Chastique's POVHumakbang siya papalapit sa kinatatayuan ko.Ngayon ay mga 2 meters lang ang kalayuan namin sa isa't-isa.
"Di mo lang ba ako i-cong-congratulate?"
"Teka bakit ka nga nandito?"
"Ewan...pwede bang mangligaw?"
Napaatras ang ulo ko at napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Hmf,baliw ka ba? Nakita mo ba 'yong nakasakay sa kotse kanina? May boyfriend na ako boba" and then I crossed my arms.
"Boba?" Kumunot ang noo niya.
"Bobong bakla" sabi ko.
"Eh kung halikan kita ngayon?" Humakbang siya palapit sa akin at napakalapit na ng mukha niya sa akin,"Diba sabi ko manliligaw ako,pa'no ako naging bakla nun?" Lumapit pa ang mukha niya sa akin.
Pinaatras ko din ang mukha niya at inilapit ang mukha ko upang sumagot,"Bobo ka ba? Nadinig mo bang sinabi ko na may boyfriend na ako" sabi ko.
"He's a cheater,by the way" aniya na kinakunot ng ulo ko at lumayo ako sa kanya.
"He never ever cheater on me! I know him more kasi hindi mo naman siya kilala" sagot ko naman sa kanya.
"Hindi mo pa siya kilala Chas,hindi pa"
"Hoy! Unang-una,sino ka ba? Bakit kapag umarte ka parang kilala mo ko.Ikalawa,hindi ka nga kita kilala tapos ay manliligaw ka? Ano? What the heck is wrong with you? Pangatlo,may pinagsasabi kapang masama sa boyfriend ko na hindi mo naman kilal-"
Hindi ako nakapagtapos sa aking sasabihin nung hinawakan niya ang kanang kamay ko.
Para akong nakuryente at napatayo lahat ng balahibo sa katawan ko.
"Let's just say that I love your personality" aniya na hawak-hawak pa rin ang kanang kamay ko at nakatayo parin ang balahibo ko.
"Ayieee! Sino siya ate?" Napabaling ako kay Monique na kakalabas lang sa Gate.
Agad kong binawi ang kamay ko.
"Hi,I'm Axel" Talaga naman 'tong bobang 'to oh! Kumaway lang siya kay Mon sabay ngiti.
"Hi,I'm Monique,younger sister ako ni Chas" ani Monique na kumaway lang din.
"Tumigil ka nga dyan Monique!"
"Ate? Hindi mo lang ba papapasukin ang bisita natin?" sabi ni Monique sa akin.
"Oo nga" humakbang si Axel papalapit sa gate namin habang si Monique ay pinagbuksan naman siya ng gate.
Agad akong tumakbo,tumayo sa harapan ng gate at hinarangan siya ng mga braso ko.
"Hoy! Ikaw lalaki ka,'wag mo akong subukan ha" sabi ko.
He just smirked at me.
"Ano ba ha?" Galit kong sabi.
Lumapit siya habang ang posisyon ko ay wide open arms parin para harangan siya.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Badass
ChickLit"I can swear,I can fight,I can break your bones,I can even kill... I'm not just a pretty face" "I'm not a gangster's girl,I am the gangster" Chastique Ramueva,ang babaeng walang sinasanto...sipa doon,suntok dito.Leader ng Red Gang.Myembro ng Badmint...