Pahina 1..
AFTER TEN YEARS
"Yeheey! Izabel!” masiglang sambit ni Andrew sa pangalan niya, “‘Di ba nga ang sabi ko sa'yo makakapasok tayo sa trabaho na ‘to? Heto na nga Beshy flight attendant na tayo! I hope na magkasama pa rin tayo!" bakas na bakas sa mukha ng bakla ang kaligayahan.
Maging siya ay 'di maka paniwala dahil natanggap sila bilang isang Flight Attendant sa isang sikat na Pilot State Airplane. Noon pa man ‘yon na ang kaniyang pangarap nahadlangan lang ng kaniyang ama.
"Oh, ano pa ang hinihintay Beshy? Ih, celebrate na natin ‘yan! Matagal na nating pangarap ‘to ‘di ba? And now.. This is it!! Kaya, taya ka ngayon bakla, ilibre mo 'ko ng hamburger! Okay na ‘yon sa’kin." naka ngisi niyang turan dito habang naka upo sila sa sala.
"Sige, pero puwedeng boys na lang ‘yung para sa ‘kin Beshy?” maarteng request nito sa dalaga.
"Ang landi mo! Hamburger lang ang usapan, bakit na punta tayo sa lalaki?" natatawang sagot niya dito.
"Izabel matagal na, pero kung ilalakad mo ako kay fafa Jeo, aba!! Kahit sampung hamburger pa ang hilingin mo, okay lang!" kinikilig pa nitong sambit at napapahawi pa ang kamay sa sariling tenga.
"Sayong-sayo na bakla! Alam mo nam—"
"Si Red pa rin ‘yang nasa puso mo?" dugtong nito sa sasabihin niya. Saka lumabi ito sa kaniya, napatingin siya sa kaibigan.
Ilang segundo bago s’ya sumagot dito, "Change the topic nga tayo, Andrew! Ayoko maging malungkot! ‘Di ba nga ti-treat mo ako ngayon? Then lets go?! Baka kung saan mapunta ‘yung usapan natin." pag iiwas niya.
Tumayo siya sa kinauupuan. Ayaw niyang simulan pag usapan ang dating nobyo.Matagal ng nangyari ‘yon. At ganoon narin siya katagal na umaasang magkikita parin sila nito kahit alam niyang malabong mangyari.
Sa sampung taong nakalipas marami na ang nangyare, naka tapos na 'ko ng kursong BS Engineering labag man sa kalooban ko dahil 'yon ang kagustuhan ni Daddy at pitong taon naring wala ito sa piling namin ni Mama.. Kami na lang ni Mama ang magkasama sa isang malaking bahay na iniwan sa amin, tuluyan ng narimata ang isang bahay namin na nakasangla noon at ang ibang paupahan namin naibenta na rin. Ang naging reason lalong tumindi ang sakit ni Daddy na halos araw-araw itong inaatake ng sakit. Nagka konplikasyon ito at hanggang sa hindi na nakayanan sumuko na rin ito. Masakit man tanggapin, wala kaming nagawa ni Mama kung hindi tanggapin iyon. Hindi ako nagtanim ng galit kay Daddy kung bakit nagka ganoon ang buhay namin ngayon? At hindi rin ako nagtanim ng galit sa kanila dahil sa nangyare about sa amin ni Red. Sa mga nakalipas na taon, hindi ko pa rin maiwasang maalala ang binata, sa bawat ala-ala, sikretong tumutulo ang luha ko sa dalawa ‘kong mata, at hindi ‘din ga’non kadali makalimot na kahit hanggang ngayon ito pa rin ang nilalaman ng puso ko. Naghinihintay na sana magtagpo ang aming landas. Kahit alam ‘kong malabong mangyare.
Mabilis ang pangyayare, umusad ang lahat, ganoon din ang biglang pag gising ko pati pag mumukha ni Red ay di’ ko na nasilayan. Bigla itong naging isang bula na naglaho. Hindi ko alam kung ano naba ang balita dito kung nasaan na ba ito? Sobrang lungkot ko, sa tingin at tanaw ko na lamang Sana siya makikita pero ngayon ni anino malabong masilayan ko pa. Nahihirapan man tinuon ko na lang sa pag aaral ang lungkot para makalimot kahit ang sarili ko'y gusto na rin sumuko.
Hanggang sa sumapit ang limang taon, wala pa rin akong balita kay Red, sinusubukan ‘kong makibalita pero wala parin! Wala akong impormasyong masagap mula dito dahil ang mga magulang nito ay tila nawala na rin. Hindi ako sumuko na baka sa mabilis nitong paglaho, ganoon din kabilis ang pagsulpot nito na baka sakali makita pa ito.

BINABASA MO ANG
UNDENIABLE LOVE
Ficción GeneralSynopsis: Tinakasan ni Izabel ang sariling kasal nang dahil sa kagustuhan ng kaniyang ama. Na naging dahilan ng biglaang paglayo ni Red, ang lalaking sana ay pakakasalan niya. And when he comes back, hindi na ito ang dating Red na nakilala niya. Da...