PROLOGUE

5.6K 134 4
                                    

Prologue..

ITO ANG ARAW na pinakahihintay ni Red. Ang maitali sa kaniya ang  babaeng pinakamamahal niya.

Maligaya ang binata sa araw na 'yon dahilan ilang oras na lamang magiging asawa na nito ang nobyang pinaka aasam. Ipinagmamalaking ganoon man ang pangangatawan na halos hindi mailakad sa kalakihan ngunit hindi nito iyon ikinahihiya, bagkus bilib pa ito sa sarili dahil may nagmamahal at may tanggap sa kaniya.

Pasipol-sipol si Red sa mga oras 'yon na nakaharap sa salamin. Maiging iniikot niya ang barong na may kuhelyo na suot para higpitan. Kung bibilangin, naka ilan na yata siya ng hawi ng buhok para kung sa ga'non sa tingin nang mapangangasawa niya ay maayos ang tindig at itsura niya.


NGUNIT KABALIGTARAN naman sa kaligayahan ni Red ang nararamdaman ni Izabel.

Malungkot na nakatingin ang dalaga sa harapan ng salamin, habang titig na titig ito sa sarili na tila binabasa ang itsura. Hindi maitatangging bakas sa mukha niya ang kalungkutan isama pa ang mga mata niyang halata din na kagagaling lamang sa pag-iyak dahil sa pamumugto. Balak na sana niyang mag make-up ng mukha ngunit natigilan siya ng masilayan ang itsura.

Napa buga siya ng hininga.

Pakiramdam niya lutang siya sa alapaap, hindi kase niya nagawang makatulog ng maayos dahilan sa matinding pag iisip at pag iyak.
Dapat nga sa mga oras na 'yon, siya dapat ang babaeng pinaka masaya dahil ikakasal na siya sa kaniyang pinakamamahal.

Pero kabaligtaran ang lahat, dahil siya ang bride na ikakasal na puno ng lungkot ang pagmumukha, dagdagan pang may kirot na nararamdaman sa dibdib. Pinaka titigan niya ang itsura, habang hawak ang Brass ng Make- up, pero wala siyang ganang magpahid 'non dahil isang Izabel ang nakikita niya doon.

Ilang segundo pa at napagpasyahan na lamang niyang huwag ng mag ayos nang sariling mukha dahilan alam naman niyang kahit hindi siya mag pahid 'non, meron naman siyang natatanging kagandahan at hindi na kailangan 'non.

Biglang sumagi sa isipan niya ang napag usapan nila nang nobyo. Tanging malalapit lang na kaibigan ang inimbitahan nila at malapit lang na kamag anak nito. Samantalang siya, tanging kaibigang bakla at magulang lamang nito ang kaniyang napagsabihan na magiging bisita nila sa kasal. Na sa pagkaka alam nito ay magulang nga niya.

Narinig niya ang ppagdating ng kaibigan. Si Andrew ang matalik niyang kaibigan bakla. Ang kaniyang bestfreind, hindi lang besfreind dahil para na rin niya itong isang kapatid dahil sa lahat ng bagay ito lamang ang napagsasabihan niya.

"Are you ready, Beshy?" maarteng bungad na tanong nito sa kaniya.
Nagawa na nitong makapasok sa loob ng kuwarto at makalapit sa kinauupuan niya, at dahil may sariling na siyang bahay nagagawa nitong maka labas masok.

"Beshy, huwag ka ng mag inarte keribel ng powers mo 'yan. Lets go?" dugtong pa nito, animo'y kinakausap ang repleksyon niya dahil doon iyon nakatanglaw.
Tanging tango lamang ang isinagot niya dito at isang pilit na ngiti ang pinakawalan.

***

"ABA!! Nanay at itay.. Ako po yata ang pinaka guwapo sa paningin ng aking Sweetcake ngayon! Dahil ako po ang napiling pakakasalan niya." nakangiting may pagyayabang na saad ni Red sa mga magulang.
Lulan sila ng sasakyan na ni rent lang ng binata sa bayan.

Napahaplos pa ang binata sa ilalim ng mukha, na animoy nagpapa-cute sa dalawang matanda na sa loob ng sasakyan.
Masayang ngumiti ang mga magulang ng binata dahil sa tinuran nang anak.
Hindi naman kalayuan ang simbahan kaya mabilis din nilang narating iyon.

Walang sino man ang makaka pantay sa abot ngiti na namumutawi sa labi ng binata, at dahan - dahang naglakad papunta sa loob ng simbahan, kahit na ramdam nito ang paghingal dahil sa kalakihan pero hindi nito iyon alintana. Mas lalong inigihan pa nito ang pag hakbang para marating ang harapan ng loob ng simbahan. Nagawa pa nitong kumaway sa mga taong naka tunghay dito.

UNDENIABLE LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon