Chastique's POV"Hindi ako makapaniwala na natalo ka ng lalaking 'yon...pero in fairness,napakagwapo niya ah" ani Aryan na nakatayo sa harapan ko,masama akong tumingin sa kanya.
"Lumalaban ka pa sa lalaking 'yon?" Sabi ko sa kanya
"Eto naman siya oh...HB ka na naman Chas"
Naglalakad na kami patungong parking lot.May towel sa aking kanang balikat at nakayellow na badminton t-shirt parin ako.Pawisan parin ng kaunti ang mukha.Dala-dala ko ang plastic bottle na wala nang laman na tubig sa kanang kamay ko.
Hindi ako makapaniwala na natalo ako ng lalaking iyon! Twice! First time kong matalo sa Badminton! Wala pang nakakatalo sa akin lalong lalo na kapag galing sa Lesrel University.Tsaka first time ko ding natalo sa Street Race.
Pinisil ko ang plastic bottle gamit ang kanang kamao ko.
Napahinto na kami sa kotse kong White Ferrari FF.
"Bwesit na Axel!" Sabi ko at napahampas ako sa ibabaw ng aking kotse.Nanatili ang kamay ko doon at pinuwesto ko din ang isa ko pang kamay at ito'y sumuporta sa aking katawan.
"Ano ka ba Chas,alam mo magkape nalang kaya tayo 'no? Huwag ka ngang magwala diyan" sabi niya na binuksan ang pintuan ng kanyang sasakyan na Black Ferrari FF,yes,pinag-usapan namin na magkapareho kami ng model sa kotse ko Black nga lang sa kanya para black ang white.
"Aryan,first time kong matalo! Paano ako hindi magwawala...hindi pwedeng masira ang image ko as The Queen of Sevelesca" sabi ko tsaka ko binuksan ang pintuan ng kotse ko.
"Ganyan talaga 'yan Chas,sometime you have to lose...dapat tanggapin mo 'yang pagkatalo mo" sabi niya.
Tinarayan ko siya,"Hindi mo kasi ako naiintindihan"
"Sus" sabi niya tsaka agad na pumasok sa kanyang kotse at sinara ito.
Pumasok na din ako tsaka ko sinara ng napakalakas ang pintuan ng kotse.
Nagdri-drive na kami pauwi mga isang kilometro lang ang pagitan ng bahay namin ni Aryan.Una siyang lumiko.Mas malayo kasi ang bahay namin sa skwelahan kaysa kay Aryan.
Best friend ko siya since First Year High School.
Habang nagdridrive naalala ko ang pambubully sa akin ng mga kaklase ko noong 6th grade ko.
'Yong apat na mga inggeterang babae na binwebwesit ako palagi.
Nakasandal ako sa locker ko habang nasa harapan ko 'yong mga baabeng iyon.
"You don't belng here! Ang pangit mo!"
"Tsaka ano bayang ayos ng buhok mo! Hindi bagay sayo!"
"Pandak ka pandak!"
"HAHHAHAHAHA"
Kinuha nila ang eyeglasses ko tsaka tinapakan ng leader nila.
Umiiyak na ako pero tumatawa parin sila.
Walang tumulong sa akin kahit nakikita na ako ng ibang mga studyanteng naroon na dumadaan.
Kinuha ng isa pa sa kanila ang bag ko tsaka niya binuhusan ng tubig galing sa water bottle niya.Tsaka tinapakan pa ito ng isang nakaboots,puno pa ng putik ang boots niya kaya duming-dumi talaga 'yong bag ko.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Badass
ChickLit"I can swear,I can fight,I can break your bones,I can even kill... I'm not just a pretty face" "I'm not a gangster's girl,I am the gangster" Chastique Ramueva,ang babaeng walang sinasanto...sipa doon,suntok dito.Leader ng Red Gang.Myembro ng Badmint...