ni DD. Muling nagkita sila ng dating mga kaklase.

Kasama ni Bhayk ang bago nitong gf at dumating din si Melai. Nagkabatian din ang mga ito. Pero siguro medyo mag-a-adjust muna bago bumalik sa dati ang sa pagitan ng mga ito as friends. Habang sa simbahan ay panay ang bulungan nila ni Dimples. Panay din ang pagkuha ng mga pictures. Hindi pa rin sila makapaniwala na nag-asawa na ito. But they are happy for him.

Falling For Him ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon