Pahina 3

2.3K 82 4
                                    

Pahina 3..

NAPA KUNOT noo si Elice ng magka sabay na naman nilang nabanggit ang pangalan ng boyfriend ni Moreen.

Bakas sa mukha nito ang pagtataka.
Hindi din niya alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon nila ng kaibigan nang marinig nila ang pangalan ng nobyo ni Moreen.

Maging siya ay nabigla din sa sarili. Alam niyang maraming taong magkaka pareho ng pangalan, ngunit kakaiba ang dating ng pangalan ng banggitin iyon ni Elice.

Natatawang nagtanong ito, dahilan sa naging reaksyon namin ni Andrew. "Anong nangyare sa inyo?"

"W-wala, sige patuloy mo lang 'yung k-kwento mo.." nauutal 'kong sabi dito. Tumango ito at nagpatuloy sa kinukwento. Habang si Andrew naman, nakita 'kong kumakamot sa batok na tila iwas sa pagtingin sa akin.

"Pangalan pa lang 'yan mga Sis. What if pag personal na? Baka himatayin kayo."

Tumayo siya sa kinauupuan at hinagilap ang bote ng mineral water na nakapatong sa table, saka mabilis na iniinom 'yon patalikod sa dalawa. Tila natuyuan yata siya ng laway ng marinig ang pangalan ng dating nobyo. Samantalang si Andrew hindi kumikilos sa pagkakaupo, pero mukhang nakikiramdam kung ano ang susunod niyang magiging reaksyon.

"Andrea???" patanong na saad ni Elice sa bakla.

"Ha?" Kunwaring sagot ng bakla. At iniiwas ang dalawang mata.

"Ano ba kayo? nagkukwentuhan tayo 'di ba about sa boyfreind ni Moreen? Bakit parang nabuhusan yata kayo ng malamig na tubig sa mga reaksyon n'yo? Relax, kahit din ako gan'yan! Ikaw naman ba makakita ng tila Model sa isang underwear photo shoot."

"Ah.. Oo nga pala?!" sagot ni Andrew at tumingin pasimple sa kaniya pero iniiwas pa din niya ang mata.

"Itutuloy ko ba ang kuwento o hindi na? Mukha na kasing nag iinit na kayo kay Redjhel."

"Itutuloy!" mabilis na sagot niya saka humarap sa dalaga. Tuluyan na ngang naging entirisado siya sa kuwentuhan ng dalawa kahit alam niyang malabong ang dating nobyo iyon.

Mataba si Red..

Macho si Redjhel..

Naandito si Red sa pinas, samantalang 'yung Redjhel ay nasa states at isang tinatanyag na piloto.

Ipinilig niya ang ulo. Mali ang namumuo sa utak niya. Mali!

"Hehehe, talaga ba kaseng guwapo?" sagot na tanong naman ni Andrew.

"Oo Andrea!! Tiyak laglag ang panty mo sa Redjel na 'yon pag nakita mo, kaso huwag ka lang papakita kay Moreen na tinitingnan mo o kinakausap mo ang boyfreind niya, tiyak' war abot nyo."

"Try nga natin akitin kung ano ang masasabi niya?" tumatawang anas ni Andrew, pero halata niyang nakikiramdam lang ito.

Sa tagal niyang kaibigan ang bakla alam niya ang kilos nito. "Kakaiba si Moreen, ha!! Kakusapin lang' magagalit na?" Dagdag pa ng bakla.

Patingin-tingin na naman siya sa dalawa pero kanina pa siya nangangating magtanong.

Ilang segundo ang lumipas.

Awtomatikong nagtanong na ang bibig niya. Tila sa oras na 'yon may sarili itong isip at 'di niya magawang ma mapigilan pa.

"Taga saan 'yung Redjel na 'yon Elice?"

Gusto niyang sampalin ang bibig. Hindi niya alam kung bakit naging interesado na talaga siya sa pinag kuwentuhan ng mga ito. Dahil ba sa ka-pangalan nito ang dating nobyo? Malinaw naman sa pagkakarinig niya sa kinuwento ng dalaga. Isa itong macho at kilala ng magaling na piloto sa States. O, umaasa lang talaga siya na balang araw magkikita pa rin sila ng binata kahit alam niyang hindi na mangyayari dahil sampung taon na niyang hindi nakikita at nagpaparamdam sa kabila ng ginawa niya dito. Malabong magpakita pa sa kaniya ito. Labis labis ang suklam nito sa kaniya.

UNDENIABLE LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon