Isinandal ni Ran si Chernin sa dingding habang hawak pa rin sa mga balikat niya.
"Nasasaktan na'ko talaga Ran." Reklamo ni Chernin habang tumutulo ang mga luha niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nagkakaganoon ito.
"Huwag ka ng magkaila Chernin. Gusto mo ba ang lalaking iyon?" Sigaw nito.
"Ran lasing ka lang. Please calm down. Bukas na lang tayo mag-usap."
"Nakainom lang ako. At ikaw ang nag-insist na mag-usap tayo ngayon."
"Nasasaktan ako Ran."
Sa halip na pakinggan nito ang sinasabi niya ay lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa magkabilang balikat niya.
"Ran.."
"Bakit ba pinagtatanggol mo ang lalaking iyon? Hindi ba ako naging mabuting fiance sa'yo Chernin? I'm doing all my best para maging maayos ang samahan natin. I'm doing my best para mas makilala natin ang isa't isa. Alam kong against ka sa arranged marriage natin pero hindi naman tamang ganituhin mo ako."
Wait. Umiiyak ba ito?
"Ran.."
"Can't you see Chernin? I'm jealous! Noong una, akala ko kailangan lang kitang alagaan dahil ipinagkatiwala ka sa'kin ng pamilya mo. At responsibilidad kong alagaan ka dahil fiance mo ako but seeing you happy with other guy? Masakit. Hindi lang dahil sa ego ko, it was because I'm jealous. I'm really jealous Chernin. And that's because I like you. I like you so much." Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.
Tumungo ito sa balikat niya. Pilit niyang ina-absorb ang mga sinabi nito. He's jealous. Ayaw nitong makita siyang may kasamang ibang lalaki? He already like her? Tila nabura ang lahat ng pagkainis na nararamdaman niya kanina. Nabura iyong lahat dahil lamang sa sinabi nito. He likes her. He really likes her. At nagseselos ito kaya ito galit na galit kanina.
Ilang beses na ring sinabi ng ilan niyang kaibigan na nagseselos lang si Ran kaya ito ganoon pero wala sa bokabularyo niya ang maniwala sa mga ito. But hearing those words from Ran? It means a lot to her. Ikinatuwa niya iyon. Hindi niya inisip na gusto siya nito. What she know is, he's only doing his respoinsibility as her fiance.
Yumakap siya kay Ran. "So,'yon ba ang ikinakagalit mo? Dahil nagseselos ka?" Aniya sa paggitan ng paghikbi.
Tumunghay ito at kumalas sa yakap niya. "Isn't that obvious?"
"Hindi ko naman kasi akalain na gusto mo na ako. You know, bago lang tayo at arranged marriage lang tayo.."
Napatigil siya sa pagsasalita ng ilapat nito ang daliri nito sa labi nito. "Stop it okay? Now you know. I like you okay? That Trystan, I don't want him to get near you again."
She smiled. "Okay."
"Your smiling."
![](https://img.wattpad.com/cover/18382586-288-k871348.jpg)