Ten

13.6K 303 24
                                        


"IS THERE SOMETHING bothering you Chernin? Hindi ka mapakali. Para kang nawawala sa sarili."

Umupo si Chernin bago sagutin ang tanong na iyon ni Eris.

"Nothing."

Naroon sila sa Pink Paradise kung saan napagpasyahan muna nilang magpakasaya sa covered pool na para sa kanilang magkakaibigan.

"I know you Chernin. I know there is."

She heaved a sighed. Kaibigan niya ito at wala silang inililihim sa isa't isa. Siguro'y dapat niya iyong sabihin.

"Kasi.."

"Is it about Coleen? Ran's first love?" Singit ni Freida na kaaahon lamang sa pool.

Tumango siya.

"See, I know right. Ano pa bang ikinakabahala mo? Nasa iyo na si Ran."

"Pero kung makatingin ang Coleen na iyon kay Ran no'ng party, ang lagkit-lagkit." Saad ni Eris na kaaahon lang din mula sa pool.

"Tama! Mukhang may gusto pa siya kay Ran. And one more thing, hindi ko akalaing pumatol si Ran sa ganoong klaseng babae. She's like a slut for me." Mataray na saad ni Freida na kauupo lamang sa bench.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Shion. Nung time na yun yata ay nwala ito sa mesa, sumaglit yata sa banyo.

"No'ng party kasi ng Mama ni Eris mo, lumapit sa table namin iyong nagpakilalang first love ni Ran. And you know what? Ininsulto niya si Chernin at sa halip na magalit si Ran, kinampihan niya pa iyong girl at saka sila umalis sa mesa ng walang sabi-sabi. Run-away ang peg! Kainis!" Inis na inis na wika ni Freida saka uminom ng juice.

"Bakit naman iyon ginawa ni Ran? Hindi ba siya nag-explain sa'yo Chernin?" Tanong ni Shion.

"Iyon nga ang problem ko. No'ng umalis ako sa table, napainom ako at nalasing. Mabuti na lang at nakita ako ni Ran at iniuwi sa bahay. Worst is, nasabi ko sa kaniyang mahal ko siya."

"What? You love him?" Gulat na sigaw ni Eris.

Tumango siya. "Yeah. Hindi ko maiwasan dahil.. ang sweet sweet niya sa'kin and he even made an effort for me."

"Oh my! But I was curious, bakit ka naman nagpakalasing no'ng party? Dahil sa ginawang run-away nina Ran?" Tanong ni Freida.

"No. I saw them kissing." Walang emosyong saad niya.

"What?" Sabay na sigaw ng dalawa nyang kaibigan.

"Nakita ko sila kaya nasaktan ako. Hindi ko siya kayang sumbatan dahil wala naman kaming relasyon."

"Pero fiancé ka niya. May karapatan ka Chernin." Wika ni Eris.

"No. I don't have. Arranged marriage lang ang namamagitan sa'min."

Eris heaved a sighed as she looked at her. "Alam mo Chernin, huwag kang masyadong panghinaan ng loob. Dapat matuto kang ipaglaban kung ano ang sa'yo. Ran is yours."

"First love siya ni Ran. Anong laban ko? Malay ko ba kung nagkabalikan na ba sila."

"May nabanggit ba si Ran?"

"Wala. Honestly, ang sweet pa niya sa'kin kahapon. Nag-stay pa siya sa condo ko ng matagal and I can't remember how many times he kissed me."

Nakaririnding irit ang pinakawalan ng mga kaibigan niya. "You two kissed? At madaming beses pa?"

Tumango siya bilang tugon. Para tuloy siyang nahihiya sa mga kaibigan niya.

"Iyon naman pala Chernin! So it means gusto ka rin niya at wala silang relasyon pa ng Coleen na iyon."

Popular Girls : CherninTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon