Joseph's POV
Sometimes I just wanna be alone forever. Sometimes I just wanted to be lost. Sometimes I just feel nothing. Pero may mga taong handang tumulong sa atin. Sa mga pinagdadaanan ko, maraming tumulong sa akin. Magisa lang ako sa buhay. Pero may mga kaibigan rin ako. Bakit ko nga ba sinasabi iyan sa inyo? Haha...
Magisa lang ako sa school dahil hindi naman ako yung tipo ng lalaking mabarkada. Hindi ako ganun.
Magisa akong nags-strum ng gitara sa loob ng music room para makapag-practice. Mahilig talaga ako sa music. Music makes me feel better lalo na kapag magisa ako. Lagi naman.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong kakantahin ko sa darating na sisinging competition at hindi ko pa rin alam kung anong instrumento ang gagamitin ko. Piano ba o gitara? Wala pa rin kasi yung leader ng glee club pati yung music teacher namin kaya wala pang desisyon.
Ako kasi ang napili ng section namin para lumaban sa iba pang section. Sa totoo lang, hindi ako kinakabahan, hindi dahil ako ang mananalo kundi dahil, hindi talaga ako mananalo. Hindi naman ako professional na singer eh. Napag-trip-an lang talaga. Heartthrob raw kasi ako kaya mataas yung percent na mananalo ako. Pero ewan ko lang talaga.
Pinlay (play) ko na lang yung minus one na kantang Stiches ni Shawn Mendez.
I thought that I've been hurt before
But no one's ever left me quiet this sore
Your cut deeper than a knife
Now I need someone to bring me back to lifeTumigil ako sa pagkanta nang dumating na yung iba ko pang mga kasama. Kinuha ko na yung cellphone ko at shinut down. Bawal kasi ang cellphone pag nagpa-practice.
"Nice one, Joseph ah! Galing natin." Sabi ni John, ang guitarist ng banda.
"Hayop!" Masayang sambit ni Aguiluz, ang drumer. "Yaman sa vibrato!"
Tahimik lang ako. Ni hindi ako nagpasalamat.
Kung nagtataka kayo kung bakit ganito ako, ganito talaga ako sa school pero iba naman ang ipinapakita ko kila Kim at manang Joyce.
"Ano bang kakantahin ko?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Sa mga kabandmates ko. Ako kasi yung bokalista nila.
"Ewan. Ang balita ko kasi, babaguhin yung theme ng competition eh. Imbes na banda, duet daw tapos babae at lalaki. Tapos kailangan daw atang magpa-audition ng lahat sa mga section 1 A hanggang C." Sabi ni John.
"Hindi, totoo talaga yun. Sinabi na sa section 1-A kanina eh." Sabi naman ni Aguiluz na talaga section 1-A.
Trisha's POV
"Sasali ka sa audition? Diba gusto mo si Joseph?" Tanong ko kay Tina.
Kakaalis lang nung teacher namin sa music at ibinalita niya sa amin na may audition daw para sa makaka-partner ni Joseph para sa competition. Wala akong balak talaga eh. Bukod sa wala akong talento dun, nahihiya akong makipag-compete.
"Eh kasali na kaming lima sa dance club eh. Sa dance competition kami makakasali next, next month pa. Excited na nga ako eh!" Masayang sabi niya.
"Oo nga eh. Nakakalungkot." Sabi ni Anna. Ngumiti siya ng napakalawak at sinabing, "What if..."
"IKAW NA LANG KAYA?!" Sabay-sabay nilang sabi.
"Excuse me? Ako? Ayaw ko. Wala akong talent nga diba? Alam niyo yan!" Angal ko. At isa pang hindi ko masabi ay, wala akong magandang damit na pwedeng maisuot dun.
"Walang exempted dun maliban lang kung kasali sa ibang club. You have no choice kundi ang sumali." Sabi ni Cathy.
"Go lang, Trish! Kung gusto mo magpa-voice lesson pa ikaw eh! Sagot ko!" Masiglang sabi ni Sofia.
BINABASA MO ANG
Someone To Love
Fiksi RemajaKapag nakahanap ka na ng taong sa tingin mo ay para sayo na, hindi mo na ito pakakawalan pa. Kapag humantong ito sa tunay na pagmamahal, gagawin mo na ang lahat para lang maangkin ang kanyang puso kahit na marami kang kaagaw. Love is a sacrifice. Ku...