***
Dinig na dinig lahat ni Red ang mga salitang pinakawalan ng kaniyang ina, habang nakasilip s'ya sa pinto ng walang naka pansin.
Nanaig ang katahimikan sa pagitan ng dalawa.
Hindi kase alam ni Andrew ang isasagot sa matanda, at ayaw naman niyang sabihin ang katotohanang may dahilan ang pagtakbo ng kaibigan sa kasal nito. Maya-maya nagpaalam na lamang ang bakla dahil wala naman na itong masasabi pa.
"NASAAN ka?! Nakauwi ka na ba galing kila Red? Anong sabi ng Nanay n'ya? Si Red kamusta siya? Nakita mo ba s'ya? Nakausap mo ba s'ya? Okay lang ba s'ya Andrew?" sunod-sunod niyang tanong ng sagutin ni Andrew ang tawag niya habang siya naman ay nasa sariling kuwarto dahil doon siya tumuloy ng mang galing siya sa bahay nito.
"Isa-isa lang ang tanong puwede? Isa lang ang sasagutin ko at sasabihin ko Izabel. Walang taong okay sa taong iniwan sa gitna ng ere." natahimik siya sa sinagot ng kaibigan.
"Kamusta ka naman? Anong sinabi ni Tito saiyo?" balik tanong naman nito kaniya.
"Niyakap ko siya, tapos nag sorry ako, 'yon lang tumalikod na 'ko."
"Mabait na bata! Eh, about kay Red anong sabi niya?"
"Hindi na ako naglabas ng topic about sa nangyare, alam 'kong hahaba lang."
"Oo! Dahil sabi ni aling Maria, hinding-hindi muna daw makikita ang anak niya!" napakurap kurap siya ng marinig 'yon. Namumuo na naman ang luha niya sa dalawang mata ng marinig niya ang balitang dala ng kaibigan.
"Alam ko naman na magagalit sila at kung sa akin din mangyare 'yon syempre magagalit rin ako. Oo nga pala nakita mo ba si Red? Nakausap mo ba s'ya?"
"Hindi! Parang nag kukulong sa kuwarto." sa narinig daig pa niya ang sinuntok sa mukha ng marinig ang isinagot ng kaibigan at nakaramdam siya ng awa sa binata.
"Parang nawawalan na ako ng gana sa pag aaral Andrew. Gusto 'kong pumunta ng States or kahit saan." malamlam na anas niya.
"Beshy 'di ba naandoon si Jeo?"
"So?" mabilis na tanong ko 'nong marinig ko pangalan ng binata.
Si Jeo ay matagal ko ng manliligaw. Pero hindi ko magawang matutunang mahalin dahil si Red ang mahal ko at wala sa ugali ni Jeo ang nakita ko kay Red. Ito ang gusto ng Daddy ko para sa akin. Dahil close friends ni Daddy ang parents nito at minsan naging kasosyo na din ni Daddy sa business ang mga magulang nito. Hindi rin nagtagal, nalugi ito at nagsarado dahilan hindi pumatatok ang binuksan na factory.
"Bakit hindi muna lang kay fafa Jeo ibaling 'yung pagmamahal mo."
"Alam muna man na ayoko sa kaniya. 'di ba?"
"Pero Beshy.Macho at gwapo naman s'ya at wala ka pang magiging problema.." may halong kilig ang boses nito sa pagkasabi.
"Si Red pa rin Andrew. Mahal na mahal ko si Red, dahil totoong tao siya higit sa lahat mabait. At kahit ganoon siya okay lang sa 'kin, pero kasalanan ko pa rin ang lahat. Sana mapatawad pa rin niya ako balang araw." awtomatikong napayuko siya nag iinit na naman ang dalawang talukap ng kaniyang mga mata.
"Tsye!! Kaylan pa?! Iniwan mo nga sa ere, tapos aasa ka?! Mangarap ka!"
"Alam ko na darating 'yung araw na iyon Andrew, hindi man ngayon."
"But soon.. Ganern? Kaloka! Kung ako ang lalaki malabo akong patawarin ka dahil hindi ganoon kadali yung bakas na ginawa mo. Oh, sya.. Sige na may lakad pa 'ko. Mamaya tatawagan uli kita, baboo. Huwag ng umiyak ah." sabay off nito ng telepono sa akin.
Umayos siya ng pagkaka upo. Tumingin sa labas ng bintana. "Darating ang araw na iyon Red, oras na mangyare 'yon sana mapatawad mo pa rin ako.." bulong ko sa saril.
***
"TUBY! Tuby! Tuby! Anak!" malakas na hiyaw ng nanay ni Red sa kaniya habang nasa labas ito ng bahay, nagkukumahog itong pumasok ng kuwarto niya.
"Bakit po." matamlay 'kong sagot sa aking ina habang humahangos ito ng takbo papalapit sa akin at maluwang ang pagkakangiti.
"Anak darating daw ang Tatay- tatayan mo galing States, excited ako anak! Igayak mo ang sarili mo dahil huli niyang sambit ng tumawag siya sa atin, isasama kana daw niya sa States, doon kana mag aaral anak matutulungan na niya tayo para makatapos ka. Hindi ba 'yon naman ang gusto mo anak?" masayang anas ng nanay ni Red sa kaniya.
BINABASA MO ANG
UNDENIABLE LOVE
Художественная прозаSynopsis: Tinakasan ni Izabel ang sariling kasal nang dahil sa kagustuhan ng kaniyang ama. Na naging dahilan ng biglaang paglayo ni Red, ang lalaking sana ay pakakasalan niya. And when he comes back, hindi na ito ang dating Red na nakilala niya. Da...