Joseph's POV
Maaga na naman akong nagising dahil monday ngayon. My favorite!
Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ko magustuhan yung monday. Yung iba kasi, ayaw sa monday dahil balik aral daw. HAHA! Wala namang masama dun ah!
"I thought that I've been hurt before
But no one's ever left me quiet this sore
Your words cut deeper than a knife
Now I need someone to bring me back to life..." Pagsabay ko sa kanta. Hindi sa pagmamayabang, may talent rin naman ako pagdating sa bagay na ito. Kasali ako sa glee club sa school namin sa singing.Nang makaligo na ako at makabihis, bumaba na ako para magbreak fast. Sinalubong agad ako ni Kim, little sister ko. "Kuya!" Binuhat ko agad siya.
"Bakit maagang nagising ang baby ko, ha?" Tanong ko habang patuloy pa rin sa paglalakad patungong dining area.
"Eh kasi kuya, maaga ring umalis si mommy eh. Wala tuloy akong kasama kasi aalis ka naman." Malungkot niyang sabi.
"Sige, pag uwi ko, pupunta tayo sa mall, okay?" Suhestyon ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng napakalawak saka niyakap ako.
"Thank you, kuya! Your the best kuya ever!" Sigaw niya tapos ay hinalikan ako sa pisngi.
"Ikaw ah..." kiniliti ko lang siya ng kiniliti hanggang sa makarating ba kami sa hapag.
Sinerve na sa amin ni Manang Joyce ang breakfast. Didiretso na sana siya sa kwarto ni Kim para maglinis nang pigilan ko siya. "Kain ka na rin po. Sumabay ka na po sa amin since wala naman po si mama." Sabi ko.
"Naku, hindi na, ser. Mamaya na lang ho." Sabi niya habang umiiling uling pa.
"Manang Joyce naman. Para ka namang stranger dito sa bahay. At saka wag niyo na po akong tawaging ser at wag na po kayong mag 'po' at 'opo' sa akin, please?" Pagmamakaawa ko. "Sabay ka na po sa amin ni Kim."
"Oo nga po, manang Joyce!" Masayang sabi ng kapatid ko sabay kagat sa hotdog.
"Naku, kayo talagang mga bata kayo, oh. Ang babait ninyo. Sige na nga. Ako'y sasabay na rin." Sabi niya at umupo na at nasimulang kumain.
Si manang Joyce ang tumayong pangalawang nanay sa aming magkapatid simula bata pa lang kami. Sobrang malapit na talaga kami sa kanya. Lahat ng sikreto ko, alam niya. Feeling ko nga, siya yung totoo kong nanay eh. Sa bawat lungkot at saya ko, andyan lang siya para sa akin, sa amin. Magaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya kasi siya naman yung kasama ko palagi. Sina mama kasi, laging busy sa trabaho. Ang papa ko naman ay... may ibang pamilya na.
Hindi ko akalaing ganito ang kahihinatnan ng akala kong masayang pamilya. Dati, ine-expect ko na, kumpleto kami at masaya. Na hanggang sa pagtanda nila ay kasama ko sila. Pero hindi. Lahat nang iyon ay pangarap lamang na hinding hindi na mangyayari.
Bumaba na ako sa kotse at nagmadaling tinungo ang silid kung saan ang aking seksyon.
"At sino ka naman para tigilan namin, ha?! Isa ka lang namang nerd na inagaw ang pwesto ko sa grupo nina Sofia! Ako dapat ang nandoon eh!" Sigaw nung isang babaeng punong-puno ng kolorete ang mukha. Parang siyang isang clown.
"Eh k-kasalanan k-ko bang ak-o ang gu-gusto nila, ha?" Nauutal na sabi nung isang babaeng tinatawag nilang 'nerd'. Lumuluha ito at may pasa sa pisngi. Marahil ay sanhi iyon ng napakalakas na sampal nung isang babae.
"Aba, sumasagot ka na, ah! Eto ang sayo.." akmang sasampalin na sana niya yung babae nang,
"Wag!" pigilan ko ito.
"J-Joseph?!" Gulat na sabi nung apat na babae. Nagulat sila dahil nasa harapan nila ako. Ang nagiisa at napakagwapong nilalang sa balat ng lupa.
"Itigil niyo na nga ang kahibangang ginagawa ninyo! Hindi naman kayo sinasaktan nung tao ah."
"Pero siya yung nanguna. Itinulak niya ako bago ko pa man siya masampal." Sabi nung babaeng puno ng kolorete ang mukha. Dahil hindi ko alam ang pangalan niya, pangalanan na lang natin siyang Magdalena.
"H-Hindi ako! Wala n-naman ak-ong ginawa s-sa kanya eh!" Angal nung babaeng nerd habang umiiyak pa.
"Anong wala! Itinulak mo nga ako dahil sa sobrang kayabangan mo!" Sigaw ni Magdalena.
Hinila ko na lang palabas g ng umiiyak na nerd na babae papunta sa clinic.
Wala sa ugali ko ang tumulong sa mga babae pero ginawa ko lang ito dahil ayaw kong may nakikitang nasasaktan at umiiyak sa harapan ko. Lalo na't babae ito.
"Umupo ka na muna dyan. Ako na ang gagamot sa iyo." Sabi ko dun sa babae na nakaupo na sa upuan. Inabutan ko siya ng panyo ko at ginamit niya na iyon pangsinga. Kadiri!
Lumapit ako sa kanya. Malapit na malapit. Ina-aral ko ang kanyang mukha kung may iba bang espesyal sa kanya na dahilan kung bakit ko siya niligtas. Bakit nga ba? Ay, oo nga pala, dahil ayaw kong may nasasaktan at umiiyak sa aking harapan.
"A-ahm... A-ako na lang y-yung gagamot sa s-sarili ko. Pumasok ka na sa klase mo. Baka ma-late ka pa." Sabi niya sa akin.
"Hindi na. Ako na lang." Sabi ko sa kanya at sinimulang gamutin ang sugat niya sa may labi.
"S-salamat nga pala." Sabi niya sa gitna ng matagal na katahimikan na namuo kanina pa.
"Next time kasi, don't let them hurt you. Matuto kang lumaban ng mag-isa. At eto pa, ipaglaban mo kung ano ang tama at sa palagay mo ang tama. Iba't iba kasi talaga ang uri ng mga tao sa mundo kaya mas mabuting maging handa ka sa mga bagay na mangyayari. Iba't iba ang ugali ng mga tao. Merong taong mababait. Merong mga taong masama. At kung ano ano pa. Merong panay sisi. Katulad nung kanina. People will hurt you and act like you hurt them. May mga taong ganun." Payo ko sa kanya.
"Pero paano ako magiging matapang kung sa labas na anyo ko pa lang ay mukha na kong weak." Malumanay niyang sabi.
"If you want to be strong, learn how to fight... alone." Sabi ko.
Trisha's POV
Nang makita ako nina Natalie, sinampal at inasar na agad nila ako.
Hindi kasi nila natanggap na ako yung kasama ng mga bestfriend ko. Is it a big deal?! Mga tao nga sa mundo.
Ang sakit ng mga ginawa nila sa akin. Sa tingin ko, end of my world na!
Sasampalin na sana ako ni Natalie nang may pumigil dito. Yun isang lalaki.
Dinala niya ako sa clinic at ni-lectur-an.
Lahat ng mga sinabi niya, may natutunan naman ako. Wala kasi akong maintindihan sa kanya eh. Ang lalim ng tagalog niya tapos nagi-english. Ang weird!
"Sino yung tumulong sayo dyan sa sugat mo?" Tanong nila matapos kong maikwento yung nangyari sa classroom.
"Uhm..." Hindi ko naitanong kung anong pangalan niya. Pero bigla na lang pumasok sa isip ko yung sinigaw nila nung nakita nilang nasa pinto yung lalaki. "Joseph ata yun."
"WHAT?!" Sigaw nilang lima.
Since nasa canteen kami, lahat ng tao napatingin sa table namin.
"Bakit? Anong meron ba dun?" Tanong ko. May kilala ba silang hindi ko kilala? Malamang.
"Si Joseph ba mismo? Anong itsura niya?" Tanong ni Sofia.
"Uhm... maputi siya tapos medyo singkit. Kilala niyo si Hu Yi Tian?" Tumango sila. "Parang ganun yung itsura niya. Matangkad, mabait rin pala yun noh?"
"Oh my gosh, talaga! Ang swerte mo, beshu! Tinulungan ka ng isang Joseph?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Tina.
"Bakit naman? Ano bang meron dun sa lalaking yun? Para nga siyang teacher sa character ed. eh. Haha..."
"You don't know him?!" Umiling ako. "Seriously, Trisha?" Umiling ulit ako. "Sikat kaya siya dito sa school! At siya yung vocalist ng sikat na banda dito sa school kaya wow na lang sa hindi nakakaalam kung sino siya!" Nanggigigil na sabi ni Kate.
"Wala naman ako pake sa mga tao eh. Ang mas ikinababahala ko ay yung kung paano ako tatantanan nung grupo nila Natalie." Bumuntong hininga ako. "Paano na lang ako neto? Lagi na lang ba nila akong bubulihin? Masyado kasi akong mahina para lumaban. Wala akong lakas."
"Diba, andito lang naman kami for you? Nandito lang kami sa tuwing kailangan mo kami. Were friends." Sabi ni Cathy.
BINABASA MO ANG
Someone To Love
Ficção AdolescenteKapag nakahanap ka na ng taong sa tingin mo ay para sayo na, hindi mo na ito pakakawalan pa. Kapag humantong ito sa tunay na pagmamahal, gagawin mo na ang lahat para lang maangkin ang kanyang puso kahit na marami kang kaagaw. Love is a sacrifice. Ku...