Chapter 3: Announcement

7 1 0
                                    

School

Samantha's POV
Were here at School na kasi kailangan naming pumasok ng maaga for the Camping, may announcement kasi na sasabihin si Ma'am Stella about sa Camping.

"Remember yung sinabi ko kagabi ah."paalala sakin ni Bianca. "Yup! Don't worry naka dikit na yan sa utak ko." Seryosong sabi ko sakaniya. "And last! Pigilan mong mahulog lalo sa qaq* mong Ex!" Talo pa niya yung iniwan, galit na galit siya kay Alexander. "Hmm bess, sabi ko sayo nakatatak na yan sa isip ko. Don't worry I'll do my best para hindi ako mafall lalo sakaniya." I smiled to her. "Sya sya sya! Oo na! Basta promise me sabihin mo lang sakin kung di mo na kaya couz I'm here langgg!" Sabi niya sakin "thank youuuu, and i love you so much!" Sabay niyakap ko siya ng mahigpit. "Your welcome bess and i love you too!" We both smile. Yung para bang totoong saya yung naramdaman namin. Tawagin mo man kaming OA pero kakaiba siya sa mga naging kaibigan ko.

Room

Pag kapasok ko sa Room nakita ko si Alexander sa pinaka likod kausap yung mga kaibigan niya, hindi ko kayang tignan siya ng matagal dahil nasasaktan talaga ako. Gusto ko na mag move on pero di ko kaya dahil nasa iisang room lang kami at mag ka partner pa kami sa Camping!

"Good Morning Class?" Bati samin no Ms. Stella.
"Good morning Ms. Stella!" Pabalik na bati namin sa aming guro.
"So today we don't have a lessons because I'm going to announce about our Camping and your partners." lahat sila tuwang tuwa dahil they hate Science i don't know kung bakit? So ayun nakinig sila ng mabuti kay Ms. Stella. "About our camping, we need to be ready kasi bigla bigla kayong kikilos dahil yung mag babantay sa atin ay mahigpit. Wag nyo ako i disappoint dahil alam kong tamad kayong kumilos!"dag dag pa niya "Grabe ka naman Ma'am hindi naman lahat tamad." Sabi ni Rain "Sorry naman. Btw mag dala kayo ng First aid for emergency." Sabi nito. "And about dun sa Partners nyo kailangan mag kaka tabi kayo, go sit with your partners" Ms. Stella seriously?! Kung pwede lang mag reklamo nagawa ko na!

Tumayo kaming lahat at pumunta sa unahan dahil si Ms. Stella na daw ang mag aayos ng upuan namin by Group.

pag katapos ng Group 1 tinuro niya kaming dalawa ni Alexander sa may bandang Gitna. So ayun nga magkatabi kaming dalawa, medyo naiilang ako at medyo awkward dahil hindi talaga kami nag uusap.

Pagkatapos niyang ayusin yung sitting arrangement namin nag patuloy na ulit siya sa announcement niya.

"Now, dahil ayaw ko ng Botohan may gagawin tayong parang report para sa Camping. And kung sino yung pinaka nagustuhan ko sa bawat grupo yung ang magiging leader ng grupo nyo. For example diba 4 ang grupo na ginawa ko? So yung Group 1 na mag kakapartner mag rereport. For example si Rain and Karl? Nag report sila, and once na nagustuhan ko yung report nila, sila ang magiging leader ng Group 1 okay? Understood?" No way! "So ngayon bibigyan ko kayo ng  1 week para ibigay sakin yung report nyo, So mag usap usap na yung mag kaka partners!" Dagdag pa niya.

Humarap ako sakaniya, Focus Samantha Focus! Para sa Grades! Para sa Grades!

"S-so anong pag uusapan natin?" medyo nauutal ako nung nag tanong ako sakaniya. "May paper ka ba jan?" tanong niya sakin. "Yah." Maikli kong sabi. Kinuha ko yung papel sa bag ko, kinuha ko narin yung ballpen baka mag reklamo pa e. Pilosopo kasi yang lalaking yan eh.

"Powerpoint nalang gawin natin, ayokong mag sulat nakakatamad. Punta ka nalang mamaya tsaka bukas sa bahay, alam mo naman ata kung saan bahay ko diba?" Pagkakatanong niya sakin.
"H-ha? O-oo" ba't ba ako nauutal?
"Okay good. Ikaw na mag bigay ng mga topic." Sabi nito "o-okay, so ang sabi mo sa powerpoint natin gagawin? So kaipalangan natin mag picture---" naputol yung nasabi ko dahil bigla siyang sumingit "What kind of picture? Dalawa bang nag mamahalan? Mag ka holding hands? Nag ki-kiss? Nag yayakapan? So tell me what kind of picture?" Ngumisi siya nung time na sinabi niya iyon, tsk! Alam ko naman ang ibig niyang sabihin! Pinaparinggan niya ako about dun sa picture naming dalawa dati. "Alam mo Alexander yang mga pinag sasabi mo hindi yan related sa Camping natin." Binigyan ko siya ng malaking ngiti. "Picture ng nag tutulungan! Yun ang dapat nating picturan, at ang title ng Report natin is Helping each other is the best!"panimula ko. "Ang Korni." Letse. "Bahala ka sa buhay mo, ikaw na gumawa ng report." Mabilis akong magalit at alam niya yun, alam niya na yung totoong ugali ko. Tatayo na sana ako kaso I'm not expecting sa ginawa niya, pinigilan niya ako. "Oo na, ikaw na wag mo lang ako iwan." Deretso akong napatingin sakaniya, napansin niya ako na para bang gulat na gulat ako sa sinabi niya. "Wag mo akong iwan, di ko kaya yan, ikaw lang inaasahan ko sa mga Report." Paliwanag niya. Bayan! Kala ko ba naman kung ano na. "Na explain ko na sayo, isulat mo nalang sa papel lahat ng importante na sinabi ko at punta nalang ako sa bahay mo mamaya o bukas." Iniwan ko na siya don.

I Still Love Him. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon