Eight

12.3K 290 7
                                        

NAGISING si Chernin nang marinig ang mahinang tinig ni Ran habang tinatapik siya sa balikat. 

Hindi na niya namalayang nakatulog na siya sa couch ng maka-uwi siya kanina galing mall. 

"Ran."

"Masyadong mahimbing ang tulog mo. Kanina pa kita ginigising." Seryosong wika nito. 

Hindi siya nagdalawang isip na yakapin ito ng makabagon siya. "I missed you."

Binalewala niya ang hindi nito pagtugon sa yakap niya. Sinarili na lamang niya ang kakaibang kirot na nararamdaman niya sa puso niya. Wala naman siyang maisusumbat rito, hindi naman nito sinabing mahal siya nito. Sinabi lang nito na gusto siya nito. Everyone can say it. 

Pilit niyang pinigilang tumulo ang luha niya. "Oh, I forgot! Kailangan ko ng maghanda para sa party. Stay here. Magbibihis lang ako. Wait for me. You can eat whatever you want. Kumuha ka na lang sa fridge. May pizza pa ro'n." Dire-diretso niyang saad saka tumakbo papauntang kwarto. 

Hindi na niya kailangan pang hintayin ang sagot ni Ran. Nararamdaman niyang once na magsalita ito, tutulo ang luha niya. Hindi kasi mawala sa isip niya ang nakita niyang eksena sa mall kanina. 

Mabilis siyang kumilos at nag-ayos ng sarili. Nang matapos ay lumabas din siya ng kwarto. Naabutan niya si Ran na abala sa pagpindot sa cellphone nito. 

Ka-text ba nito iyong babaeng kasama nito sa mall kanina? How lucky she is. Nalipat na rito ang atensyon ni Ran. 

"I'm ready!" Pilit niyang pina-sigla ang boses niya. 

Her black halter dress is perfectly fitted on her body. She match it with a pair of black stilettos and her black fancy pouch. She put some light make up and curled her hair. 

"Oh, okay. Let's go?" Yaya nito.

Wala man lang bang, your beautiful? O kaya, your outfit fits on you? Gano'n lang.

Nakakapanibago talaga. She secretly sighed when she seat on his car. Ibang-iba si Ran. At alam niyang dahil iyon sa babaeng kasama nito kanina. 

She is really hurt. 

-

"CHERNIN! Glad you came." 

She smiled at Eris. Maganda ito sa suot na red halter dress. "Natural lang na pumunta ko. Matatanggihan ba kita?" 

"Oo na. And oh! Ran buti nakapunta ka?" Ani Eris kay Ran na nasa tabi niya.

"Ikaw ha? Huwag mong pinag-aalala si Chernin."

Dinilatan ni Chernin ng mata si Eris. "A-Ah, si Tita nga pala?"

Popular Girls : CherninTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon