Nasa rooftop na sila ng Pope John Paul II Tower. They sat beside each other in a corner watching the sunset."I'm flying back to Italy two days from now.Tapos na ang five months vacation ko. Na-extend na nga ng isang buwan." Anton said out of the blue.
May lungkot at kirot siyang nadama. Alam niyang darating ang panahong aalis na ito. Nahuhulog ang loob niya rito o mas tamang sabihing mahal na niya ito. At tama nga ang naging pasya niya na maging kaibigan lang sila.
"I'll be praying for your safe trip." Aniya sa kawalang masabi.
"Iyan lang ba ang kaya mong sabihin sa akin, Rebecca?" He asked in a sad and serious tone. Pareho silang nakatingin parin sa sunset. At ayaw niyang makita nito ang totoong saloobin niya.
"I want to thank for your friendship and for being nice with me...to my family and to my friends. I want us to remain good friends." Sagot niya na kahit bukal sa loob niya ay miserable ang nararamdaman ng dibdib niya.
"Some good friends!" He hissed. "You know too well that it was more than friendship I'm asking from you." His voice sounded desperate. Mabuti na lang at silang dalawa lang ang naroroon ng mga oras na iyon.
"I'm a practical man, Rebecca. I consider you first in my list because I'm thinking you're a sensible woman. I'm turning 35 few months from now and you're already 29. I think it will be best for us to get married. It will be a waste of time if pahahabain pa natin ang courtship. I am not asking for your friendship anymore." Sabi na Anton na ngayon ay kasabay pa niyang tumayo. "I'm asking you to be my wife, Rebecca... to be my partner in life and be the mother of my children." He added.
Parang biglang umikot ang pakiramdam niya. That was too much. Nasasaktan siya nang hindi niya alam.
"Friendship is all I can give you, Anton. Kung asawa lang hanap mo ay mas maraming nakakahigit sa akin. Marami ang magkakandarapa sa alok mo." She said coldly.
"And we're back to square one again!" He said in frustrations and run his fingers through his windblown hair. "How many times do I have to tell you na ikaw ang gusto ko? For goodness sake! Hindi na tayo mga bata para magpalitan ng sweet nothings at pahabain ang courtship natin.Magkakasundo naman tayo." He said it like he was persuading to close a business deal.
But she was not an ordinary girl! What he said left her hurting and numb. Magkaiba ang GUSTO sa MAHAL.
"Makakatagpo ka rin ng babaeng nararapat sayo. At hindi ako ang babaeng iyon. I'm sorry, Anton." She was finally able to say it without crying. Pagkatapos niyon ay tumalikod na siya para bumaba na ng tower.
"If you'll walk away from me right now, I won't go after you anymore." Pahabol pa ni Anton na tumusok sa puso niya.
Hilam sa luha ang mga mata niya. At hindi niya lilingunin si Anton. Hindi niya ipapakitang nasasaktan siya. Mabilis ang mga hakbang niya pababa. Bawat hakbang ay parang bumibigat ang mga paa niya.
Naiinis na naawa siya sa sarili. Parang patak ng ulan ang mga luha niya at ayaw tumigil niyon kahit anong pigil niya. Takot siyang sumugal sa walang kasiguruhang bagay na inaalok ng binata.
'Baliw! Duwag! Tanga! Diba ginusto mo 'to?' Iyon ang sinisigaw niya sa sarili.
Parang gusto niyang umakyat uli at bawiin ang sinabi kay Anton na tinatanggap na niya ang alok nito. Pero mas nanaig ang unang desisyon niya.
Dinala siya ng mga paa sa Prayer House sa San Sebastian Cathedral. Tahimik siyang nanalangin habang umiiyak. Kailangan niyang panindigan ang desisyon. Her first real love and maybe the last love she would ever have just lasted for five months. Siguro babaunin niya ang lahat ng alaala sa pagtanda niya...na minsan umibig din siya ng totoo.
![](https://img.wattpad.com/cover/146074522-288-k338184.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling For Him ☑️
RomanceShe thought she would grow old alone and falling in love wasn't in her list of priorities...until she met HIM! ----------------------------------- This story was made last 2014. I just don't have the time to post it. This is the first time, I'm goin...