-Five-

0 0 0
                                    

Trisha's POV

Hindi ko mabilang kung naka ilang buntong hininga na ako bago makapasok sa school. Eh eto kasing puso ko eh sobrang OA.

Wala namang mawawala kung gagalingan ko eh. Edi go lang! Wala namang mangyayari eh. Huhuhu...

"Ano? G ka na ba?" Tanong ni Anna. Kami pa lang dito sa room dahil masyado pang maaga.

"Ewan ko. Pero go lang!"

"Balita ko, wala raw si Pershel ah. Nag-transfer daw. Kaya ikaw na yan for sure. Kaya galingan mo. Practice nga tayo."

Naka ilang ulit akong kumanta sa harap ni Anna habang parami na ng parami ang mga estudyante na pumapasok sa classroom pero ipinagpapatuloy ko pa rin ang aking pageensayo.

Sabi nila, maganda daw ang boses ko. Sana nga at totoo at ayaw kong mapahiya sa mga taga ibang section na manunuod mamaya.

Hindi ako makapag-focus sa sobrang kaba. Alam kong simpleng audition lang ito para sa iba pero para sa akin, iba eh. Intense! Halos hindi na nga ako makahinga ng maluwag. Naka ilang buntong hininga ako kaya sinaway ako, for the first time.

"Oh besh, pagkatapos nating kumain, diretso na tayo sa gym. Nunuod kami." Sabi ni Tin.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Sofia.

"Hindi. Hindi ako nanginginig dito kanina pa. Hindi naman ako sinaway ng teacher kanina kasi nakailang inhale-exhale ako dito. Hindi naman siya masyadong halata, ano?"

"Kaya mo yan, beshu, we believe na kaya mo yan!" Sabi naman ni Cathy.

"Yah, you can do that." Maarteng sabi ni Kate. Lagi naman eh.

Kumain na lang kaming lahat ng masaya. Masaya nga ba? Hindi yata eh. Silang lima lang yung masaya, ako yung hindi. Huhuhu... anytime gusto ko nang umiyak.

Nang pinatawag na ang lahat sa gym, mukhang maiihi pa yata ako eh. Pero go lang!

Lahat ng taga section 1-A hanggang C ay andito. Medyo kaunti lang pala ang manunuod. Nasa mga one hundred plus ito. Kaunti pa ba iyon?

Una munang inintroduce si Joseph dahil siya muna ang kakanta. Lahat naman ng mga babae ay hindi magkandaugaga sa pagsigaw. At parang kinikilig pa.

"I found a love for me
Darling just dive right in,
Follow my lead
I found a girl, beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me
Cause we were just kids when we fell Inlove
Not knowing what it was
I will not give you up this time~"

At nagpatuloy lang siya sa pagkanta. Mas lalong napanatag ang loob ko na go lang!

"Ayos ba?" Napahawak ako sa dibdib ko nang may nagsalita sa tabi ko sa may kanan. Wala kasing nakaupo dito.

"A-ah.. o-oo naman. Ang galing mong kumanta. Sobra. Iba kasi talaga ang isang Joseph eh."

"Thank you. Tandaan mo yung sinabi ko sayo kahapon ah. Galingan mo!" Sabi nya sabay alis na.

Nagsimula na. Nagsimulang kumanta ang mga taga section one- C. Ang sakit sa tainga dahil puro sintunado. Sunod naman ay ang B. May marunong kumanta pero nakalimutan lang yung ibang lyrics. Section 1- A na. Dalawa lang kami ni Margie ang kakanta. Nung kumanta si Margie, magsitawanan ang lahat except me. Wala namang nakakatawa ah. Kinanta niya lang naman yung bahay kubo? Anong nakakatawa dun? Pero marami pa rin akong narinig na magaling na narinig.

Pumunta ako sa stage at nagpalakpakan ang lahat. Really, guys, anong meron? Inayos ko na muna ang salamin ko at ang uniform.

"Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo
Para hanapin, para hanapin ka
Nilibot ang distrito ng iyong lumbay
Pupulutin, pupulutin ka

Someone To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon