Trisha's POV
Okay naman yung naging practice namin ni Joseph kahapon. Hindi siya masyadong umiimik basta ba tinatanong siya ng teacher. Wala akong balak kausapin siya. Baka mahulog pa ako sa lalim ng iniisip niya. Hindi dapat ako makialam. Problema niya yun eh.
Buong araw kaming nagpractice at kanina lang, napansin kong bad mood si Anna nang pumasok siya habang nagp-practice kami. Breaktime na namin nun pero hindi pa rin kami pinalalabas hanggang hindi pa tapos yung kanta.
Sabi niya, ininis raw siya nung isang lalaki. Si John. Pero nagaalangan akong isipin na sila yung magkakatuluyan kasi gusto ni Tina si John. Sa akin nila lahat sinasabi yung sikreto nila. Kaya alam ko.
Ang gusto naman ni Cathy ay si Jimin. Ganun siya kataas mangarap. Ang sabi pa nga niya eh "Bes, hindi masamang mangarap hangga't buhay ka pa." Natawa na lang ako sa kanya noon. Para kasi talaga siyang ewan habang iniimagine na magkahawak sila ng kamay tapos ipapakilala siya sa isang concert bilang girlfriend niya, na makakapunta siya sa Korea, at ang pinakamalala, magkakaroon sila ng pamilya at may mansyon. LOL. Loko lang?
Si Kate naman, may boyfriend na. Si Kevin. Pero hindi pa namin yun nakikita kasi hindi pa din sila nagkikita sa personal. Nagkakilala lang daw kasi sila sa Facebook. One time nga inisip ko na, pangit talaga si Kevin. Na isa siyang poser. Uso kaya yung ganun. Pero mali yun sabi niya. Kasi nakakausap sila sa skype. At gwapo naman 'daw' ito. Sana nga lang.
Si Sofia naman, may boyfriend. Si Reigh. Gwapo si Reigh. Pero nasa malayong department siya kaya hindi masyadong nakakausap si Sofia during school hours. Panatag naman ang loob nito sa lalaki dahil alam niyang faithful ito sa kanya. Gabi-Gabi itong nasa bahay ni Sofia. Parang anak na rin daw yung turing ng mga magulang si Sofia kay Reigh.
Si Anna? Well, gusto niya si Aguiluz. Ewan ko lang kung MU yung dalawa. Madalas ko silang makitang magkasama pero saglitan lang. Minsan, simpleng "Hi" lang ni Aguiluz, kinikilig na agad si Anna. Pero nung nalaman kong 'mortal enemy' na niya ngayon si John, napaisip ako. Baka kasi matulad yung lovestory ng dalawa sa story nina Ms Lyn at Sr Nikki. Nagkakamabutihan na kasi. Haha...
Ako naman, wala. Sapat na ako sa buhay ko. Libro lang, sapat na ako. Minsan, nagbabasa rin ako ng lovestory para makaramdam ng kilig. Para sa akin, hindi kailangan ng boyfriend para kiligin. Libro lang, okay na. Sapat na. Kaya yung bahay namin, bawat cabinet may librong makikita. Minsan na rin akong nakagawa ng story at napa-publish ko na sa publishing sa school. About ito dun sa dalawang taong hindi inaasahan ang pagkikita. Hindi rin inaasahan ng dalawa na nahuhulog na sila sa isa't isa. I titled it "It Was Destiny's Fault". Nagustuhan naman nila.
Habang naglalakad sa corridor, nakita ko si Joseph na nakaupo sa may edge ng hagdanan pababa. Ang lalim talaga ng problema ng isang ito. I wonder kung ano yun. Pero hindi dapat ako makialam. Dahil hindi ko na iyon problema. Kung pwede ko lang sana siyang kausapin.
Nakayuko siya kaya hindi niya nakita na dumaan ako sa harapan ko. Nagda-dalawang isip akong lapitan siya at tanungin. Humingang malalim muna ako bago tuluyang lumapit sa kanya.
"Aahh... Joseph. Okay ka lang?" Tanong ko. Hindi siya umimik at bumuntong hininga. Humarap siya sa akin ng seryoso. Nabasa ko sa mga mata niya na malungkot siya kahit hindi niya pa iyon sabihin.
"Kung sabihin kong hindi ako okay, may magagawa ka ba para mawala yun?" Seryoso niyang sabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Umiwas agad ako ng tingin.
Umupo ako sa tabi niya at umindian sit din. "Kung pwede lang sana, magkwento ka? Para naman malaman ko kung anong gagawin ko para mapasaya ka." Suhestyon ko.
"Hindi ako mahilig magkwento." Walang gana niyang sabi saka yumuko ulit. Hindi ko malaman at wala akong ideya kung anong problema talaga ni Joseph. Ang ewan kasi eh. Hindi man lang nagk-kwento.

BINABASA MO ANG
Someone To Love
Fiksi RemajaKapag nakahanap ka na ng taong sa tingin mo ay para sayo na, hindi mo na ito pakakawalan pa. Kapag humantong ito sa tunay na pagmamahal, gagawin mo na ang lahat para lang maangkin ang kanyang puso kahit na marami kang kaagaw. Love is a sacrifice. Ku...