-Four-

0 0 0
                                    

Joseph's POV

Wala akong magawa sa classroom namin dahil cancel yung mga classes dahil may meeting ang mga teachers para sa darating na event.

Pumunta na lang ako sa music room para kunin ang gitara ko.

"Oh, Joseph, san ka pupunta?" Tanong ni Agui na hawak-hawak yung drum stick niya at tinungo ang kinalalagyan ng kanyang drums.

"Dun lang. Magpapahangin." Simpleng sagot ko. Hindi ko kasi sila malapit na kaibigan talaga.

Nagpaalam na ako at tinungo ang mini park ng school sa pinakadulo ng campus. Walang tao dito kaya mas masarap ang simoy ng hangin lalo na't puro halaman lang ang makikita mo at may kaunting bench na makikita. Umupo ako sa isa sa mga ito.

Kinanta ko yung Walang Iba ng Ezra Band. Paborito ko ito dahil nung bata pa lamang ako ay tinutugtog ito ni papa kay mama para hindi na ito magalit sa kanya. Lagi kasing sinasaktan ni mama si papa eh. Pero hindi naman yung brutal. Lambingan lang. Haha..

Huminto ako sa pagkanta nang maramdamang may nakatitig sa akin kanina pa. May tao pala dito. Lumingon ako para hanapin kung sino yun. Yung nerd na binu-bully lang pala. Hindi ko alam kung anong pangalan niya dahil hindi ko naitanong.

Pinagmasdan ko lang siya. Mukhang malalim ang kaniyang iniisip. Sasali kaya siya sa audition bukas? Paano kaya kung oo? Siguro yun yung nasa isip niya. Ano kayang boses niya? Maganda kaya? Nasagot ang aking katanungan nang kumanta siya. Nakakabasa kaya siya ng isip?

Kinanta niya yung Sundo ni Moira dela Torre. Maganda ang kanyang boses. Aakalain mong si Moira talaga ang nakanta. Siguro ay may igaganda pa iyan kung siya ay tuturuan. It would be my pleasure kung siya yung makakasama ko. Bagay kami. I mean, yung boses namin.

Hindi niya tinapos ang kanta na para bang nagaalinlangan siya. Maganda naman ang kanyang boses. Wala namang masama doon. Siya na yata ang may pinakamagandang boses na babae sa personal na nakilala ko. Kaya walang dapat problemahin doon. Maliban lang sa pagpe-perform sa maraming tao.

Minsan kasi, dahil sa kaba, nawawala ka. Nahuhuli. Mapapahiya ka. Yun yung nasa isip ng mga walang sapat na tiwala sa sarili na mga tao. Pero kung may tiwala ka sa sarili mo at sa Diyos, makakayanan mo.

Pumikit siya at huminga ng malalim ng maraming beses. Pinuntahan ko siya para kausapin at para na rin tanungin kung anong pangalan niya.

"Kasali ka sa audition?" Tanong ko. Nakita ko naman ang gulat sa kanyang mukha.

"A-ako?" Nautal niyang tanong habang tinuturo pa ang sarili. Tumango lang ako. "Oo eh. Nakakahiya ngang kumanta lalo na kapag ikaw yung kasama. Nakakakaba. Pero alam ko namang hindi ako makakasali. Hindi naman maganda yung boses ko eh." Diretsahan niyang tugon.

"Narinig kitang kumanta at maganda iyon. Walang dahilan para maging kabado ka. Kung ako lang ang judge, kukunin talaga kita. Pero si Sr Nikki yun eh pati si Ms Lyn." Sabi ko sa kanya.

"Eh... nakakaano kasi eh. Parang may... ewan ko ba!" Angal niya sabay kamot sa ulo. Ang cute lang. HAHA!

"Galingan mo na lang! Ikaw gusto ko maka-partner ah!" Sabi ko saka ginulo ang buhok niya. Tumawa ako ng kaunti at nagpaalam na sa kanya.

Trisha's POV

Totoo ba?! Hindi ako makapaniwalang sinabi yun si JOSEPH MADRIGAL! Ako, gusto niyang makapartner!

Pero nagda-damaging isip ako kung magandang desisyon ba yung ipanalo yun.

Bahala na nga lang talaga si Darna!

"Nakausap ko ulit si Joseph kanina sa park." Sabi ko sa kanila. Nung umalis si Joseph ay dumiretso na ako sa classroom.

"Oh my G, ansabe?" Kaagad na tanong ni Kate.

Someone To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon