Chastique's POV"I'm home!" Sabi ko nang nakapasok na sa Mansion namin tsaka sinara ang wooden double doors namin.Humakbang pa ako at nakita ang pulang sofa namin sa sala at agad kong inilapag doon ang bag ko at ang racket kong sira na at 'yong bagong racket din na iniwan lang sa bench sa park.
"Chas!" Sumalubong sa akin si Kyle at payakap na siya sa akin.
Niyakap niya ako g napakahigpit sinuklian ko din siya ng napakahigpit na yakap.
"Eto naman oh,parang di tayo nagkita ng isang decada!" Sabi ko sa kanya.
"Kasi Miss na Miss na Misss talaga kitaaa!!" Sabi niya sa akin.
"Sus!" Sabi tapos bumitaw na siya sa pagyakap.
"Marami akong dala para sa'yo oh" sabi niya at sabay kaming humakbang para maupo.
Dun siya nakaupo sa black sofa na tapat lang ng red sofa kung saan ako nakaupo.
"Hindi ba nasasaktan ang paa mo sa taas ng heel mong 'yan?" Sabi niya at nakatingin sa paa ko,glass kasi ang 2 ft from the sahig na lamesa ng sala.
"Ano ka ba Kyle...hindi ka pa nasanay sa'kin?"
"My dear sister is here na pala" ani Monique na humahakbang pababa sa hagdanan.Si Monique ang aking bunsong kapatid na seryosong seryoso pagdating sa pag-aaral,palaging honor student! Pero kahit seryosong-seryoso siya di niya parin makamit ang pagiging top 1,like me! Hahaha
"Yah! The Angel in the family,halika demonyo kong kapatid" sabi ko sa kanya tsaka niya ako tinarayan.
"Wow ako pa ngayon ang demonyo" sabi niya sa akin habang humahakbang siya papuntang kitchen.Palagi man kaming nag-aaway ni Monique ay mahal na mahal talaga namin ang isa't-isa palagi kaming nagdadamayan at nagtatawanan pag may oras kami para sa isa't-isa.
"Hindi mo lang ba ako babatiin Mon?" Ani Kyle na nakatingin sa kanya habang natigilan si Monique sa paglalakad.
"Hmmph" tinarayan niya lang si Kyle.
"Ah...pasensya na kay Monique,ganyan lang talaga siya sa ibang tao,Kyle"
"Sanay na naman akong ganyanjn ni Monique eh" aniya.Alam kong hindi gusto ni Monique si Kyle.Palagi niyang ipinapakita 'yon.Ewan ko ba kung hindi niya gusto ang ibang tao o si Kyle lang ba talaga,kasi hindi naman siya ganyan sa iba eh,lalong lalo na kay Aryan.
"Sige,bye Chas! Matulog ka ng maaga ha? Take care! I love you" sabi ni Kyle sa akin habang papalabas na kami sa bahay at nasa harapan na kami ng pintuan.
"Sige,take care Kyle,I love you too! Bye" sabi ko tsaka ko hinalikan ang pisngi niya.Ay! Kilig naman ako dun.
"Goodbye Chas"
"Geedbey Ches" asar ni Monique sa akin nang naisara ko na ang pintuan.
"Oh? Ano bang problema mo kay Kyle? Ang bait kaya niya! He never cheated on me" sabi ko sa kanya.
"Alam mo ate,hindi ko talaga gusto si Kyle noong una ko pa siyang nakita!" Sabi niya
"Ano ka ba Mon" humakbang pa ako patungong kitchen sumunod naman siya.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Badass
ChickLit"I can swear,I can fight,I can break your bones,I can even kill... I'm not just a pretty face" "I'm not a gangster's girl,I am the gangster" Chastique Ramueva,ang babaeng walang sinasanto...sipa doon,suntok dito.Leader ng Red Gang.Myembro ng Badmint...