Pahina 2..
NAKATAYO sila ni Andrew sa may pintuan ng eroplano habang sinasalubong nila ng ngiti ang mga pumapasok na mga pasahero.
Naka handa narin sila sa bawat magiging tanong ng mga ito kung meron sakali. At ‘di nagtagal may lumapit nga sa kanila.
"Excuse me Ma'am, it is okay can i move in the window?"
"Sorry Ma’am, follow the ticket on your ticket Maam." nakangiti ‘kong sagot sa pasahero.
"Ah, okay’ thank you!"
"Wow! Beshy.. feel na feel ah..” bulong ni Andrew matapos niyang sagutin ang nagtanong na pasahero dahil nasa gilid lamang niya ito.
"Parang hindi naman tayo nag meeting, saka ang ingay mo! Mamaya ka na nga lang magsalita may mga nakatingin na sa ‘tin, ohh." sabay turo ng nguso ko sa ‘di kalayuan na kapwa stewardess. Kanina ko pa ito napapansin na tumitingin sa 'kin, kaya ginantihan ko na lamang ng ngiti.
O, baka kase baguhan lang ako?
Nasa katangkaran din ito tulad ko pero kung sisipatin mas matangkad ito ng kaunti at kung pagmamasdang mabuti para isa itong modelo sa itsura at itsurang may kaya sa buhay. Pero ‘di maitatangging may kasupladahan ang dating dahil sa tindig nito pero itsurang din na hindi pahuhuli pag pagandahan na ang pag uusapan.
Muli may lumapit sa kaniya at nagtanong, mabilis naman niyang sinagot iyon..
"Hello Ma’am, which is it number f27?"
"There Ma’am, just go straight." at iginalaw ko pa ang kanang kamay sa pagturo sa nagtanong sa akin.
"Thank you." wika nito sa kaniya.
"Welcome Ma’am." nakangiti ‘kong sagot.
"Ikaw na Beshy. Bagay na bagay mo talaga ang mga ganitong trabaho." bulong na naman sa kaniya ni Andrew.
"Andrew! Mamaya kana bumulong, okay?” seryoso ‘kong sabi kay Andrew, at akma ko ng ilalagay muli ang kamay ko sa likod ng aking bewang nang biglang may paparating na isang pasahero papasok sa loob, kung kaya’t hindi niya sinasadyang nahampas ito sa baraso.
Kinakabahang mabilis ‘kong hinawakan ang kamay ng babae para humingi ng pasensya at hindi makuhang magalit nito.
"Sorry Ma’am." malamlam na anas ko.
"What are you doing?! Don’t you see who will come inside?!" natigagal siya sa boses nito hindi maitatangging galit ito. Pahablot na binawi nito ang sariling kamay sa palad niya.
"Sorry Ma’am, i really really sorry, i did not intend to beat you Ma’am.” paliwanag ko.
"If you love your job, make it good" asik muli nito. Kasabay ng paghakbang nito papalayo sa akin. Naiwan akong tigagal sa kinatatayuan ko walang masabi kundi napatingin na lang ako sa kaibigan ko na nakatingin sa akin.
“Wala ‘yon, ‘di mo naman sinasadya. Ngiti na.” tumango lang ako sa sinaad ni Andrew. Pero nasa isip pa rin ang nangyare.
"Girl, I saw what had happened, where does the passengers go? Behind you is there you are facing? If you want to stay here at work, you can do it, good.” boses na nanggaling sa kaniyang likuran, sa boses nito tila nagpipigil lamang.
Humarap siya dito para alamin kung sino may -ari ng boses na iyon. Pinagmasdan niya ito, sandali pa at sumagot siya dito. "Hindi ko naman kase siya nakita 'sis." paliwanag niya dito.
"Kase trabaho ‘yung atupagin ninyo ng kasama mo, hindi ‘yung ka bago-bago ninyo puro kayo daldalan." sagot nito.
Madiing napalunok ako.
BINABASA MO ANG
UNDENIABLE LOVE
Ficción GeneralSynopsis: Tinakasan ni Izabel ang sariling kasal nang dahil sa kagustuhan ng kaniyang ama. Na naging dahilan ng biglaang paglayo ni Red, ang lalaking sana ay pakakasalan niya. And when he comes back, hindi na ito ang dating Red na nakilala niya. Da...
