Nine

17.3K 437 100
                                        

KUSANG tumulo ang luha ni Chernin ng makita sina Ran at Coleen na magka-halikan. 

Kanina'y hindi na niya kinaya ang pagpe-pretend na ayos lamang siya kaya naisipan niyang magpahangin sandali. Hindi lang niya namalayan na dinala siya ng mga paa niya palabas ng mansiyon. 

Wala pang ilang segundong nakatingin kina Ran ay hindi na siya nagdalawang-isip pang magtagal. Umalis siya roon at pilit kinalma ang sarili. 

Fiance siya ni Ran. May karapatan ba siyang magalit rito dahil nambababae ito? 

She cried as if there's no tomorrow. Nasasaktan siyang makita si Ran sa piling ng ibang babae. She's his first love, there's a possibility that he still loves her kaya hindi nito ito matanggihan. 

Pinunasan niya ang mga luha niya saka dumiretso sa bar counter sa may pool area. 

"Iyong pinaka-matapang na alak ang ibigay mo sa'kin," aniya sa bartender nang makaupo siya sa stool. 

"Here ma'am."

Agad niyang tinungga ang alak sa kopita. "Puwede bang ibigay mo na sa'kin ang isang bote na iyan?"

Agad namang tumalima ang bartender. She can drink whatever she wants. Who cares any way? Isa pa, mas gusto niyang malasing para saglit na malimutan ang sakit. Iyon lang naman ang sagot ro'n. 

Sabi nga nila, alak ang laging sagot 'pag nasasaktan tayo dahil nasanay tayong alcohol ang ginagamit 'pag nasusugatan tayo. 

She was agree about that. Masama man ang alak sa katawan, mabuti naman ito sa damdamin ng isang tao. It can ease her pain kahit panandalian lang. 

Nakakailang lagok na siya ng alak nang maramdaman ang pagkahilo. Hindi pa naman siya gano'n kalakas uminom ng hard na alak. 

"Hi miss, alone?"

Tumingin siya sa gawi ng lalaking kumakausap sa kaniya. Napansin niyang guwapo ito at mukhang galing rin sa mataas na antas ng pamilya. Sa halip na sumagot ay hindi na lamang niya ito pinansin at itinuon na lamang ang pansin sa alak. 

Maya-maya pa ay ikinagulat niya ng may umakbay sa kaniya. At ng tingnan niya iyon ay hindi niya inaasahan na ang makikita niya ay ang dahilan ng pag-iinom niya. 

"Kanina pa kita hinahanap. Narito ka lang pala. Chernin, let's go. Lasing ka na."

Pumalag siya. "No. Hayaan mo lang ako."

"Chernin please, let's go home."

Hindi siya sigurado kung may pag-aalala ba talaga sa tono ng pananalita nito. Pero ka-kikita pa lamang niya rito na may kahalikan? Bakit pa siya hinanap nito? Oh, she knew, konsensya nito.

"No. Sige na, leave me alone." Pagmamatigas niya. 

Popular Girls : CherninTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon