NAPAPAPIKIT-PIKIT na si Chernin habang nakasandal sa couch sa salas ng condo niya ng marinig ang door buzzer.
Tamad na tamad siyang tumayo upang pagbuksan kung sino ang balak mambulabog ng gabi niya. Kanina’y buong araw siyang subsob sa trabaho, dumagdag pa ang sakit ng ulo niya. Mabuti na nga lang at nakakain pa siya ng breakfast nang dahil kay Ran.
“Good evening my fiance!”
Nanlaki ang mata ni Chernin nang pagbuksan si Ran ng pinto. May dala pa itong paperbags. Ano namang pakana nito? Unti-unti na nga niyang nagugustuhan ang presensya nito. Ang sweet sweet kasi nito sa kaniya. Kung sabagay, bakit siya magrereklamo? Dapat nga ay matuwa siya. Isa pa, he’s doing his responsibility as her fiancé.
“What brought you here?”
“Huwag mo ng subukang magsungit dahil hindi bagay sa’yo. Hindi mo ba ako papapasukin?” He smirked.
Damn that smile! Nagpapa-cute ba ang lalaking ito? “Come in.” iniluwang niya ang pagkakabukas ng pinto.
Nang maisara ang pinto ay sumunod siya rito na dumiretso sa kusina. “Hey, anong gagawin mo? Kanina tinatanong kita bakit ka narito tapos ngayon, anong pakana naman ‘yan?” pagsusungit niya. Ganoon talaga siya kapag pagod at antok.
“Masama bang puntahan ko ang fiancé ko? And here, may dala akong mango bravo cake.” Anito saka inilabas ang isang box na nasa loob ng paperbag na dala nito. “At may dala akong canned beers.”
“Para saan naman iyan?”
“Let us bond together. Hindi pa tayo masyadong nakakapag-kuwentuhan about each other. Karapatan naman siguro natin na malaman ang lahat tungkol sa isa’t isa right?” seryosong wika nito habang inaayos ang dala.
“So you mean, bonding with that beer?”
“Yeah, don’t worry light lang ito. Hindi ka malalasing nito. We will eat this cake while drinking beer. Masarap iyon.” Nakangiting saad nito.
Sa tingin niya, maganda ngang ideya ang magkaroon sila ng bonding. She’s starting to like his attitude. Nakakatuwa ito. So much effort for her really squeeze her heart. “Okay. let me help you. Sa living room na lang tayo.” Yaya niya.
“Sure. At oo nga pala, I’ll sleep here again. Tumawag na ako kay Tita at nagpaalam. Mukhang natuwa pa nga. Nagdala na rin ako ng extra kong damit.” Natatawang saad nito habang dala-dala ang cake at platito sa living room.
“Dito ka ulit tutulog? Hey, mister napapasarap ka yata?” Oo nga’t fiancé niya ito pero hindi pa rin tamang nagkakasama agad silang matulog sa iisang bubong.
“Nah. Mapupuyat tayo ngayon for sure. Don’t worry, wala naman akong gagawing masama sa’yo. Isa pa, hindi naman tayo magtatabi sa kama. I can sleep here in living room. Trust me okay?” Anito.
“Fine.” Umupo siya sa tabi nito sa couch. Hinablot nito ang remote control saka pinatay ang TV.
