1

26 1 0
                                    

Chastique's POV

Nasa loob ako ng aking kotse at hindi ako makaraan dahil sa isang itim na kotse na nasa harapan ng aking kotseng puti.One way lang kasi 'tong daanan at masikip.Nakakaloka kanina pa 'to nandito ah?


Ilang minuto nalang at magsta-start na ang klase namin sa unang subject.Hindi ako mapakali at naiinis na ako parang mag-iisang oras na wala pa namang nakasunod sa likod ko kaya walang ibang magrereklamo kung hindi ako.Malayo pa ang lilibutin ko kung dadaan ako sa ibang daanan.

Agad akong bumaba mula sa kotse kong White Ferrari FF at malakas kong sinara ang pintuan ng kotse.Pumunta ako sa nasa harapan kong kotse at nakitang bukas ang bintana nito.Suot ko ang aking black na long sleeves at black jeans with red high heels.

"Pwede po bang umalis kayo sa daanan? Nakaharang  kasi kayo male-late ako nito oh!"

Lumingon 'yong lalaking naka-upo sa driver's seat may kasama pa siyang isang lalaki sa front seat.Nung nakita ko 'yong mukha niya at yung kasama niya parang pamilyar pero di ko maalala.

"Hello? Nakikinig ba kayo?" Tinignan niya ako ng napakasama.

"Long time no see Chastique Ramueva" tapos ngumiti siya sa akin.Kilala ko talaga 'to eh...hindi ko maalala

"Wala akong time para diyan,pwede bang tumabi ka na sa daan?" Sabi ko sa kanya

Lumabas 'yong isang nasa front seat.Aba talaga naman ha? Isa ba sila sa mga nakalaban kong gang? Bakit ang baduy nila manamit?

Lumapit 'yong kakalabas palang sa front seat tsaka niya hinawakan ang braso ko ng mahigpit.

"Sumama ka sa amin Chastique Ramueva" sabi niya na may masamang tingjn

"Eww! Bitiwan mo nga ako,I didn't give you the authority to touch me!" Pinaikot ko yung braso ko tsaka mabilis siyang tinulak papalayo at parang babagsak na sana siya.

Agad ko namang nadinig na tumunog ang pagkasirado ng pintuan ng kotse

Nakita kong bumaba na sa kotse yung driver."Remember me? Ms.Ramueva? Yung leader ng Hawk Eye Gang?"

"Sorry ha,hindi ko kasi talaga kayo maalala eh,siguro kung gwapo ka sana maaalala ko pa siguro,"nginitian ko siya,"Please alis na? Shu!" At sinenyasan ko sila sa kamay ko na paalisin na sila

Naglakad ako pabalik sa kotse ko nang naramdaman kong may brasong pumulupot sa aking leeg.

"Hinahamon mo ako ha?" Sabi ko sa kanya habang nakapulupot parin ang kanyang braso sa aking leeg at hinihigpitan pa ito.

Siniko ko ng napakalakas ang tiyan niya at sinipa din ng napakalakas ang tuhod niya tsaka niya ako nabitawan.

"Piliin niyo ang makakaaway niyo,wag ako" tapos agad na paatake sa akin 'yong driver ng kotse kanina,agad naman akong yumukod para iwasan ang kanyang kamao at agad na sinuntok ang sikmura niya.

"What the?!" Gulat siya ng napaatras ko siya.Paatake na naman siya ulit pero agad akong umikot at sinipa ang ulo niya  ng napakalakas kaya siya napatumba.

Parang wala 'atang malay 'yong nasipa ko.Yung isa namang sinipaan ko yung tuhod agad na tumayo at inalalayan ang walang malay na kasama niyang nasipaan ko 'yong ulo tsaka niya binuksan ang pintuan ng front seat para ipasok ang kanyang kasama,parang boss 'ata niya.

The Ultimate BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon