Three

14.9K 343 5
                                    

NANG marating ang building ng condo unit ni Chernin ay binuhat ito ni Ran pababa ng kotse. 

Nahirapan pa nga siyang pindutin ang passcode ng pinto nito dahil buhat-buhat niya ito. Hindi naman niya maaaring ilapag na lamang ito sa sahig. Sa wakas ay nabuksan niya ang pinto. Tulog na tulog na talaga si Chernin.

Dumiretso siya sa kwarto saka ito inihiga sa kama nito. Naupo siya sa tabi ng kama saka ito pinagmasdan. Swerte ba siya dahil ito ang naging fiancé niya? May nakakapa siya sa dibdib niya na natutuwa dahil ito ang fiancé niya, may part naman sa isip niya sa laging pinapaalala na huwag hayaan ang sariling ma-in-love rito. His mind always remind him what Coleen did to him three years ago. Fame over love. Sa kaniya man, it’s money over love.

Inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto ni Chernin. There’s a color motif. Halos lahat ng naroon sa kwartong iyon ay kulay pink at black. It’s a good combination. Babaeng-babae. Wala siyang ideya kung anong klaseng trabaho mayroon ito. Hindi pa niya iyon naitatanong rito. At ngayon lamang niya nalaman na may sarili itong condo. Ang akala niya kasi ay sa mansiyon ng mga Serrano ito tumitigil dahil nag-iisang anak ito. Hindi pala.

He looks at the picture frame na nakapatong sa bed side table. Picture iyon ni Chernin kasama ang dalawa nitong kaibigan na nakilala niya kanina sa bar. They looked so happy, kakaiba ang ngiti sa mga labi ni Chernin sa litratong iyon.

Bakit ba kakaiba ang dating sa kaniya ng mga ngiti nito? He really don’t know.

Napatingin siya kay Chernin ng marinig ang pag-ungol nito. “R-Ran..”

“Chernin?”

“R-Ran..”

Lumuhod siya sa sahig upang mas makalapit sa mukha nito. Hinaplos niya ang mga pisngi nitong namumula na dahil sa kalasingan. “Do you need anything?”

“R-Ran..” she sob.

Teka? Umiiyak ba ito? Pero bakit siya ang tinatawag nito? Anong ginawa niya?

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumama sa mukha nito. “Chernin, what’s wrong?”

Nagmulat ito ng mata. Tama siya, she’s crying and damn! Parang natutunaw ang puso niya. Pupungay-pungay pa ang mata nito habang nakatingin sa kaniya. “B-Bakit parang ayos lang sa’yo na.. na maipagkasundo sa taong hindi mo naman lubos na kilala? B-Bakit parang balewala sa’yo na kontrolin ng pamilya mo ang buhay mo? B-Bakit parang hindi ka apektado? B-bakit..”

Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang muli na naman itong makatulog. She slept with tears in her eyes. Pinunasan niya iyon gamit ang daliri. Iyon ba ang ikinakasama ng loob nito? Against ba ito sa arranged marriage? Siguro para rito, mas gusto nitong siya ang masusunod sa sarili niyang buhay. Apektado rin naman siya but he have reasons. Kapalit niyon ang inaasam niyang posisyon sa kompanya nila. Hindi na mahalaga sa kaniya ngayon ang pag-ibig. He doesn’t care about love. Ang mahalaga sa kaniya, ang magawa ang gusto ng Papa niya.

Popular Girls : CherninTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon