Trisha's POV
"Besh, ba't ka late? Wala ka tuloy score niyan ngayon sa quiz natin. Ano bang dahilan, Ha?" Tanong ni Anna, isa sa mga kaibigan ko. Siya ang isa sa mga heartthrob dito sa school. Medyo matalino rin siya. Mayaman.
Andito kami ngayon sa canteen at kumakain. Breaktime na ako nakapasok dahil puyat ako. I really hate Mondays!
"Oo nga. Ikaw pa naman inaasahan ni Mrs. Gina na makakakuha ng mataas na score. Anyare ba?" Tanong ni Tina, isa sa mga kaibigan ko rin, habang kumakain. Si Tina naman ay ang pinaka inosente sa aming lahat. Syempre inosente ako ano.
"Eh paano ba naman kasi, ang traffic-traffic! May nasagasaan daw na kabayo! Nakakainis nga eh. Sa panahon ngayon, may kalesa pa ba?! Like, hello, sa henerasyong ito, di na yun uso noh! Pwede namang mag taxi na lang. Alam mo yung feeling na ganun? Yung nagmamadali ka tapos ang daming mangyayari. Nakakainis na talaga ang mundo! Minsan nga, inisip ko na, magpakamatay na lang kaya ako? But, no. I can't pa. Kasi naman hindi pa ako nakaka-graduate, right? So I'm still here pa, infront of you. I'm still alive. By the way guys, have you done your assignment na?" Napaface-palm na lang ako dahil sa kadal-dalan ni Kate. Parang siya yung tinanong, ano?
"Hoy, kati! Ikaw ba yung tinatanong, huh? Wag kang ano dyan. Ang daldal mo na masyado. Try to zip your mouth din kaya minsan. Para kang si Kris Aquino, ang arte mo magsalita. Ang tinatanong namin, si Trisha hindi ikaw." Panenermon ni Cathy-- ang teacher sa aming lahat.
"Sorry naman guys. I thought you're asking me eh. Haha... hello? Pareho kaya kaming late ni Trisha." Nakangising sabi ni Kate, ang pinaka madaldal, maarte, maganda, mayaman at sosyal sa aming anim.
"Pero siya ang pinaka matalino. Ikaw? Inaasahan ni Mrs Gina? Noway!" Sabi ni Tina sabay irap. 'Medyo' may galit rin yang si Tina kay Kate pero mas madalas makita na nagkakasundo sila.
"Back to Trisha na nga lang tayo. Ang daldal niyo na masyado eh. Ano nga bang dahilan kung bakit ka late?" Tanong niya at bumaling kay Kate na sumubo ng burger para pigilan ang sarili sa pagsagot sa tanong na hindi naman para sa kanya. Ang cute lang!
"Si mama at papa kasi, nag away kagabi. At dahil ate ako, ako ang nagbantay sa dalawa kong kapatid. Hindi ako agad nakatulog kasi hindi rin sila agad tumigil sa pag iyak." Feeling ko maiiyak na ako. "Ewan ko ba sa mga magulang ko. Bakit kailangan nilang pagawayan yung pera? Bakit..." tuluyan nang bumagsak ang aking mga luha sa aking pisngi. Agad ko itong pinunasan.
"Sshhh... tahan na, Trish. We're here naman for you eh. We'll make your problem our problem na rin. We'll help you." Sabi ni Kate. Minsan talaga, iniisip ko, ang wi-weird ng mga kaibigan ko. Minsan mataray, ngayon naman, mabait at mapagmalasakit?
"Oo nga. Whatever your problem is, sabihin mo sa amin para matulungan ka namin. We're always at your back whenever you need us." Sabi naman ni Anna.
"Bestfriend are those people who make your problem their problem. Just so you don't have to go through it alone..." Sabi ni Cathy ba siyang nagpakalma sa aking sarili. Buti na lang andyan sila...
Nosebleed na talaga ako neto, guys! Haha...
Lumingon kaming lahat kay Tina habang nakatingin rin sa akin. Kumurap siya ng ilang beses nang napagtanto niyang siya na lang yung walang sinasabi. Ngumiti siya nang napakalawak bago magsalita, "Alam mo bestfriend, hindi ibinabase sa mga katagang binibitawan natin kung tunay nga tayong nagmamalasakit sa isang tao. Ang dapat nating gawin ay ipadama ito sa taong yun. Meron kasing mga tao na hanggang salita lang. Hindi nila ipinapadama sa tao na tunay silang nagmamahal at may pakialam sa iyo. So ang maibibigay ko lang sayo ay ang aking power hug!" Nagyakapan na lang kaming lima.
"May nagmo-moment nang hindi ako kasama. Ansama!" Rinig kong sabi ng isang pamilyar na babae mula sa likod ko.
"Sofia!"
Niyakap agad namin siya. Nung summer kasi, hindi namin siya nakasama dahil sa Singapore ang tuloy niya kaya sobrang na-miss namin siya. Pagkatapos ng first week ng pasukan, ngayon na siya nakapasok. Busy siguro.
"Na-miss ko kayong lahat!" Sigaw niya. Habang nakayakap pa rin kaming lahat sa kanya. Nang humiwalay na, "So anong ine-emote niyo dyan, Ha? May problema ba yung isa?" Tanong niya.
"Etong si Trisha, may family problem. Kaya eto, tinutulungan namin." Sabi ni Cathy habang hinahagod ang likod ko.
"So hirap nga her problem eh. But I know, it's just easy for her to solve her problem cause we know naman na she is brave enough na to face problems." Maarteng sabi ni Kate. As usual naman eh.
"Go lang, Trish! We're here for you!" Sigaw ni Sofia na hindi man lang inalintana ang mga taong pinagtitinginan na siya. Siya yata ang pinakasikat kong bestfriend?
"Andyan na pala si Sofia, noh?"
"The b*tch is present!"
Dahil sa narinig, napukaw ang atensyon dun ni Sofia sa nagsalita. Si Margie, ang mortal niyang kaaway na papansin sa madla. Pero ang totoo naman, lahat ng tao ay ina-admire si Sofia. Kaya todo na lang ang inggit niya rito. Well, totoo namang b*tch talaga si Sofia pero slight lang. Slight b*tch ang uri niya while Margie, is an envious b*tch!
"Ooooh... the envious b*tch is here na...." bulong ni Kate while ako ay humakbang palayo.
I wanted to support them. I wanted to save them lalo na't ang anak ng teacher namin sa math ang kinakalaban niya. But I am different. I am not like them. Hindi ako war freak like them. Alam naman nilang hindi ko sila kayang ipaglaban. Kaya tahimik na lang ako sa tabi. Okay na ako sa pagiging weak ko. Kulang na nga lang sumali ako sa isang grupong weak sisters at cowards.
Habang nakaupo sa assigned seat ko sa classroom namin, iniisip ko kung ano kaya ang itsura ko kapag hindi ako Nerd? Pag walang salamin at pag may alaga sa balat. Lalo na sa mukha. Yung walang pimples? Ewan. Wala pang nakakapagsabing maganda ako ni isa. As in, wala. Like, zero. Yung mga magulang ko, puro na lang pagsusugal ang inaatupag at hindi ibinabaling ang atensyon sa aming magkakapatid. Kaya ayun, ako na ang tumayong nanay sa kanila. Ewan ko bang problema sa pamilya kong ito, oh. Ang sakit lang kasing isipin na walang nagaalaga sa mga kapatid ko at hindi ko maisip kung anong kalagayan ng mga kapatid ko pag wala ako sa tabi nila. Naaawa talaga ako sa kanila lalo na't public yung school nila at maraming nambu-bully. Scholar lang kasi ako dito sa isa sa pinakasikat na school sa bansa.
Malungkot ang buhay ko nung hindi ko pa nakikilala yung mga bestfriends ko. Sinali nila ako sa grupo nila dahil mabait daw ako. One time kasi, tinulungan ko si Anna nung hindi siya marunong mag-bake sa cooking class namin. Naging tutee ko na rin si Kate, one time. Tinutulungan ko silang mag-review kaya napalapit na din ako sa kanila. Alam naman nilang hindi pera ang habol ko sa kanila. I love them.
Minsan nga, pakiramdam ko, pinagiinitan ako ng mga fans ng grupo ng bestfriends ko dahil kasama ko sila lagi. Pero sabi naman nila, ipagtatanggol nila ako. Feeling ko nga ako na ang pinakaweak na tao sa buong mundo! Kulang na nga lang, kailangan ko ng bodyguard eh!
"Oh, guys, look who's lonely!"
Ooops... nadala ako ng kalungkutan at nakalimutan sina Natalie.
BINABASA MO ANG
Someone To Love
Novela JuvenilKapag nakahanap ka na ng taong sa tingin mo ay para sayo na, hindi mo na ito pakakawalan pa. Kapag humantong ito sa tunay na pagmamahal, gagawin mo na ang lahat para lang maangkin ang kanyang puso kahit na marami kang kaagaw. Love is a sacrifice. Ku...