Chastique's POV

Hindi ako makapaniwala na natalo ako ng lalaking iyon! Pero napakabait niya naman sa akin...ay hindi 'no,sinabi niya kaya na parang basura lang 'yong Aventador ko sa kanya!

Kilala niya kaya ako? Kilala ko kaya siya? Hindi siguro...baka sikat lang talaga ako kaya alam niya pangalan ko.


Matapos ang 2 araw ay Araw na ng paghaharap ng mga skwelahan.Dito sila naghaharap sa aming skwelahan.Ang aming kalaban at pinakamahirap daw na talunin since last year ay ang Lesrel University,pero hinding-hindi pa daw kami natatalo ng skwelahan na ito.Syempre dahil sa akin siguro! Hahaha.

Nasa Badminton Court na kami closed ang court.

"For Badminton Singles Category,we have Chastique Ramueva,from Sevelesca University"

"WOOHH!!!"

"SEVE LESCA! SEVE LESCA!....SEEEEVEELESCA!"

"Go Chas!!!" Nakita ko agad si Kyle na nakaupo na din kasama ang mga Classmate niya.

"Go Chastiqueee!! I love youu beshy!!" Nadinig ko ang sigaw ni Aryan na isa din sa mga chumicheer sa gilid.

Nakahanda na ako at nakapwesto.

Gagamitin ko ang Green na Racket na iniwan ng kung sino man sa park para sa akin.Ang gandang model kasi tsaka sira na talaga 'yong ginagamit kong racket.Alam ko namang pwede akong bumili ng madami sa dami ba naman ng kotse ko di ako makabili ng racket.Syempre,pagdating sa racket,mga rare lang talaga binibili ko 'yong napakatibay at napakagandang mga models,minsan lang makahanap kaya di nakakabili ng madami.

Parang nagslow mo nang dumating ang aking kalaban kasama ang kaunting tao na sumusunod sa likod niya...Naka white na mask siya tinatakpan ang kanyang ilong at labi.Green ang suot niyang badminton t-shirt na white shorts. Nakita ko kaagad ang kanyang black rose na earring sa kaliwa niyang tenga.Hindi kaya...siya si...

"And Axel James Devinado,from Lesrel University"

What??? Siya??? Bakit na naman nakamask siya? Tsaka white na ngayon ha?

Ilang segundo ay kinuha niya ang kanyang white mask,parang nagslow mo na naman.Natigilan ako at nakatingin ako sa kanyang mukha....

Napakagwapo niya nga! Hindi ko masyadong type ang mga lalaking maputi pero napakagwapo niya! Ang kanyang ilong ay napakatangos at ang kanyang labi na may perfect proportion na namumula-mula.

Wow ayos din ako ha! Kahit ang layo-layo niya kitang-kita ko 'yong mukha niya.Ngayon lang 'ata ako nakakita ng ganito ka gwapong lalaki.

Hoyy Chasss! Andito si Kyle! Umayos ka nga! May boyfriend ka na!!! Ano na ba ako! Ano bang iniisip ko!

Sinimulan na nga ang laro at ako ang serving side.

Dapat akong manalo! Hindi ako pwedeng matalo dito! At hindi ako pwedeng matalo ng lalaking ito ng dalawang beses!!!

Pak!

Ayon! Hindi niya nasalo.

Parang walang energy! Hay nako,panalo na ata ako nito eh!

Hindi naman siya mahirap na kalaban.Palagi niyang hindi nasasalo 'yong shuttlecock.



Matapos ang ilan pang hampasan at switching sides...

The Ultimate BadassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon