-Six-

0 0 0
                                    

Trisha's POV

"You shouldn't have done that! Alam mo bang ang sakit?" Sabi niya habang hinihimas yung tyan niyang siniko ko.

Naglalakad na kami papunta sa kotse niya. Ihahatid ko lang siya at didiretso na ako sa paglalakad.

"Eh sino ba naman kasing matinong tao ang gagawa nung ganung bagay ang hindi masasaktan, ano? Tell me, nakadrugs ka ba?"

"You're so silly. I just wanted to surprise you." Natatawa niyang sabi.

"Surprise ka dyan!"

"Hey, kaya kita hinabol kasi I want to tell you that you're gonna play piano for the competition."

"Ano?! Ako magp-piano?! Seryoso?!"

"Yeah. Hindi mo ba kaya? Ako na lang ang gagawa nun. Or tuturuan naman kita eh. Alam mo bang expert ako dun?"

"Ang yabang mo pala ano? Alam mo bang nung unang kita ko palang sayo.."

"Tumibok na agad yang puso mo dahil sa gwapo kong mukha? Suus... very usual na ng mga lines na ganyan." Hinampas ko agad siya sa braso.

"Ang yabang mo talaga! Nung una kitang nakita, uminit na agad yung ulo ko. Alam mo kung bakit? Kasi ayaw ko sa mga gwapo. Ayaw ko sa mga mapuputi. Hahaha... napangitan na nga agad ako sa mukha mo nun eh. Ang pangit kasi nung entrance mo. Nakakunot-noo, nakanganga. Hahahaha..."

"Ikaw alam mo, napangitan na agad ako sayo nung una kitang nakita."

"I know, right? Sanay na ako. Kung sa palagay mo, masasaktan pa ako dun, hindi na."

"Okay. Ikaw bahala. Panget na kung panget I don't care, ganun na lang yung nasa isip mo?"

"Oo. Wala rin namang mangyayari kung papatulan ko pa sila ano. Gaganda ba ako kung sasaktan ko sila? Hindi naman diba?"

Nang makarating na kami sa kotse niya, "Uy, sorry nga pala ah. Masakit pa ba?" Tanong ko.

"Actually, masakit pa talaga siya."

"Paano ako makababawi sayo? Gusto mo ba mag sorry ako ng milyong beses?"

"Sumabay ka sa akin. Ihahatid kita sa inyo."

"Wag na nakakahiya naman. Maglalakad na lang ako."

"Bahala ka. Kung hindi ka sasabay sa akin, pababayarin kita ng one million para sa pananakit na ginawa mo sa akin."

"Sabi ko nga eh. Eto na oh sasakay na. Pasensya na ho kamahalan." Sumakay na ako sa kotse niya at kinabit ang seat belt.

Habang nasa byahe, ang tahimik lang namin. Nakakabingi na. Kailangan kong magisip ng topic.

"Bakit--"

"Saan--" Magkasabay na sabi namin. Pareho lang ba kami ng iniisip? HAHA

"Sige ikaw muna." Sabay na namang sabi namin. LOL.

"Ikaw na." Sabay na naman kami.

"Lady's first diba?" Sabi niya.

"Okay. Ang gusto ko lang naman itanong ay kung bakit ka 'feeling close' sa akin."

"Wala lang. Komportable kasi akong kausap ka. Hindi ka masyadong nahihiya sa pakikipagusap sa akin katulad ng mga babaeng nakakausap ko. I like you."

"Huh?" Nagtataka kong tanong. Hanudaw? He likes me? Wheeee?

"I mean, I like your personality, your attitude and lahat ng tungkol sayo."

"Aaaah.... akala ko naman kung ano. Haha..."

Someone To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon