Pahina 4

2.4K 92 10
                                        

Pahina 4..                                                 

"Oh, bakit tulala ka, iniisip mo s'ya?


"ko ba?” sagot niya. Hindi niya namamalayang nagsasalita na pala ang kaibigang bakla.

Napa kislot ang gilid ng labi nito at saka nagtanong, "Naku Izabel.. Sa tagal nating magkaibigan may nagbago ba? Si Red ang nasa isip mo ‘di ba?"

Matagal s'ya bago nakasagot sa tanong nito. Hindi niya maitatanggi iyon, hindi na kase maalis sa isip niya ang dating nobyo simula ng mapag -usapan ang pangalan nito marahil naaalala niya siguro ang mga kahihiyan na ginawa niya dito.

“Beshy nasaan na kaya siya?" ‘di mapigilang ulas ng labi niya.

"Iyan! ‘Yan ang gusto ‘kong marinig mula sa bibig mo Izabel.." saka nagsindi ito ng sigarilyo, humithit ito at bumuga.

"Naisip ko lang 'yong nakaraan namin, napatawad na kaya n'ya 'ko?” malamlam na tanong niya.

"Naku Izabel puwede tumigil kana! Sa states pa ‘yang topic na ‘yan.. Baka napatawad kana 'non sa tagal baka nga may asawa na rin ‘yon! Kaya huwag ka ng mag isip at umasa pa dahil maling mali ang nasa isip mo, okay?"

Paano nga kung sa sampung taon na lumipas ay may asawa na kaya ito?
Napabuntong hininga siyang maitanong iyon sa sarili.

"Ang haba.... Bakit kasi hindi ka magtry mag mahal muli? Dont tell me sa sampung taon walang nagbago at si Red pa rin ang naandyan sa puso mo?" humihit muli ito ng sigarilyo.

"Uuwi na 'ko Beshy kaylangan na natin magpahinga!" pag iiba ko ng usapan.

"Answer my question, gaga!"

"Bukas na lang ‘yung sagot! Pagod ako Andrew sure hinihintay na ako ni Mama." sabay talikod ko.
Hinayaan naman ako nito. Doon ako tumuloy pagka galing sa states at doon narin ako naghapunan, nakasanayan ko na rin kumain ‘don at nang makapag paalam ako, mabilis naman akong nakasakay ng sasakyan.

“M-maammaaa!" hiyaw ko sa labas ng pinto ng marating ko ang aming inuaapahang bahay malakas ‘kong kinatok ‘yon. Napansin ko ng mapalinga ako, bakit may kotse na bago na nakaparada sa gilid ng gate gayong kotse ‘nya lang dati ang naandoon.

"Mama...!" malakas ‘kong hiyaw ulit. At ng hindi pa nabubuksan ang pinto marahan ‘kong sinilip ang bintana..
Nagulat ako ng makita kung sino ang nasa loob ng bahay. Si Jeo, napaismid ako.. At humiyaw muli sa ina na wiling-wili na nakikipag-kwentuhan sa binata.

"Mama!! Please open the door!" doon narinig ako nito sa hiyaw ko sa bintana. At napalingon ang mga ito sa akin.

"Anak kanina ka pa?" nagtatakang pinagbuksan ako ng pinto nito..

Mabilis na napatayo si Jeo sa kina uupuan nito ng makita ako, may dala itong isang bugkos na rosas at isang box na mamahaling syokolate. Hindi pa man siya nakaka pasok ng bahay dalawang kamay na iniabot sa kan’ya ang mga dala nito.

"Salamat, nag abala ka pa."

Nagtatrabaho ‘din ito sa Pilot States na pinagtatrabahuhan namin ni Andrew. Kaya ng malaman nitong sterwardess na ako doon nasiyahan ito at sana iisa lang daw ang sasakyan namin sa iisang trabaho.

"Alam ‘kong pagod ka' kamusta ‘yung trabaho mo?" tanong nito ng makapsok siya sa loob ng bahay. Hindi man lang nito sinagot ang huling niyang tanong.

Parang nakaramdam yata ang kaniyang Mama kaya nagpaalam ito sa kanila. Lumakad ang Mama niya papalayo sa kanila, ramdam naman niyang gustong- gusto ng Mama niya si Jeo noon pa man para sa kaniya. Pero diniretsya niya ito na kaibigan lang ang kaya niyang ibigay para sa binata.

UNDENIABLE LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon