Pahina 27

3K 134 15
                                        

Pahina 27..

Lumipas ang isang lingo ngunit wala parin ngyayareng maganda, dahil hindi parin nagigising si Izabel, nagawa narin niyang hindi pumasok sa trabaho dahil gusto niya, siya ang magbabantay kay Izabel hanggang sa ito'y magising. Halos araw-araw na siyang naandoon, parang duon na yata siya nakatira. Araw-araw din niyang kinakausap ito. At dinadalhan ng mga bulaklak at kinakausap, na saa alam niya naririnig siya ng dating nobya.

Lumipas ang dalwang lingo pero hindi parin ito nagigising.

Naging bagsak ang kaniyang pangangatawan dahil sa iniisip kung kaylan ba magigising ang dalga, muli naalala niya ang sinabi ng doctor.

Hindi daw alam kung kaylan magigising ito. Napa buntung hininga siya habang nakaupo at hawak niya ang palad nito. "Magigising ka Izabel." Aniya na may butil na luha sa mata habang nakatitig dito.

Lumipads ang mga araw, bumilis ang takbo ng oras. Hanggang sa maka isang buwan ito sa ospital. Isang umaga naisip niyang soprisahin ang ina ni Izabel para sa anak. Matagal niyang pinagdesisyunan iyion at ngayon handa na siya. Bahala n kung papayag Ba ang mga magulang nito sa balak niya.

Kinausap niya ang sariling magulang para sa disisyon. At pumayag naman ito sa kagustuhan niya. Sobrang tuwa niya. Hindi matutunbasan ang ligaya na nararamdaman niya kaya agraang pinag alam niya iyon sa magulang.

Kinaumagahan nagpunta sila sa hospital na kasama ang kaniyang magulang. Nang marating ang hospital kaagad niyang tinungo ang nakahigang walang malay parin si Izabel, hindi niya nakkalimutan magdala ng bulaklak sa araw araw  ngunit kakaiba sa dinadala niya araw-arawang dala niya. At cake na para sa dalaga.

"Iho."wika ng magulang ni Izabel ng makapsok sila sa loob ng kuwarto. At tumingin ito sa magulang ni Red. "Come in." nakangiting paanyaya nito sa kanila.

At ng makaupo ang magulang ni Red, lumapit si Red kay Izabel at hinagkan ito sa pisngi. At di nagtagal tumingin sa ina ni Izabel at nagsalita. "Tita, si nanay po at itay.." pakilala niya sa magulang.

Saka ipinagpatuloy ang gustong umpisahan sa magulang ng dalaga "Tita, mahal kopo si Izabel, at alam kong mahal din niya ako, hihingin kopo sana 'yung kaniyang kamay." Diretsyang sabi niya sa ina ni Izabel. Pinaghandaan niya iyon. Inisip na mabuti. Alam niya magigising si Izabel kaya ginawa niya 'yon. Tinitiyak niya iyon.

Napatitig ito sa kaniya. Matagal..  Hanggang sa mangiyak-ngiyak itong tumitig sa kaniya. "Salamat iho, salamat." Sabay tayo nito at yumakap kay Red.

Lumuwag nag kaniyang hininga sa sinaad ng Ina ng dalaga. At bumaling sila kay Izabel na nakahiga. "Anak, hinihingi na ni Red 'yung kamay mo. Gising na Izabel, gising na. Eto nasi Red, kinukuha na 'yung kamay mo sa akin anak." pagakatapos non humagulgol ito ng iyak. At napa tayo sa kinatatayuan ang magulang ni Red at mabilis namang lumapit ang ina ni Red sa ina ni Izabel, at yumakap naman ito sa ina ng binata.

"Balae magigisingng si Izabel." alo ng Ina ni Red sa matanda.

"Patawarin ninyo ako mga balae, dapat noon pa. Hindi Sana umabot sa ganito kung di kami nakialam.. Patawarin nyo kaming mag aswa." Natatawang saad nito at pinunasan ang mata na may luha.

"Matagal na naming pinatawad si Izabel, at kayo. Ang hiling namin ngayon magising si Izabel dahil gusto kong tanungin kung bakit nagpanggap siyang si Ely." nagtaka ang ina ni Izabelsa sinabi ng matanda sa kaniya, at kinuwento naman ito ng Ina ni Red.

Maghapon silang naandoon.

Nagkukwentuhan ang mga magulang niya at ina ni Izabel. Habang hawak niya ang palad ni Izabel at nakatitig parang namalikmata siyang gumalaw ang mga mata nito. Pero tinitigan niya itong mabuti ngunit naramdaman naman niyang pumintig ang isang daliri nito.

UNDENIABLE LOVE Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon